Kabanata 29 Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Unti unti kong minulat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Mama. It's been a one week since we broke up. At hanggang ngayon sariwa pa, para bang kahapon lang nangyari. Pinipigilan kong wag umiyak dahil baka makasama sa bata at hanggang ngayon hindi ko pa nasasabi kay Mama na buntis ako. "Anak. May sakit ka ba? Araw araw na kitang nakikitang nagsusuka? Hindi kaya..." Kinabahan ako sa iniisip ni Mama. Napahawak ako sa tiyan ko at unti unting pumatak ang luha ko. "Mama... I'm pregnant." Kung akala ko ay magagalit si Mama ay nagkamali ako, mahigpit ako nitong niyakap. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" "Mama natatakot ako baka mag-alala kayo o kaya magalit." Umiling-iling pa ito sa aki

