Kabanata 30 Hindi ako makagalaw, gusto kong magsalita ngunit nangangamba ako. Pakiramdam ko kasi kapag nagsalita ako ay magkakandauutal ako. Tumingin lang ako dito ng saglit ngunit iniwas ko rin. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko dahil sa titig nito sa akin. Walang nagbago, ganun pa rin ang nararamdaman ko kay Raille. Mahal ko pa rin ito ngunit hindi maaari. Baka nga kinasal na ito kay Yvonne at may anak na rin sila. "Long time no see." Saglit lang akong ngumiti dito at hinanap ng mga mata ko si Tita. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ito na para bang hinahanap rin ako. "S-sorry kailangan ko ng umalis. Hinahanap na ako ni tita." Hindi ko na ito hinintay na magsalita. Nilagpasan ko na ito at pumunta sa kinaroroonan ni Tita. Agad kong hinila si tita palabas ng store. Hindi

