Kabanata 31 Napabuntong hininga ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi nga ako makatingin sa kanya ng diretso. "Sabihin mo sa akin Preciousse. May anak ba tayo?" Biglang bumilis ang t***k ng puso ko lalo na nung hinawakan niya ako sa pisngi at pinaharap sa kanya. "R-RAILLE..." Nahihirapan akong sabihin dito. Pakiramdam ko sobrang sama ko kasi pinagkait ko dito ang anak namin. "Preciousse. Just tell me the truth. May anak na ba tayo?" Hindi ko mapigilang mapaluha at kasabay nun ang mabagal kong pagtango dito. "s**t!!" He cussed. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" "Don't blame me Raille. Kung ano-ano lang talagang pumasok sa utak ko kaya hindi nasabi sayo. Malay ko ba baka may pamilya kana." He cussed again. Muli ay hinawakan niya ang pisngi ko at pinaharap sa kanya. He wiped my

