Kabanata 2

1996 Words
Kabanata 2 "Huy! Ineng late ka na po." Pagising sa akin ni tiya. Paano ba naman ako di tatanghaliin ay halos tapusin ko—este tinapos ko pala ang pinagagawa ni Sir sa akin at halos umaga na ko nakatulog, hindi kasi ako nakakampante pag may gawain pa tapos di ko gagawin gusto ko on time...siguro dahil sa mga payo sa akin ni Mama. "Bulaga!” gulat sa akin ni tiya ."alam mo kanina ka pang tulala bakit ba? Mag share ka naman." "Alam nyo po malalate na ko, mag aayos muna po ako tiya mamaya ko nalang po sa inyo ikukwento at may sasabhin din po ako sa inyo pag dating ko.” sabi ko at tumakbo papasok sa CR pero bago ako pumasok nilingon ko ulit ito. "Hmm...tiya secret lang to ha!" "Bata, talagang to...ano ba yun malalate ka na!" "Hmm...ang hot po ng boss ko.” sabi ko, na agad pumasok sa banyo para maligo kilala ko kasi si tiya pag sinabing hot mag wawala yan at kukulitin ako na mag kwento, isa kasi siyang single mom, ilang taon na rin kasi ng namatay ang asawa nito kaso nga lang ang anak nito ay nasa pamilya ng kanyang asawa minsan binibisita pero madalas lang pag may oras siya. Siguro kung pagsasamahin kaming dalawa mapag kakamalan kaming mag Ina parehas kasi kami nang ikinikilos at kung paano gumalaw siguro dito ako nagmana samantalang ang kay mama na man ay appearance . Pagkatapos kong mag ayos ay nagtungo na ko sa company hanngang ngaun di pa rin ako makapaniwala na dito ako nagtatrabaho, Isa sa mga kilalang kompanya sa buong bansa ang Monteverde... Napakalaking tulong nito sa pagpapagamot sa aking mama na nasa probinsya at Doon nag papagaling, ayaw pa nga ako nitong mapunta sa Manila dahil magulo daw at makalat polluted area daw pero di naman lahat siguro may parte lang talaga , pero wala din naman nagawa si mama nung nag pasya ako na dito mag trabaho ay agad kong tinawagan ang tita ko na dito nakatira at ito ako ngaun may trabaho na malaki pa ang kita. Tuloy tuloy ako sa paglalakad at hindi ko na pansin na may tao pala . "s**t"tili ng babaeng na bunggi ko, kasi naman pahara-hara, kung tutuusin ito naman talaga ang nakabunggo diretso lang kasi ako nag naglalakad tapos humara sya buti nalang at mapagkumbaba ako,nag angat ako ng tingin sa babae at base sa kasuotan Mayaman at elegante mukhang model na kahit anong ayos ay babagay , nakakahiya pagkumpara mo naman ang suot nito sa suot ko , parang nag mumukhang basahan ang suot ko at kung gumalaw pang prefessional ganito ba talaga ang mayaman. "Sorry Miss ." akmang hahawakan ko sana ito ng biglang tinabig nito ang kamay ko. "Don't you dare to touch me" and she rolled her eyes. "look at you self_." hindi na natuloy ang sasabhin nito ng may tumawag dito. "Yvonne." a familiar voice said . Nang tingnan ko ang tumatawag ay bigla na lang kumabog ang puso ko . "Babe!" Hiyaw nung babae at sinalubong si Sir . "Miss me, hindi pa nga ako nakakaalis na mimiss mo na ko." sabi nung Yvonne at yumakap ng mahigpit kay Raille. Ano ba to ni Sir? "Teka ba't nagagalit ka sa boss mo?" sabi ng aking isip. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari hindi naman kasi ako tsismosa umalis na agad ako ayaw kong makita ang mukha nung Yvonne napaka plastic , nung ako ang kaharap ang taray, nanalilisik ang mga mata pero ng kaharap na si boss bigla na lang naging anghel ang mukha. Huminga ako ng malalim bago mag pasyang pumunta sa aking office, at ng naka pasok na ako nagulat ako ng wala lahat ng gamit ko, hindi naman ako nagkamali ng pinuntahan bago pa ko makalabas ay may pumusok ng babae,maamo ang mukha nito at mukhang friendly. "Hi! If I'm not mistaken,new secretary ka ni Raille." mahinhin na sabi nito . "Yes!hmm... employee ka ba rito?" Tanong ko na ikinatawa ng babae. "Nope, cousin ako ni Raille at kung itatanung mo kung nasaan ang gamit mo." tinuro nito ang ang office ni Sir. "hmm... Nandun at simula ngaun dun na rin ang office mo." Nanalaki ang mata ko ng bigla nalang ako nito hinila at ipinunta sa office ni Sir , nabulagta ako ng makitang mag kaharap ang table naming ni Sir, paano ako makakapag-trabaho nito ng ayos kung titig pa lang ni Sir ay di na ko maka pag focus. "Di ba dapat ang secretary at boss ay mag kasama so I decided na dito na rin ang office mo para di na mahirapan ang pinsan ko na puntahan ka pa." I let a deep sigh before turning to a women who standing in front of me. "wait uhmm...” naputol ang sasabhin ko ng mag salita muli ito . "Anyways. Don't be afraid , alam to ng pinsan ko and actually sya ang nag plano nito pinalabas lang na ako...I think Raille have an interest in you." sabi nito at nag tataas , baba pa ng kilay. "Hmm... By the way My name is Haille Drea Montefalco and your name is?" Sabi nito at inilahad ang kamay sa harap ko. "Preciousse Almonte." sabi ko at naki pag shake hand ako sa kanya . "So friends." nagulat ako sa sinabi nito, iba kasi ito sa mayayamang halos ka age ko lang napaka friendly at walang Arte di gaya ng Yvonne na yun super Arte . "Preciousse on earth." sigaw nito na ikinabigla ko. "Y-yes, friends na tayo." sabi ko na ikinangiti nito. "You know right!, You're so gorgeous at ang bait mo...halata sayong magandang mukha, look at yourself simple in short ideal girl ka, so friends tayo ha! And friends always together at nag sasabhin ng problema." sabi ni Haille na ikinatuwa ko. "by the way I have to go bye best friend." "Bye." at kumaway ako sa kanya. Nakakatuwa si haille , Ngaun na lang ulit ako nagkaroon ng best friend ,nung elementary kasi ako may best ako mabait,tapos lagi ko pang kasabay kumain at umuwi yun ay si Aira kaso nung naka graduate na kami ng elementary at mag hi-high school na bigla naman itong ipinunta ng mga magulang sa isang bansa para doon mag aral at Nung first day ko ng high school mag Isa lang ako at laging na sa sulok at umiiyak ,hanngang sa may lumapit sa aking barkada sina Akira, Amanda at Kesha tinuring ko bilang best friend kasi sila ang nag bibigay ng advice at nagpapalakas ng loob ko , kaso di sinasadyang may gusto nun si Akira at Amanda kay Dock at Hammock at sakto naman noong nanliligaw sa akin si Dock at kaibigan ko naman si Hammock. Ginamit ako nina Akira at Amanda para mapalapit may Dock at Hammock at nang malaman ang panliligaw sa akin ni Dock ay itinakwil na nila ako sa tropa dahil ang totoo daw na kaibigan ay hindi ahas labis akong nasaktan sa binaitawan bilang salita , kinausap ko si Kesha ngunit parang nasiraan na ko ng ng dalawa dito...makalipas ang araw ay umiwas na ako sa dalawang lalaki lagi kasi akong binubully ng mga kaklase ko at Simula Nung mag college ako mag Isa nalang ako walang kasama nakikihalubilo ngunit di din nagtatagal. Nang minsan nga nung college pa ako ay may sumubok na makipag kaibigan si Lucas kahit lalaki pumayag ako ayos naman ang samahan namin kaso makalipas ang dalawang linggo nag tapat sya sa akin ng nararamdaman at nag paalam kung pwede daw manligaw pero ang sabi ko Hanggang friends lang at wala ng hihigit pa so yun kinabukasan sinubukan kong kausapin kaso nag maang-maangan na hindi daw ako kilala tinanong pa nga kong anong name ko at wala daw syang natatandaan. Napahiya ako dun at Simula Nung maka graduate ako ng college wala na kong naging kaibigan . At nag papasalamat ako na meron na ulit akong pagsasabihan ng problema siguro naman iba si Haille kasi base palang sa mukha alam mo na ang ugali maamo kasi ang mukha nito at alam kongmagkakasundo kami ni Haille siguro konting araw pa na mag kasama ay makikilala na namin ang isa't-isa at sigurado ako dun. "Malalim ata ang iniisip mo Preciousse." napaharap agad sya sa nag salita sa sobrang gulat . Ehh kasi naman nasa gitna ako ng pag mumuni-muni nang may baritonong boses na sasabat . "Sorry Sir may iniisip lang." palusot ko. "So nasabi na pala ng pinsan ko sayo...okay its time to work Preciousse." Nasabi??ang alin? Ang paglipat ko dito? O ang sinabi ni Haille na interesado daw ito sa akin? And the way he pronounce my name parang gumaganda at nagugustuhan ko yun. Ang weird ng nararamdaman ko! Umupo na ko sa swivel chair at kinuha ang papeles sa cabinet na tinapos ko kagabi akmang tatayo ako para sana ibigay ito sa kanya ng may pinatong itong sandamak-mak na papeles. "Ito pa ayusin mo rin, naiwan kasi yang gawain ng dati kong secretary." Kinuha ko ito at saka ibinigay ang tinapos ko kagabi pero di nya tinanggap. "Please double check that." sabi nito na mataam na nakatitig sa kanya. "Sir na double check ko na po yan." "I said double check that papers. " hiyaw nito na di naman ganun kalakas Tama lang na marinig ko. Sungit!nito kung di lang siya gwapo. Tumango na lang ako ...may pasabi-sabi pa sa take note na babawi daw ay mukhang galit nga sa kin baka nananaginip lang ako kagabi o baka naman imahinasyon ko lang yun. Umupo na ko at sinimulan ang gagawin , bakit ba kasi iniwan pa to ng dating secretary e di sana hindi ako nahihirapan. Halos hindi na nga ako matulog kagabi para lang matapos itong mga papeles tapos ipapa-double check pa , ano sya nagbibiro . "Okey calm down Preciousse . " Pagkalma ko sa aking sarili... Pasimple akong tumingin kay Sir at bigla nalang bumilis ng t***k ang aking puso... My heart beating fast in 180 speed. Agad akong umiwas ng tingin... Shit...ano itong nararamdaman ko dalawang araw ko pa lang syang nakikilala bakit ganito na agad ang epekto nito sa akin, Nabuwal ako sa kinauupan ko ng bigla nalang itong nag salita . "I told you that call me Raille drop the Sir , just Raille." "O-okey r-raille." "Good, mamaya lunch tayo...gusto kong bumawi." sabi nito na ikinalaki ko ng mata. "S-sabay t-tayo." utal-utal kong sabi...Hayy s**t umayos ka Preciousse. "Don't tell me hindi mo binasa o nakalimutan mo ang note na sinulat ko." Binasa ko po Sir...sabi ko sa isip. "Okay po Si__ ayy Raille pala." ngumiti ako dito. Muli ko ulit tinuon ang atensyon ko sa papeles at sinumulan ulit ito ayusin...ngunit sa tuwing magagawi ang tingin ko kay Raille ay nahuhuli kong nakatingin sa akin pero agad akong umiiwas, kaya kasi hindi makapag focus sa ginagawa ramdan ko lagi na may na katingin sa akin kung kandila ako kanina pa ako natunaw sa titig nya. Tumingin ako sa oras, mas laki akong kinabahan ng malapit ng mag lunch tapos kaunti palang ang na aayos nya . "Lunch na." nag angat ako ng tingin kay Raille at nakita ko itong nakatayo na handa na para umalis. "Umm... Hindi pa naman may 10 minutes pang natitira bago mag lunch." sagot ko dito . "Ahh okay."sabi nito at umupo uli sa kanyang swivel chair. Pagkalipas ng ilang minuto, parang nararamdaman ko na may papalapit sa akin, nag angat ako ng tingin at nakita ko nalang si Raille na nasa harapan na ng table ko. "It's already lunch, let's go." Tumayo ako at inayos muna ang gamit at pagkatapos ay matiim ko itong tiningnan Tango na lang ang naisagot ko sa sobrang nerbyos, hindi kasi ako sanay na may kasabay kumain laki na't boss ko pa baka pagkamalang akong gold digger. Inilahad nya ang kamay nito pero hindi ko ito tinanggap. "Let's go." ulit nito sa akin . ... Thank you
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD