Kabanata 1
"Good morning ma'am!" bati sa akin ng isang staff.
"Good morning,can I talk to Mr. Monteverde."
"Ohh! Ma'am hindi po ako ang secretary nya,punta nalang po kayo sa secretary nya."
"Okay!thank you." ngiti ko sa babae.
Tumungo ako sa office ng secretary dito buti nalang tinuro sa akin ng babae kanina... bubuksan ko na Sana ang pinto ng may marinig akong di kaaya-ayang tunog.
"Ohh...yeah..Sige pa babe...hmm...malapit na ko." ungol sa silid at hindi ako tanga para hindi malaman kung anong ginagawa sa loob .
Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang isang silid, malayo ito sa kinatatayuan ko at bumulaga sa akin ang mala adonis na mukha , his perfect jawline, pointed nose,hindi kaputian, matangkad siguro mga 6'6" ang height nito...
"Hey!" Nagulat sa presensya nya, di ko kasi napansin na nasa harap ko na pala ito. Tumingala ako para makita ng malapitan ang mukha nito, nasamid ako halos kabalikat nya lang ako,nakakailang .
"Hey miss, kanina pa ako nag sasalita dito pero parang busy ka sa pag titig sa mukha ko, hayaan mo alam kong gwapo ako." Sabi nito at bahagya pang tumawa.
"Huyy!ang yabang mo porket... porket _."
"Porket gwapo ako." putol nito sa sasabhin ko
"Excuse me! Wala_." naputol ang sasabhin ko ng biglang bumukas ang office ng secretary dito .
"Sir....hmm!! Sorry Sir__." sabi ng secretary .
"Ikaw!"sigaw ko na kinakunot ng noo ng lalaki.
"Teka,teka Ikaw ba sa Mr. Monteverde?"
"Yup! I am Raille Aeron Monteverde...hmm Raille for short. "
"s**t! Tapos ang araw mo Preciousse ." bulong sa aking isip. Bahagya akong umusod para sana umalis na... Nakakahiya di bale nalang sa iba na lang sya mag aaply "Grab the opportunity Preciousse" bulong ulit ng aking isip.
"Ehem..."tikhim ng secretary ng mapansin ang titig ko kay Raille.
"Hmm...Sige po una_." naputol ulit ang sasabhin ko ng nagsalita si Raille.
"Preciousse right! new employee, pwede ba kita ng maging secretary uhmm." muli ako nag angat ng tingin dito, ehh pano yung secretary nya ngaun ayaw ko namang may mawalan ng trabaho dahil sa akin .
"Ayaw ko po Sir kasi mawawalan ng tra_."putol ulit nito, bakit ba ang hilig nitong magputol ng salita.
"Actually, hired kana bilang bago kong secretary at magre-retire na rin sya nahanap ng kapalit."
Tumungo-tango ako sa napagtanto .
"Sige po Sir."
"Anyways don't call me Sir,Mr. Monteverde just call me Raille at pwede kanang mag trabaho kaysa naman matunaw ako sa titig mo."
Ginuide ako ng secretary dati sa bagong kong office buti nalang hindi ako napalagay sa dati nitong office alam ko kasing may milagrong naganap.
Uupo na sana ako ng may biglang nag bukas ang pinto siguro investor ang gara ehh
"I want to talk to Mr . Monteverde about my investment" tumago ako at inilahad ko ang upuan
"Take a seat Sir,tatawagan ko lang po si Sir"
Marahan akong nagtungo sa office ni sir at nung nasa harap na ako ng pinto kakatok sana ako ng bigla itong nag bukas dahilan para mapasandal ako sa isang bulto ng tao, nang tiningala ko ito laking gulat ko na si Sir pala yun
Agad akong umayos ng tayo at bahagyang yumuko
"Sorry Sir, may naghahanap po sa inyo at gusto po kayo ng makausap"
"Okay,hmmm.."
Tumingin ito sa akin at tinuro ang makapal na mga papeles
"Can you see that?" Tanong nito
"Yes Sir" kita nyo nman may mata ko diba ...umirap akong bahagya na ikinatawa nito
"You're so adorable, especially when your eyes rolled"and he chuckled "Anyways arrange it in alphabetical order and after that you can go home and rest" sabi nito at umayos na, na may ngiti sa labi
Ang weird nya
Pumunta ako sa table kukunin ko sana ang papeles nang may mapansin akong larawan, isang family picture ...ang batang lalaki ay nasa mga hita ng Ina at ang Isang namang lalaki ay nasa ama kung di ako nag kakamali ang kandong ng Ina ay ang Boss nya siguro 5years old palang ito, samantalang ang kandong ng ama ay nasa mga 9 or 10years old na
Kukunin ko sana ang larawan ng family ng bumukas ang pinto
"Ayy!!! Palaka" tili ko sa sobrang gulat...
"Ang gwapo kong palaka" this baritone voice kilala ko ito...nang tumingin ako sa pinangalingan ng boses nabigla ulit ako si Boss pala ito na nakatingin sa bagay na hawak ko
Agad ko itong inilagay sa pinagkunan ko
"Sorry Sir,ang ganda kasing tingnan ehh..."
Sa pagkakataong iyon kinuha ko na ang papeles at lumabas na...
Pumunta ako sa silid at Doon sisimula ang trabaho
"Ang pakialamera mo kasi kahit kailan,paano kung tangalin ka Niya sa trabaho ha! Paano ang pangarap mo" pagsisi ko sa sarili
Habang inaarange ko ang ang mga papeles ay bigla nalang kumalam ang aking sikmura, siguro, dahil wala pang laman ang sikmura ko kanina pang umaga, 1:00 na nang hapon sobra kase akong exited at pati pagkain kinalimutan ko.
Tinitigan ko ang natitirang papeles , napabuntong hininga nalang ako nasa M palang ako pagod nako at gutom pa, pati mag gagabi na rin matapos ko kaya to
Sa kalagitnaan ng pagaarange ko ay may kumatok sa pinto,naalala ko ang sinabi ni Mama. "Anak,remember when someone knock the door,be ready okay."
Agad akong kumuha ng matigas na bagay at unti-unting lumapit sa pinto at pinuwesto ang sarili , handa sa laban...Pag bukas palang ng pinto ay may tumawag na sa akin.
"Ma'am Preciousse, ma'am !!" nakahinga ako nang malalim ng mapagtatantong si manong pala yun.
"Manong !bakit po?"
"Aba!Ikaw bata ka, kala ko kung nasaan ka,ba't ka ba nandiyan ha!?" Usal ni manong.
"Kala ko po kasi stranger na...kayo lang pala...grabe kinabahan ako dun ahh."
"Anong stranger ka dyan , oh ito pinabibigay ni Sir kumain ka daw muna at pag patak daw ng alas sinko umuwi ka na daw at bukas mo na yan tapusin... Sige una na ko."
Bahagya akong nakatingin sa isang supot nakagat ko labi ko ng may munting ngiting gumuguhit sa aking labi...para akong kinikilig na ewan.
Binuksan ko ito at may take note pang Kasama na nagbigay ngiti ulit sa akin ...So sweet!!!
"Take your lunch and sorry,kababago mo palang pinahihirapan na kita...hayaan mo bukas babawi ako?"
At may happy face pang kasama nakakatouch, bakit kaya ako nito binigyan, hindi naman kami close...siguro ganito lang talaga yun sa mga employee o di kaya pang welcome niya ito sa akin.
...
#sexytary
#note
#$weet
Happy reading, be safe