Kabanata 26 Parang lahat ay nagbago, mag-isa na lang akong napasok sa opisina at magkahiwalay na rin ang opisina namin ni Raille. Kahit masakit ang nangyari kahapon ay tanggap ko parin. Three days lang naman siya sa hospital at sigurado akong bibisita din siya minsan sa condo. Sa tuwing gigising ako ay diretso kaagad ang tingin ko sa pinto nagbabakasakali na biglang pumasok si Raille. Kahit wala akong gana ay pinilit ko pa ring kumain dahil kahapon pang akong walang kain tapos lagi pa akong puyat. Bigla akong napatayo nang makarinig akong pagbukas ng pinto . Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ko si Raille ngunit diretso lang ang lakad nito papuntang kwarto at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Kahit nagdadalawang isip ako ay sinundan ko ito ngunit hindi ko paman nabubu

