Kabanata 25 Dahil sa sobrang pagod ay dumiretso na agad ako sa kwarto habang si Raille naman ay nagluluto. Bukas ang uwi namin sa Manila . His mom is so impatient hindi kami makapagfocus kanina ni Raille sa pamamasyal dahil kada oras na lilipas ay tutunog ang telepono nito. "Baby..." Mahina akong napadaing dahil sa hininga ni Raille na tumatama sa leeg ko. "Let's eat." Dugtong pa nito na lalong nagbigay sa akin ng kakaibang bultahe sa katawan. "Yah! Gutom na rin ako." I wrapped my arms around his neck that made him chuckled. "Are you tired?" Tanong sa akin ni Raille habang buhat-buhat ako paharap at naglalakad papuntang kusina. I pouted my lips and nodded. "Kapagod kanina kasi naglakad tayo." Agad niya akong dinampian ng mababaw na halik sa may labi na ka-agad ko rin naman tinugon.

