Hindi ako nakakilos dahil sa narinig, naninigas na nga habang nakatitig doon sa maliit na babaeng yon. Umbok ang tiyan, at obvious namang buntis nga talaga. Mula sa pagkakaawang ng labi ay naitikom ko iyon ng mariin, rinig ko iyong ngitngit sa mga ngipin ko dahil sa nangyayari. Buntis ang gaga... walang duda. Si Hawk pa yata ang ama... "Shee..." tawag ni Hawk kaya yong sama ng pagkakatitig ko sa babaeng yon ay nabaling sa kanya. Ang hayop nga naman, mukhang alagang-alaga naman noon habang nasa puder ng kung sinumang Poncio Pilato na yan. Ni hindi nga ito mukhang naghirap, di naman hapis ang mukha. At mukhang pinapakain naman ng maayos. At 'Shee' raw? When did he learn to call me like that? Akala ko ba 'Baby' o 'By'? Anong nangyari roon? Nakita kong para siya maiiyak habang papalapit

