"Oh goodness!!" Tinampal-tampal ko iyong sarili habang nakatitig sa sariling repleksyon na nando'n sa tapat ng sink noong public restroom sa school. Di ako makapaniwalang nagpadala na naman ako sa sariling nararamdaman... namiss ko... ay tangina! Dapat hindi gano'n e! Dapat kay Hawk pinapagapang. Sa lahat ng binigay niyang sakit sa akin? Kulang pa nga iyon. Pinilit ko na lang ang sariling magpokus sa mga aralin. Pero paano pa nga ba kung pagkauwian ay sinundo na naman ako ni Hawk? Inis na tinitigan ko siya at inirapan. Ngumisi lang naman ito, ako namang umiiwas e lumiko pero agad niya akong hinila at dinala sa loob ng sasakyan. "Ano ba?!" Pinanlalakihan ko naman siya ng mga mata. Ngumisi lang naman ito. Natahimik ako at bumuntong hininga. Hindi ko maintindihan kung ano ba iyong gusto

