18

2021 Words
Wala naman akong kasalanan na nagawa... pero bakit ganito? Ramdam na ramdam ko ang pag-akyat ng kilabot sa buong katawan. Iyong pakiramdam na sumabog ako sa sobrang pag-iinit ng buong mukha. Iniiwasan ko nga si Mama dahil sa konsensyang nararamdaman. Hindi ko siya matitigan ng maayos. Mabuti na lang din at pasukan, kaya kaonting oras lang ang nilaan ko sa bahay. Hinatid naman ako ni Sir Hawk na tawang-tawa habang binabaybay namin ang kahabaan ng traffic. "Tumigil ka na..." asar talo na saway ko sa kanya. Tawa pa rin ito ng tawa... sa inis ko ay sinapak-sapak ko iyong braso niya. "Sabi ko tumigil ka na!! Kainis ka naman e! Tigil na!!!" Saway ko. Sa halip na tumigil ay mas lalo pa itong natawa. "Gago! Ang libog mo talaga!! Muntikan na ako dahil sa'yo!" Asar na asar na sigaw ko noon. "By, but I managed to control myself... sapat na iyon para mapatunayan ko sa'yo na kaya kong tumupad sa pangako." He grinned. Irap naman ako ng irap. Hanggang sa makarating nga sa eskwelahan ay panay pa rin ang irap ko sa kanya. Yon nga lang, nakaramdam ako ng kilig noong dinukwang niya ako't hinalikan sa pisngi. "Ingat sa school. If you saw guys lurking around... wag mong pansinin. You're indeniably beautiful, my Sheeva." Umirap na lang ako kahit na ang totoo niyan ay kinikilig ko sa nangyayari. Sabi nga... pag gusto mo iyong tao kahit ano pa iyan, tatamaan ka talaga ng kilig. "Magkikita ba tayo sa bahay mamaya?" Tanong ko habang binubuksan ang pintuan. "Hindi na... susunduin kita pagkatapos kakain tayo sa labas. I have to go home early. Magbibabysit ako sa mga pamangkin mamaya." Tumango ako sa sagot niya, nag-aalangan pa rin akong bumaba. Napagtanto ko rin sa huli kung ano iyong gusto ko. "Kiss ko?" Unti-unting ngisi iyong binigay niya sa akin ng humingi ako sa kanya ng halik. Dumampi iyong labi niya sa akin bago unti-unting binuka. "Konting-konti na lang Sheeva, iuuwi na kita." Pigil ngiting sabi niya. Nakaawang pa rin ang labi ko, hinihingal. Namumula rin ang buong mukha ko bago bumaba sa sasakyan niya. Hinintay ko siyang makaalis bago naglakad patungo sa quadrangle. Hawak ko pa rin ang pisngi ko. Tangina... kinikilig na naman ako. "Huli ka balbon!!" "Ay putanginang halik!!" Nagulat ako roon. Tawa naman ng tawa si Georgia, kasama si Hannabeth na ngumiti lang sa akin habang yakap niya iyong sariling bag. "Anong halik? Sino naman ang iniimagine mo, aber?" Mapanuksong titig sa akin ni Georgia, nakapamaywang pa. Umiling na lang ako at sumunod sa kanila para umakyat na rin. Ayaw kong pabulaanan iyong sinasabi ni Georgia. Iinisin lang ako niyan. "Balita ko mula kay Yen, may boyfriend ka na raw. Who is the lucky guy?" Ngisi niya. Natigilan ako sa paglalakad. Nakalimutan ko na magkaibigan nga pala sila ni Yen. Common friend na rin kumbaga. Hindi ko alam na pinagsasabi niya na pala iyong relasyon ko sa kung kani-kanino. Who knows kung hanggang kanino umabot iyong status ko ngayon. "Oo, actually magto-two months pa lang." napakamot pisngi na sabi ko na pa. Ngumisi naman siya, kabaliktaran kung paanong ngumiti si Hannabeth. Kahit papa'no magaan ang loob ko roon. Nakikinig lang naman siya, hindi nakikiusyuso. Sadyang ganito lang ang kaibigan namin mula noon. "Bigatin daw?!" Nanlalaking mga matang balita ni Georgia. Ako na naman itong natulala at napaawang ang labi. Bigatin?! Sige nga at paano nilang nalaman na ganoon? Maliban sa pamilya ko e wala namang iba pang nakakaalam sa estado ng buhay na meron iyong former boss ko. At never ko naman nabanggit kaninuman sa mga pinsan ko ang kapangyarihan na meron si Sir Hawk. Ayaw ko kasi... na dahil lang sa yaman ni Sir Hawk e pagdudududahan na ng lahat iyong motibo ko sa relasyong ito. Hindi naman lahat nakakaintindi sa mga nangyayari. Gusto ko si Sir Hawk... hindi pa ba sapat iyon para hindi na paghaluin ng kahit sino iyong nangyayari sa amin? "H-hindi naman... sinasabi niya lang iyon kasi laging may dalang sasakyan iyong boyfriend ko pero hindi naman... hindi talaga." Awkward na halakhak ko at tumitig sa kabilang pasilyo. Namataan ko kasi si Yen. Nakikipagtawanan sa mga ka-department niyang halos lalaki. Ewan ko nga ba diyan kay Yen... masyadong malikot at hindi napapakali. Umirap nga ako noong nakita siya. Naiinis ako na pinagsasabi niya na pala sa mga kakilala iyong estadong meron ako. Hindi niya ba alam ang salitang privacy? Kaya nga unang araw pa lang ng pasukan ay busangot na ako. Minamadali ko ang lahat ngunit sadyang mabagal ang oras sa mga taong naghihintay at nagmamadali. Lunch time pa lang... at atat na akong umuwi. Ayaw ko talaga na pinag-uusapan ako o ano. Lalo na sa mga mapanghusgang mga mata. Napairap nga ako sa kawalan ng nakarinig ng pag-uusap sa likod. Hindi ko sila kilala... kilala lang sa mukha. Pero ang topiko? Walang iba kung hindi ako. Gusto kong makisawsaw at kung paanong pati pala pananamit ko ay napapansin na nila. Hindi ko naman sila kilala... pero ang kakapal ng mukha para husgahan ako sa nakikita lang ng mga mata nila. "Kilala mo? Nakakapanibago... totomboy-tomboy pa iyan noong freshmen natin. Tingnan mo, parang afford na ni manay pati gucci e." Naghalakhakan naman sila sa sinabi ng isa. Lumingon nga ako at kunwaring pinanonood ang mahabang pila sa counter ng cafeteria. Gusto ko lang tumitig sa kanila... iyon bang matitiris ko sila sa talim pa lang ng mga mata ko. "May pa-cleavage pa! Bongga! Ano kayang big fish iyang nahuli ni Dominquez?" Napakurap ako at napatitig direkta sa kanila. Nanlalaki naman ang mga mata noong sumilip sa akin, siguradong hindi siya ang nagsalita noon. Tumalikod ako at panay ang irap bago tumayo para ligpitin ang mga gamit. Kailangan nang matapos itong klasi ko kasi atat na atat na akong umuwi. Naiinis ako sa totoo lang. Hindi lang sa mga talipandas na mga babaeng nag-uusap noon sa likod ko. Makikitid ang mga utak!! Ewan ko kung saan napupunta iyong talinong nakukuha nila sa pag-aaral. Siguro kinain na nang pagiging insecure nila. Pati nga si Yen ay hindi ko pinansin noong nadaanan ko siya sa gilid ng bulletin board. Isa pa 'to e... hindi ko maintindihan kung talagang insecure lang siya kaya sinabi niya sa mga kaibigan namin ang pakikipagrelasyon ko sa isang lalaking higit na mas matanda sa akin. Hindi ba nila maintindihan na hindi naman pera ang habol ko roon? Ni kusing hindi ako humingi kasi ganoon ako pinalaki ng mga magulang ko! Siguradong masasaktan sina Mama't Papa pag nalaman nilang ganito. Buong maghapon yata akong nakabusangot... kung hindi lang tumawag si Sir Hawk e baka hanggang ngayon badtrip pa rin ako. Nasa parking na raw siya. May 45 minutes pa akong night class. Sabi niya maghihintay naman daw siya. Pero ako hindi na makapaghintay para bumaba. Nang natapos ang sumunod na klasi ay mas nauna pa akong umalis ng silid kesa sa prof. Kumaway lang ako kina Georgia bago nagtatakbo pababa ng hagdan. Atat na akong makarating sa parking lot. Iyong siguradong makikita ko na si Sir. I think, nasasanay na yata akong laging kasama iyong tao. Masarap din naman siyang kasama kahit puro kamanyakan naman iyong tumatakbo sa isipan niya. "Hi By..." ngisi niya nang kinatok ko iyong driver's seat. It is really true that there's magic in one's presence. Gumaan iyong pakiramdam ko at napahawak kaagad sa magkabila niyang pisngi saka ibinaba ko iyong mukha ko sa kanya para mahalikan siya ng mariin. Tumawa naman ito pagkatapos ng mainit na halik iyon. "I'm having mild heart attacks, Sheeva" tuwang-tuwa pa na balita niya habang nakahawak sa dibdib. Ngumisi naman ako at mabilis na umikot para doon pumwesto sa passenger's. Pinasibad niya kaagad ang sasakyan. Saktong nadaanan namin iyong mga babaeng walang magawa kundi makipagtsismisan tungkol sa buhay ng iba. Itinaas ko nga ang panggitnang daliri kahit na tainted naman itong sasakyan. Humalakhak naman si Sir Hawk at hinuli ang daliri ko para ibaba. "Baby, may tamang paggagamitan ang mga iyan." Pilyong ngiti niya. Kumunot naman ang noo ko, napatingin sa kamay niyang nakaapuhap sa kamay ko. "Anong tama?" "Fingering..." Napaawang ang mga labi ko at napatawa na rin. Ang bastos talaga nito kahit na kailan. Hindi man lang nagbago. "Bastos mo, ano?" Tumawa lang ito at kinapa ang mga daliri ko para maisingit niya iyong mga daliri sa pagitan noon. Magkaholdinghands na kami ngayon, samantalang ang isang kamay niya ay nagdadrive. Napatulala ako noon sa kamay niya. Nakaawang pa rin ang mga labi ko. Kinikilig na naman yata ako. Lumiko siya nang nakarating kami sa Plaridel. Saka tumigil sa isang fancy restaurant. Napatitig nga ako noon sa sout ko. Pormal naman. Sabi nga ng mga tsismosang yon ay may pa-cleavage pa raw ako. Which is true naman pero hindi gano'n kalalim. Sabihin na nating pa-cleavage na pambata... kasi kaonti lang. Hindi sobra-sobra. Kaya nga nagtataka ako kung saan nila nahanap iyong ka-OA'han ng pinag-uusapan nila. "Anong gusto mo?" Napayuko ako sa sobrang hiya... para bang sasabog ako anytime kasi nag-iinit na naman ang pisngi ko sa pagiging extra sweet niya. Bilib naman ako kay Sir Hawk dahil nga kahit manyak siya nagagawa niya pa rin akong itrato sa tama... tamang girlfriend. "Sheeva... can we talk?" Natigilan ako sa pagsubo. Medyo nakaramdam na kaagad ako ng kaba. Nag-uusap naman kami. Pero anong klasing pag-uusap kaya? Mukhang seryoso. "B-bakit?" Obvious siguro sa mukha ko ang kaba. Kasi tumawa siya at nilinis iyong gilid ng labi ko. Siguro may kumalat. "Sheeva, do you know why I was always in your house?" Ngiti niya. Mas lalo tuloy kumunot iyong noo ko. Syempre kailangan niya akong bisitahin, hindi lang ako kundi sina Mama't Papa rin. Girlfriend niya ako syempre kailangan iyon. Bakit naman kaya ako magtataka kung ganoon nga? "Namamanhikan na ako, By. Matagal na. Two months ago when you said yes... hindi nga lang buong nakakapangmanhikan dahil hinihintay ko pa ang mga magulang ko." Kulang na sabihing nalaglag nga ang panga ko sa narinig. Natulala ako. Hindi nakapagreact. Seryoso ba 'to?! Seryoso nga! Kita ko na seryoso siya sa sinabi. "Pa-pa-pano sina Mama't Papa?" Nanginginig na tanong ko. "We talked, most especially with your father... no'ng una ayaw nila. But I was persistence. Sa huli pumayag naman sila. Yon lang hindi mo alam iyon." Ngisi niya. Natigilan na talaga ako sa pagkain. Hindi ako makalunok sa kaba. Teka lang! Teka! Dinaan ba ako sa dahas dito? Paanong sa isang ikot e naging iba na ang sitwasyon ko? "N-nag-aaral pa ako!" Umiling siya at ginagap ang kamay ko. Nanlalamig ako sa kaba. Dapat muna sigurong kausapin ko sina Mama't Papa. Siguradong alam na nila ito. Kung two months ago na nga... ibig sahihin niyan matagal na silang may alam dito. "You will still study, By. Kahit nasa puder na kita. Karapatan mo ang mag-aral kaya hindi kita pipigilan para diyan." Nabitawan ko na ng tuluyan ang hawak na utensils. Paano nga kung mabuntis ako? "K-kung mabuntis ako?" Ngumisi siya, at binitawan na rin ang kinakain. "Nangako ako, By. Hindi kita kakanain hangga't hindi ka pa graduate." Namilog ang mga mata ko at lumingon sa paligid. Mabuti na lang nasa malayong bahagi kami ng restaurant. Kahit papa'no may privacy pa rin. Hindi ko alam sa lalaking 'to kung nag-aaral pa rin ba ng mga tagalog words e mukhang hasang-hasa na siya roon. "Paano mo nasasabi iyan kung sa ating dalawa e ikaw ang may pinakamataas na libido?" Ngumisi naman siya at may kinapa sa loob ng sout niyang suit. Namilog na naman ang mga mata ko noong nakita na may nilapag siya sa ibabaw ng mesa at tinulak sa akin ang box na iyon. "This isn't a fancy proposal, By. But I really want to get your yes today." Hinahapo naman ako sa kaba. Saka nanginginig na inabot ko ang box na may lamang dalawang singsing. Tumitig ako sa kanya. Nagtatanong. "Walang engagement ring?" Taas kilay na tanong ko. "Nasa bahay... naiwan, pero nando'n lang iyon By... ang importante ay ikaw. But I guess, that's a yes?" Nalaglag na naman ang panga ko sa tanong niya. "Kausapin mo na muna sina Mama't Papa..." Was I really engaged to be married?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD