19

2086 Words
"Hindi ka ba nagbibiro?" Ngumiti naman siya at umiling sa akin. Napabuntong hininga naman ako. Saka sinipat ang hawak na kaha. Nando'n nga ang dalawang singsing. Naghihintay na lang ng tamang panahon para maisout. "I am still waiting for my parents, By. Then we'll implore." Naiiyak ako. Ewan ko nga ba kung bakit. E hindi ko pa naman siya talagang mahal. Hindi pa ako umaabot sa gano'n. But the mere thought na makakasama ko siya habang buhay, gumagaan iyong mga pangamba ko sa buhay. Siguro dahil siya lang ang lalaking hinayaan kong pumasok sa buhay ko maliban sa mga kamag-anak na kadalasan ay lalaki pa. Obvious naman na panatag ako sa kanya. "Di naman kaya'y nagmamadali ka?" Baling ko sa kanya. Ngumisi siya at umiling. "If I am, I should have looked for another prospect... Pero Sheeva, gusto kita. Simula't simula, ikaw lang naman. I did not flirt with other girls but you. Hindi pa ba sapat iyon?" Naninibago ako sa kanya na ngayo'y nakangiti nga pero alam mong napapangisi sa mga sinasabi. Hindi ko na nga napigilan at napaluha ako sa harapan niya. Pigil na pigil naman ako sa sariling sipon. Kaso paano nga ba kung tawang-tawa siya at pinunasan iyong sipon ko gamit ang mga tissue na nando'n. "I think that's positive?" Umiling ako at luha pa rin ng luha. Tumayo ako saka lumapit sa tabi niya para yakapin siya. Iyong batang parang nakagawa ng kasalanan at ngayon nga'y guilty kasi hindi naman umamin. "Gusto kitang makasama, Hawk." Hinaplos-haplos niya naman ang buhok ko saka hinalikan iyong balikat ko. "Kaso may 'pero'?" Questionable na baling niya sa akin. Singhot naman ako ng singhot bago napatawa. Kung ano-ano kasing iniisip. "Wala! Ano ka ba?!" Tampal ko sa braso niya at bumalik sa dating inuupuan. Gano'n ba talaga iyon? Nakaka-overwhelm kaya ganito? Paano kaya natanggap nina Mama iyong pamamanhikan kuno ni Sir Hawk? Di man lang ba nag-alburuto si Papa? O kaya'y nagtampo si Mama? Kasi alam ko mahirap iyon lalo na kung bunso na ang pinag-uusapan. Kailangan kong makausap sina Mama't Papa mamaya pagkauwi. Kailangan ko rin ng opinyon galing sa kanila. Hindi pwedeng laging ako ang masusunod. "Itatago ko muna 'to. Kakausapin ko muna sina Mama't Papa. Iyong mga kapatid ko rin... gustong-gusto kong sumama sa'yo, pero kailangan ko rin ng opinyon galing sa pamilya ko." Nakababa ang mga matang sabi ko. Hawak pa rin ang kaha na binigay niya sa akin. "I understand, By. No rush." Nagngitian na lang kami bago muling kumain. Mas naging active yata iyong pag-uusap namin dahil tawa ng tawa kaming dalawa. Hindi ko maintindihan kung bakit ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya, kahit alam ko sa sarili na hindi ko pa naman siya mahal. Alam ko iyong pakiramdam ng totoong nagmamahal. Nakita ko na iyon... nabasa, kaya alam ko... hindi pa talaga. Gano'n din naman yata siya. Hindi ko maalalang binanggit niyang mahal niya na ako. Ni nga mag-'I love you' sa akin. No rush naman, ika nga... magtithree months pa lang kami. Nasa getting to know each other pa lang. "By, papasyal ako rito bukas kaya hindi na ako papasok. Ipagpaalam mo na lang ako kina Tita." Ngiti niya at ibinaba ang mukha. Buong puso ko namang inabot ang malagkit niyang halik. Pagkatapos nga e may freebie pang halik sa pisngi bago ako tuluyang bumaba. Pagkapasok sa loob ng bahay ay nadatnan ko sina Mama't Papa na nanonood ng tv. Ngumiti sila noong nilingon ako. Yong excitement ko e hindi ko na napigilan at nagmamadali na akong naupo sa tabi ni Mama. "Mama, nagpropose po siya sa akin." Naiiyak na amin ko. At kinuha ang kaha sa loob ng sariling bag saka ipinakita sa mga magulang ko. Nagkatinginan silang dalawa bago natatawang kinuha iyong dalawang singsing at sinipat sa ilalim ng ilaw. Naiiyak ako, sobra-sobra. Ayaw ko pa ring maniwala na ganoon na... na umabot na siya sa pag-iisip na gusto niya akong pakasalan. Yong iba, nasa punto pa lang na ineenjoy ang pagiging magkasintahan. Siya... nandito na. "Ikaw anak? Gusto mo na ba?" Ngisi ni Papa at inabot sa akin ang mga singsing. Nahihiyang tumango ako. Ngumiti rin ang mga parents ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kay dali lang sa kanilang pumayag. Ganoon ba talaga? Lahat ng mga magulang? "E kung iyan ang gusto mo Sheeva, anak... ano pa't bakit ka namin pipigilan? Ayaw namin ng papa mo na magrebelde ka. No'ng una ayaw namin diyan sa pamamanhikan ng boyfriend mo. Hindi ko maisip na lalagay ka kaagad sa tahimik. Pero... habang tumatagal, nasasanay na lang din kami ng Papa mo. At saka, ramdam at nakikita namin na inaalagaan ka niya ng mabuti. Mahirap na at baka sa iba ka pa mapunta." Humagulhol na ako sa harap nila. Saka niyakap ng mahigpit si Mama. Iyong mga kapatid ko na lang. But thinking about that... pakiramdam ko sila ang kontrabida roon. Wala naman kasing problema kina Mama. Pinalaki nila kami ng maayos. Saka sobrang bait nila para pigilan kami. Tingnan mo nga at unti-unti nang nawawala iyong mga anak nila. Pero nandito pa rin sila, buo at pabalik-balik na tinatanggap ang mga anak kahit minsan naulinigan kong nagtatampo na pala sila sa dalas na hindi pagbisita nina Kuya't Ate. Naisip ko nga, pag nagpakasal ako... gusto ko nakatira pa rin ako dito. Hindi ganito na maiiwan na naman sila Mama. Mabilis nga akong umakyat sa itaas ng tumunog iyong cellphone ko. Tumatawag through messenger si Sir Hawk. Ewan ko ro'n... parang hindi lang nag-iisang oras nang nagkita kami. "By..." tawag niya, tawa ng tawa saka ipinakita ang mga kalarong pamangkin. "Hi, Aunt!!" Makulit na tawa noong isa. Kumaway naman ako at umiling. "Pag ganito karami ang magiging anak natin in the future... gaganahan pa ako lalo." Ngisi niya. Nag-init naman ang pisngi ko. Anak na kaagad iyong iniisip niya. Ni hindi pa naman kami nakakapagplano sa kasal na gusto niya. Saka nasa school pa ako. Konti na man lang at gagraduate na ako. Kaya nga ba naming maghintay? "Saka... my parents will be back home next month." Ngisi niya. Nag-iisip pa lang ako na mukhang nagmamadali kami e biglang sinabi na uuwi na next month iyong mga magulang niya. Napaawang na nga lang ang labi ko sa gulat. Mukhang wala nang atrasan. Pasasaan ba't may mangyayari na nga talagang pamamanhikan. At siguradong iyong mga kapitbahay namin may bagong chismis na namang uulamin. Natapos ang tawag namin ng umuungot na sa antok iyong bunso sa magkakapatid. Tawa naman siya ng tawa at nag-act sa harap ng camera na parang hinahalikan ako. Ngumiwi ako noon kasi may mga bata pa. "Goodnight, By. Gonna pick up you tomorrow." Napailing na lang ako kahit nagpipigil ng ngiti. Pagkatapos ay natulog na rin ako kasi maaga pa ang pasok ko bukas. True fo his words, dinaanan niya nga ako kinabukasan. Nakauniporme na ulit ako. At ngingisi-ngisi naman siyang nakatitig sa maikling palda ko. Siguro may kamanyakan na namang tumatakbo sa isipan niya. Iyon bang pati ako e mapapangiwi na lang. "Minsan gamitin nating props iyan when we get there... you know, By. Cosplay? Role playing? While I bang you." Pinanlisikan ko naman siya ng mga mata. Mabuti na lang nasa loob na ako noong nagsuggest siya noon. Kundi ewan ko na lang... kung hindi sina Mama ang aatakehin sa puso dahil sa narinig. E baka iyong mga kapitbahay namin na magpipyesta na naman sa chismis. "Ikaw ah! Pag yan narinig nina Mama... lagot ka diyan sa kasal na gusto mo." Iling ko pa. Humalakhak naman siya at idinantay ang isang palad sa itaas ng tuhod ko. Napataas kilay pa ako noong ibinaba ko iyong mga mata kung saan nakalapag ang kamay niya. Saka muling tumitig sa nakangisi niyang mukha. "Pag iyan umakyat—-" Nanlalaki ang mga mata at napaatras ako noong mabilis niya ngang inakyat ang mga palad patungo sa loob ng palda ko. Nangilabot nga ako e nang naramdaman ang palad niyang sinapo iyong gitnan boy leg shorts ko. Mabuti na lang talaga meron akong shorts sa loob. "H-hawk naman!!" Inis na baling ko sa kanya. Ngumisi lang ito at ginalaw ang mga daliri na nasa loob. Binubuka saka hinahaplos iyong gitna ng shorts ko. Naiilang na pinigilan ko iyong braso niya. Naninindig ang balahibo ko sa hiya... hindi naman dapat ganito. "By, kakapain ko lang." Tinampal ko nga ang braso niya. Kasi ang kulit talaga. Nagpupumilit. Saka ramdam ko iyong daliri niyang dumidiin sa gitna. Napaangat na nga ang pang-upo ko. Naiilang na nakakaramdam na ako ng liyo. Hanggang sa napapikit ako at napaawang ang labi. Bigla akong hinapo ng pinasadahan ng daliri niya iyong gitna ng gitla ng p********e ko. Ramdam ko iyong diin. Saka unti-unti ko na ring binubuka ang mga hita. Iyon lang siguro at naramdaman kong mas dumiin ang pagpindot niya noon sa gitna... mas mahaba ang pagpasada ng daliri niya. Ang awkward nga lang dahil nasa gitna kami ng kalsada. Kung hindi pa bumusina ang mga nakasunod. Siguro sa kung saan na kami unabot. Sa aming dalawa, ako talaga iyong marupok... kung hindi naman. Bakit sa isang kalabit niya lang e natutulala na ako? Nag-iinit? Ganoon ba talaga? "Take care, Mayora. I'll see you later tonight." Ngisi niya bago nagpabaon ng halik. Napailing na nga lang ako at mabilis na lumabas para lang salubungin ng mga mapanghusgang mga mata. Ewan ko nga ba sa mga taong 'to... kung hindi naman pulutan iyong chismis ay, baka nga ginawa nang pananghalian mula umaga hanggang gabi na iyong bali-balita sa akin. For infact, hindi naman ako sikat. Umaliwalas lang ang pakiramdam ko nang nakita sina Georgia na ngising-ngisi at kumaway sa akin. Kasama niya si Hannabeth na matipid na ngumiti sa akin. Sila lang ang lahat sa hindi ko kinaiinisang nakikichismis sa buhay ko. Siguro may kaibahan, may ibang chismis na palihim... na sinasaksak ka patalikod. At may ilang harapan kang tinatanong. Iyon bang walang ibang layon kundi malaman lang ang totoo. "Siya ba iyon? Magkwento ka naman! Galante nga kasi ang ganda no'ng sasakyan!" Sigaw nang sigaw si Georgia, kaya kami pinagtitinginan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis lalo na roon sa mga lantarang nakikiusisa. Wala naman akong balak na ipagmayabang sa lahat iyong boyfriend ko. Selfish akong tao, kaya sa akin na lang iyon. Mas gugustuhin ko na lang yatang husgahan nang lahat kesa sa gawin kong trope iyong boyfriend ko. Alam ko kasi kung ano ang magiging reaksyon ng mga tao... tulad na lang ng ginawa ng mga pinsan ko. "Susunduin niya ako mamaya... ipapakilala ko kayo. Pero sa'tin lang 'to ah. Ayaw kong makikiusisa pa iyang mga hinayupak na yan!" Nabulunan sa sariling laway si Hannabeth na natawa na lang din sa huli. Si Georgia nga hindi na mapakali. Halatang atat nang umuwi. Gano'n din naman ako. Hindi dahil sa excitement na pwede ko silang ipakilala sa isa't isa. Ang gusto ko kasi... makasama na ulit si Sir Hawk. Iyong pwede kaming magkuwentuhan nang kung ano-ano. Yong pang-iinis niya naman. At syempre, ang pag-uusap tungkol sa pamamanhikan. Isang buwan pa, pero para bang lagi akong kinakabahan. Siguro dahil nga kahit papa'no ay bata pa ako. Wala pa ring mga sariling desisyon. But the thought itself, mas exciting naman siguro iyong ganoon? Na may mas matanda sa'yong mag-aalaga? Na titingin sa'yo? Ang gaan kaya ng loob ko kay Sir Hawk. Kahit bastos ito ay sadyang napakaalaga niya. Saan pa ba ako makakahanap? Nagkatinginan kaming tatlo nang natapos na ang huling klasi. Mabilis din kaming nagligpit ng mga gamit bago naglakad at bumaba ng 4th floor. Tunog naman ng tunog iyong cellphone, may text galing kay Sir Hawk... nagsasabi na nando'n na siya sa ibaba. Nilalamok. At ewan ko nga ba kahit wala naman siya sa harap ko e natatawa pa rin ako. Sigurado namang lumabas ang isang yon... kaya nga pinaalalahanan ko na pumasok na sa loob ng sasakyan... Sabi ko nga... ayaw kong ineexpose siya. Hindi naman siya trope na pwede kong ipangalandakan sa lahat. Wala akong pakialam sa iniisip ng iba... mas masarap ngang inisin. Iyon bang mamamatay sila sa kaiisip kung sino iyong karelasyon ko. Iyong mga kaibigan ko lang... Kumatok ako noon sa bintana na agad niyang binuksan. Ngumisi ako noong nakita siya, nakangisi rin pabalik sa akin. "Come..." muwestro ko sa mga kaibigan. Nahihiya pa ang dalawa nang sumilip sa loob. Kumaway naman si Sir Hawk saka binuksan ang mga pintuan. "Kuya?!" Nagulat ako sa naging reaksyon ni Georgia. Ganoon din si Sir Hawk na sa huli'y humalakhak. "Kumusta Georgeous?" Ah, magkamag-anak ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD