20

2063 Words
"Totoo ba? Kayo yong... m-mag-ano?" nanlalaki pa rin ang mga mata ni Georgia habang palipat-lipat sa'ming dalawa ni Sir Hawk iyong pagkakaturo niya. Si Hannabeth nga e namumula na habang humihigpit ang kapit sa hawak na mga libro. Ako nama'y litong-lito. Wala akong ideya kung magka-ano-ano nga silang dalawa. "Yes, she is. How's it? Do you like her for our family?" ngisi niya. Ngumuso naman ako at kinurot ng pasimple-simple si Georgia na mula sa pagkakagulat ay napalitan ng ngisi iyong mukha. Umakbay pa ito sa akin na parang noon lang kami naging malapit sa isa't isa. Ako nga hanggang ngayon ay nalilito pa rin sa relasyon ng dalawa. "Seventeen years gap! May gulay!! Ang hilig mo sa bata, Kuya." Iling niya. Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi. Saktong may dumaang pamilyar sa akin ang mukha. Though, hindi ko naman siya kilala pero pakiramdam ko ay isa siya roon sa mga nakikiusisa sa buhay ko. Tinulak ko nga si Georgia doon sa likod ng sasakyan. Saka hinila ko naman si Hannabeth na mas lalong nanlalamig sa kabang naramdaman ko sa kanya. "Sa ibang place na lang tayo mag-usap. May naaamoy na naman akong makikichismis e." Tumawa naman si Georgia at hinila si Hannabeth para umayos ng upo sa loob. Saka naman ako pumwesto sa harap na agad niyukuan ni Sir Hawk para halikan sa harap mismo ng mga kaibigan ko. "Oh, show! Nagjerjer na ba kayo?" Nag-init yata hindi lang leeg ko kundi bunbunan na rin. Sa halip na si Georgia iyong masarap saktan e si Sir Hawk iyong nasapak ko sa balikat. Nag-iinit nga kasi ang pisngi ko sa tanong ni Georgia. Para namang umabot na kami sa gano'n... Hindi pa naman. Ngunit sabihin na rin nating nagkainan na at nagkapaan. Pero alangan naman na sabihin ko pa iyon. Privacy... kailangan ko pa rin iyon. "Hindi pa?! Ang hina mo Kuya!" Humalakhak naman si Sir Hawk at minaobra ang manubela ngunit ngumisi pa ito ng lumingon sa akin. Naiinis na tinitigan ko siya. Winarningan sa pamamagitan ng mga mata. Kung hindi pa naman niya gets ay baka sinuntok ko na siya sa sobrang asar. Hindi nga kasi kami umabot pa sa gano'n. "Nagtukaan lang..." Natawa noon si Georgia sa sagot ni Sir Hawk. Nabulunan naman si Hannabeth at ako bilang paksa e ngali-ngaling kinurot ang tagiliran niya. "Good job, Kuya... natututo ka na rin sa akin. You know, vulgar words are hot." Napailing na lang ako sa kuwentuhan ng dalawa. Pakiramdam ko e nakikita ko na iyong future ko sa buhay may asawa ni Sir Hawk. Kukulitin yata ako ni Georgia. And I think, siya ang nagtuturo talaga sa lalaking 'to. Walang duda. Nagkakatinginan na lang kami ni Hannabeth sa tuwing may kabulastugang pinag-uusapan ang dalawa. Parang hindi naman kami nando'n. Ako na lang ang nahihiya kay Hannabeth. Parang dinudungisan nang dalawa iyong moral na meron pa ang kaibigan ko. "Gorgeous... what about you sleep over with Sheeva in my place?" ngisi niya at sumilip sa akin. Kumunot tuloy ang noo ko sa pan-anyaya niya. Bakit pakiramdam ko may kalokohan siyang iniisip? Alam ko na ang tumatakbo sa isipan niya ngunit may mga pagkakataon na biglang hindi ko na agad mabasa iyong nasa isipan niya. Masyadong malikot kasi... at malibog. "I like that idea, Kuya... pagkatapos isasama ko si Hannabeth. Bali alam ko na kung saan papunta ito... Kuya, ang naughty mo." Napailing na lang ako. Hanggang ngayon hindi ko alam kung saang degree ba magkamag-anak ang dalawa. Pati utak e parehong-pareho ang takbo. Hindi ko alam kung gawa lang ba ng pagiging bulgar ng dalawa kaya nagpapahinto na si Hannabeth. Sabi niya susunduin siya ng sariling kapatid sa harap ng Jollibee kaya doon na lang din namin siya ibinaba. Sinapak-sapak ko naman ang braso ni Sir Hawk... nainis ako bigla. Ang sarap nilang pag-untugin. Parehong malibog. "Georgia... hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi na ipinakilala ko kayo sa isa't-isa. Parehong walang habas iyang mga bibig niyo. Ang babastos pa. Mukhang na-offend pa si Hannabeth dahil sa ginawa niyo." Tawang-tawa naman ang dalawa. Mas lalong nag-usok ang ilong ko noong dinampian ni Sir Hawk iyong labi ko habang nasa gitna ng traffic. Si Georgia nga ay tawa ng tawa. Okay lang naman talaga sa akin na hinahalikan ako ni Sir Hawk. Ngunit ang maging sa harapan ng ibang tao? Naiilang ako sa ganoon. Hindi ako sanay ng public display. Kaya nga siguro naglalambing lang ako kapag kaming dalawa lang. "Oops, Aunt Leira just texted me. Pinapauwi ako Kuya... hatid mo'ko please." Pagpapacute nito. Tumango naman ang boyfriend ko at mabilis na nag-U Turn ng nakakita sa harapan. Bigla akong nanlamig. Pakiramdam ko kasi ay mapipilitan kaming bumaba mamaya para makasama sandali iyong 'Aunt Leira' ni Georgia. Hindi pa ako handa para sa meet the family. Siguro nga iyong pamamanhikan ang magiging pangalawa kung sakali. Una ay iyong sa kapatid ni Sir Hawk... kung hindi mapupurnada sa paghatid namin kay Georgia, siguradong pangalawa iyong sa mga magulang. "Bye, Shee! Bye, Kuya! Have an exciting s*x for the both of you." Kulang na lang ibato ko kay Georgia itong nahawakan kong bottle. Pareho nga silang dalawa. Malilikot at masyadong mapaglaro. Ngunit sa tingin ko mabuti na lang iyon kesa sa inaya niya pa kaming pumasok. Hello... hindi ako handa, nakauniporme pa ako. Nakakahiya namang ipakilala ako sa mga kamag-anak gayong halata namang nag-aaral pa rin ako. "So, babe time alone..." bulong niya na siyang nagpagising sa akin. Tumingin ako noon sa kanya na biglang binagalan ang pagdadrive. Pinagpag ng pinagpag niya iyong hita niya na ikinakunot naman ng noo ko. Para namang marumi iyon e mukhang hindi man lang naalikabukan. "Sit on my lap, By... while I drive." Nanlalaki ang mga mata ko... baliw na yata to e?! "Ayaw ko nga! Pag tayo nadisgrasya dahil sa trip mo na iyan... sasapakin talaga kita!" Talagang lagi ako yong talo sa huli. Kasi ako yong nauunang napipikon sa aming dalawa. Tumawa nga lang ito sa sinabi... sa sinabi ko rin. Ewan ko nga ba at mukhang teenager ang isang 'to kahit na mas matanda siya sa akin. Lolo ko na yata e... natatawa na lang ako roon sa iniisip. "Mamaya, after our dinner. Upo ka sa lap ko... I want that, By. Can you give me that?" Binalingan ko naman siya... napapailing. Para namang hindi nga namin gagawin iyang gusto niya. Sa sobrang naughty niya nga e nagagawa niya iyong mga bagay na no'ng una ay di ko akalain na magagawa niya rin sa akin. Kumain lang kami sandali bago umuwi... I mean, umuwi kaagad. May emergency kasing nangyari. Sa company daw. Gusto ko ngang sumama kung hindi niya lang ako inunang hinatid. Bigla na naman akong nalungkot. Gusto kong sumama... gusto kong nakadikit lagi sa kanya. Napapanatag kasi ako kapag ganoon. Hindi tulad sa iba na kailangan ko pang kilalanin iyong tao para lang mapanatag ako roon. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kay dali lang sa akin na tanggapin iyong kasal na binigay niya sa akin. Aminin ko man o hindi... sa tingin ko nasa loob na nang mga ugat ko ang kamandag ni Sir Hawk. Wala nang bawian, wala nang pwede munang mag-enjoy bilang magkasintahan... nasa puntok na kasi na kailangan kong isipin kung ano ba talaga ang gusto ko. At sa tingin ko ay alam ko na iyon. Kaso, paano ko pa nga masasabi iyon kung pagpasok ko ay kompleto ang mga kapatid ko na noo'y naghihintay sa sala ng bahay. Sabay-sabay pa silang nagsilingunan. Napalunok ako... ito na yata ang komprontasyon na kailangan ko ngayon para naman mahanap ko iyong kapanatagan ng loob ko bago lumagay sa tahimik. "Sinabi na nina Mama't Papa na magpapakasal na raw kayo... Sheeva, nag-iisip ka ba?!" noon ko lang narinig iyong galit ni Ate Godiness. Napalunok ako at nilingon si Mama na katabi ni Papa... nakatitig siya sa akin. Nakailing... parang sinasabi niyang wag ko na lang patulan ang mga kapatid. Paano naman iyon kung gusto ko na ngang magpakasal? "Sheeva, alam mo, Boss ko iyang boyfriend mo. Mayaman, gwapo at matanda. Pero Sheeva, sigurado ka na ba riyan?" kung noon galit si Kuya Arman sa pagboboyfriend ko ngayon parang hinahanap niya iyong totoo ko nga talagang gusto. Dahan-dahan akong tumango bago yumuko. Napasinghap silang lahat. Akala ko kasi madali na lang ito... kay Papa at Mama nga noon naging madali lang naman ang pagpapaalam ko... kaya naisip ko na madali na lang din ito sa mga kapatid ko. Pero heto na nga... sila pa ang ayaw. "Sheeva, you just turned 20 this year! Nag-uumpisa ka pa lang mangarap! Gano'n-gano'n na lang iyon? Itatapon mo kasi gusto mo nang lumagay sa tahimik? Paano ka naman?!" Pati si Ate Gette ay nagsisigaw na rin. Naiiyak ako pero dahil nga gusto ko 'to ay kailangan kong panindigan. Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak, dahil iyon ang kailangan. Paano ko mapapayag ang mga kapatid kung ganitong susuko na kaagad ako? "Ate naman, gusto ko na pong magpakasal." "No.." Sabi ni Kuya Lui. Hindi ko na napigilan at napaiyak ako roon. Hindi ko matanggap na ayaw nila... alam ko naman na bata pa ako. Kahit nga ako ay puno rin ng takot. Ngunit sa tuwing iniisip ko pa lang na makukuha siya ng iba... na hindi ko makakasama si Sir Hawk ay nangangamba na kaagad ako. "Hayaan niyo na ang kapatid niyo. Kami nga ng Mama mo noon ay nagpakasal parehong desi otso." "Papa!" Hindi ko na alam kung sino-sino sa kanila ang nagsisigaw. Natahimik lang ako roon. Lalo na noong tumayo si Papa saka hinarap ang mga kapatid ko na mukhang namumutla sa takot. Talagang ayaw nga nila. "Nanganak ang Mama niyo sa edad na desi sais. Nagpakasal kami after two years. Alam niyo ba kung bakit maagang nabuo ang Kuya Arman niyo?" Napanganga ang mga kapatid ko at napatitig kay Kuya Arman na kunot ang noo. Mas lalo naman ako, hindi ko alam kung saan papunta ito. O kung alin man. "Kasi, nagrebelde kami noong pinagbawalan kami ng mga magulang namin, ng mga lolo't lola niyo. Mabait ang Mama niyo, masunurin. Kaso nang dumating ako ay naging matigas ang ulo. Nagbubulakbol. Kung lalo niyong pinipigilan iyang kapatid niyo... mas lalong magiging matigas ang ulo niyan. May napala ba kayo ngayong pinipilit niyo siyang wag magpakasal? Nakaramdam ba kayo na titigil na lang siya hanggang diyan? Di'ba wala?" Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi dahil sa sinasabi ni Papa. "Pa... magsisisi iyan!" segunda ni Ate Godiness. "Kung ganoon... tatanggapin pa rin namin siya ng Mama niyo." "Pa naman! Ang baluktot ng paniniwala niyo!" galit na sigaw ni Ate Gette. Malumanay na ngumiti si Papa saka muling naupo sa tabi ni Mama. "Kilala namin kayong lahat... kaya alam ko kung alin ang maghahatid sa inyo sa tama. Kaya... hayaan niyo na kami ng Mama niyo ang magdesisyon para rito." Tumayo si Kuya Lui at disappointed na umiling saka lumabas. Nakasunod naman ang mga mata ko sa likod ni Kuya. Hindi ko alam, ngunit kahit sabihin pang nasiyahan ako sa pagtatanggol ni Papa ay nakaramdam naman ako ng lungkot noong isa-isa nang umalis ang mga kapatid ko. Halatang disappointed pa rin sa naging desisyon namin. Hindi naman kasi nila naiintindihan. Ang hirap nang humanap ng ibang lalaki. Iyon bang kaya ring manindigan at mag-isip tungkol sa kasal. Ang dali lang kasing sabihin na ang dami-dami pa diyan... pero paano nga kasigurado na tamang lalaki na iyon? "Hayaan mo na ang mga kapatid mo Sheeva, anak. Umakyat ka na at magpahinga." Hinaplos ni Mama iyong buhok ko nang nakalimutan kong gumalaw. Kakausapin ko si Sir Hawk bukas. Kailangan ko nang opinyon niya. Iyon bang mapapaisip na rin ako kung dapat ko bang ipagpatuloy kahit galit ang mga kapatid ko. Naiintindihan ko naman ang pinupunto nilang lahat. Naiintindihan ko rin dahil ako iyong bunso. Pero hindi na ako bata.. alam ko na ang tama sa mali... kung magsisi man ako, atleast sinubukan ko... nang walang 'what ifs'. Sa tingin ko mapapatawad naman ako ng mga kapatid ko. Hindi man ngayon ngunit siguradong sa susunod na mga taon. "Susunduin mo'ko bukas?" agad na tanong ko noong tumawag siya. "I'm sorry By. Mga ilang araw pa bago kita masusundo ulit. I'm on my way to the airport. Kailangan kong umuwi muna at kailangan nila ako..." Napaawang na lang ang labi ko sa narinig. Natutuyo ang lalamunan ko sa kaba... biglaan naman yata?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD