"Di ka man lang nagpasabi kaagad..." puno ng panghihimutok na sabi ko noon sa kanya. Napahiga na lamang ako ng maayos sa kama at niyakap ang unan. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanya na nagkausap na kami ng mga kapatid ko. At lahat sila ay ayaw sa ideyang gusto niya. Sa tingin ko... hindi ito ang tamang panahon. "I'm sorry, By... It was all of a sudden. Pero susubukan ko namang umuwi ng maaga. Para sa'yo." Napabuntong hininga na lang ako dahil sa narinig. Saka matamang tumitig sa kisame. Saka muling napabuntong hininga. Naiiyak ako hindi lang dahil sa mga kapatid, kundi sa katotohanan na ilang araw o siguro Linggo pa bago ko siya muling makikita. Ito pa nga lang, ang hirap na. Paano pa kaya pag hindi ko ginustong magpakasal sa kanya? Alam ko naman e na hindi kaning mainit

