"Sino naman ang nagsabi niyan sa'yo?" Iniimagine ko na yong pagkakunot ng noo niya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kasi hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko sa takot. Paano nga kung ako ang talagang dahilan kung bakit hindi maganda ang kalusugan ng Mama niya? Kaya ko ba? Hindi naman siguro kaya ng konsensya ko dalhin iyon panghabang buhay. "N-narinig ko... sabihin mo nga, ako ba?!" Nanginginig na ang boses ko sa nerbyos, obvious na naiiyak ako sa sitwasyon. Sinisipon na nga ako sa sobrang sakit ng puso ko. Para bang pinipiga. Ng paulit-ulit. "Hindi..." maikling sagot niya. Napayukyok na lamang ako at sinapo ang mukha. Para bang gripo na naging trigger sa'kin iyon para umiyak ng umiyak. "Sheeva, it wasn't you. Gusto kang makilala ni Mommy. It just that she

