Tia Tahimik akong nakaupo sa labas ng sitting area. My favorite place all the time, kung hindi ako nagre-research ay nagpi-paintings ako. Ganito ang palagi kong ginawa sa tuwing wala akong klasi, nakasanayan ko na rin ito simula ng bata pa lang ako. Iniisip ko rin ang tatlong buwan na pagkawala ni Arthur na parang bula. Walang text at walang tawag. Ano kaya ang nangyari sa kan'ya at bigla siyang umalis. Hindi detalyado ang pagpapaalam niya sa akin kung kaya hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Nakakalungkot lang...nalulungkot ako. Simula nang magpaalam siya sa akin no'n ay hindi ko na siya nakitang umalis kinabukasan. Seryoso pala siya at hindi ko man lang napuna. "Mukhang kay lalim nang iniisip mo, ah?" Isang baritonong boses ang pumukaw sa akin. Nilingon ko ang pinanggaling

