Tia "Ano? Tatlong buwan na siyang umalis?" gulat ang mukhang tinitigan ako nina Ton at Rica pagkatapos kong ikuwento sa kanila ang pag-alis ni Arthur. Nasa loob kami ng library at nagre-research, pero ibang research ang ginagawa namin kung 'di chismisan research. Inabot ko ng kamay ang bibig ni Ton at tinakpan ko 'yon. Ang ingay niya at baka makaabala pa kami sa iba pang estudyante na nasa loob ng library. "Walang text at walang tawag?" singit din ni Rica. Malungkot akong umiling sa kanila. Kaharap ko silang dalawa. Maraming iba't-ibang libro rin ang nakapatong sa ibabaw ng mesa namin. "Hmp...malamang ay bumalik na 'yon sa tunay na pamilya." Hilaw na ngumisi si Ton. Maarti pa ang paraan ng pagkaka-delivered niya ng kan'yang salita. Binalingan siya ni Rica at kinunutan ng noo. "Anon

