"Kuya Aldrin!" Masayang masaya si Adella nang makita ang binata. Kaagad niyang pinaikot ang mga bisig sa leeg ni Aldrin at nagpabuhat dito. Samantala si Aldrin naman ay natatawang hinawakan ito sa baywang at binuhat. Adella was her favorite person. Maliit pa lang si Adella ay pikapaborito na niya ito sa lahat. She was like a little sister to Aldrin. "I miss you baby," nakangiting sabi ni Aldrin kay Adella. Inayos niya ito sa pagkakabuhat dahil para itong ahas na lumigkis sa kaniya. Samantala si Arthur ay napasabunot ng buhok. Dalaga na ang anak niya kaya siya na ang nahihiya sa ginagawa nito kay Aldrin. And also they all knew that Adella was so much in love with Aldrin. Naglakad si Aldrin palapit kina Arthur at Tia habang buhat niya si Adella. Si Matias na rin ay ibinaba na ang lib

