Pasado alas sais na ng gabi nang dumating ang pamilya ni Arthur sa bahay nina Aldrin. Maingay ang paligid gawa ng musika sa bahay nila. Ang mga ilaw na nakapalibot sa malawak nilang harden ang dumagdag kulay sa kanilang pamamahay. Naisipan na lang nila na sa harden na lang mag-campaign. Ang mga nakakabatang kapatid naman ni Aldrin ay gumawa ng tent sa loob ng harden at nagsabit na rin ng mga duyan. Palagi nila itong gawain sa tuwing umuuwi ang kuya nila galing ng Maynila. Nakangiti si Adella na lumapit sa kinaroroonan nina Aldrin at Austin. Nagba-barbecue ang mga ito. Ang mga magulang naman ni Adella ay lumapit na rin sa mga magulang ni Aldrin. "Adella baby doll, mas lalo kang gumaganda." Puri ng kuya Austin niya. Ngumisi si Aldrin. Ang kulot na buhok ni Adella ay itinali niya ito.

