Tia Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama. Ang mga maleta ko ay naka-ready na lahat. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak-hawak ko ang huling suot ni Arthur na damit kagabi. Inipit ko iyon sa pisngi ko at tahimik na umiyak. Hanggang sa hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa sakit na nararamdaman. Umiyak ako nang umiyak. Paos na rin ang boses ko at namamaga ang mga mata. "I wanted you to leave my son. I already planned his future with Avianna. He needs Avianna more than anyone. I am a parents, I hope you understand Iha. Every parents wanted a better life for their childrens." He directly said to me. Umiling ako at matapang siyang hinarap. "I love your, son. I love him with all my heart." "If you love my son, then set him free." He scooped for an air. "Love can't be enou

