Tia Tatlong buwan ang nakalipas. Masaya kong pinagmamasdan ang kambal habang tahimik na natutulog sa kuna nila. My two angels, napapangiti ako sa tuwing pinagmamasdan ko sila. I named them, Arthur Matias and Adella Martina. May family said it was a good named. Kila Ate Monique pa rin ako nakatira. Pansin ko lang rin na may itinatayong bahay malapit lang sa kanila. Araw-araw kaming dinadalaw ng mga magulang ko. Nagdagdag rin si Ate ng yaya, nahihiya nga ako dahil halos sagutin na nila ang lahat ng gastos para sa akin at sa mga anak ko. Hindi pa ako makakapagturo sa ngayon dahil hinihintay ko pa na mag-isang taon ang mga anak ko bago ako babalik sa pagtuturo. Walang araw at gabi na hindi ko siya iniisip. Hindi ko lubos maisip na nagawa niya akong pabayaan. Pero mas mabuti na rin ito d

