bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

book_age18+
3.0K
FOLLOW
34.5K
READ
billionaire
HE
age gap
mafia
bxg
witty
addiction
like
intro-logo
Blurb

Rated ? Mafia Romance

(Retired Mafia Series 5)

Blurb

Bata pa lang ay gusto na ni Camella si Nico. Nagtagumpay siyang napaibig ang binata. Subalit sampung taon na silang magkasintahan ay hindi pa siya nito inaalok ng kasal. Naisip niyang ibigay ang iniingatang pagkaberhin sa nobyo ngunit nakuha ito ng maling lalaki, si Chase Guilliani, ang half-brother ni Nico.Ililihim pa sana niya ang pagkakamali ngunit hindi inaasahang magbunga ito. Dahil sa nasirang reputasyon, napilitan siyang lunukin ang sama ng loob at sakit ng galit ni Nico at kaniyang angkan. Her conservative family decided to arrange a marriage with Chase. Walang choice si Camella kundi pumayag sa kasal upang pagtakpan ang kahihiyan.Subalit isang sikreto ni Chase ang kaniyang natuklasan na nag-udyok sa kan'ya upang takasan ang kasal. She can't afford to marry a dangerous mafia boss! But how can she avoid a man who can manipulate the situation around her?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“AKALA ko ikinasal ka na, Camilla. Kayo pa rin ba ni Nico?” tanong ni Roan, ang pinsan ni Nico na long-time boyfriend niya. Bumagal ang pagtupi niya ng tissue paper nang maisip ang usaping kasal. It’s ironic. She spent more than ten years having a relationship with Nico, but still no sign that Nico was willing to marry her. Medyo nasaktan ang pride niya sa katotohanang isang dekada na siyang in a relationship na walang katiyakan kung hahantong sa kasal. Parang nasa iisang direction lang ang relasyon nila ni Nico. Napaisip tuloy siya. Baka may kulang sa effort niya kaya hindi pa kombinsido si Nico na puwede na silang magpakasal. Pareho silang nagmula sa conservative na pamilya, ni halik ay hindi nila maipakita sa publiko. Para bang bumalik sila sa sinaunang henerasyon ng mga tao. Or maybe it was just her who was relying on the old-fashioned lifestyle. Hindi naman niya masisi ang environment sa kaniyang pamilya sa mother side. She has one priest uncle, two nuns, mga kapatid ng kaniyang ina. Dahil magkaibigan ang ninuno nila ni Nico, halos pareho lang din ang environment. Katunayan, bata pa lang siya ay crush na niya si Nico. Hindi nawala ang paghanga na ‘yon hanggang nagdalaga siya. Kaya ginawa niya ang lahat upang mapalapit kay Nico hanggang sa niligawan siya nito. Pero isang dekada na sila sa boyfriend-gilfriend relationship. She’s ready for the next level of her life to become a mother and wife. Nakapagtapos na siya ng pag-aaral, ganap nang registered nurse at nagtatrabaho sa public hospital. Si Nico naman ay isa nang architect. May investments na rin itong properties. “Uh…. hindi pa namin napag-usapan ni Nico ang tungkol sa kasal,” sagot niya sa tanong ni Roan. Nurse din si Roan pero nag-migrate na sa Canada at doon nakapag-asawa. Umuwi lang ito dahil kasal ng ate ni Nico na si Sania. Maaga pa lang ay naroon na siya sa resort na pag-aari ng ate ni Nico. Doon gaganapin ang kasal. Imbitado silang mag-anak pati mga kaibigan. “Grabe, ten years na pala kayo ni Nico,” ani Roan. Nakaupo lang ito sa couch habang may sinisimsim na red wine. “Baka hinihintay lang ni Nico na maikasal ang ate niya. Nabanggit niya ‘yon noon na pauuna magpakasal ang panganay nila,” aniya. Tumawa nang pagak si Roan, napapailing. “Nico’s family was still delicate when it comes to marriage.” Sinipat niya si Roan. Iba ang prinsipyo nito, taliwas sa Legarda family. Nangibang bansa ito upang mahanap ang kalayaan. “Oh, and here’s the bastard of the family,” mayamaya ay sabi ni Roan. Napalingon si Camilla sa pintuan ng function hall. Pumasok ang pamilyar na lalaki, naka-black suit. He looks dominant, mysterious yet drop-dead handsome. Ilang sandali pa nang matanto niya na ang lalaking dumating ay si Chase Guilliani, ang half-brother ni Nico. Bunga ito ng pagtataksil noon ng mommy ni Nico. Chase’s father was a Latino, a former boss of Nico’s mother in Italy. Kapapanganak lang noon kay Nico ay nangibang bansa ang mommy nito upang magtrabaho. Nagkasakit kasi ang daddy noon ni Nico kaya hindi makapagtrabaho. Napunta sa Southern Italy ang mommy ni Nico, at dalawang taon noong umuwi ito. Buntis pala ito, at dahil sa kasalanan nito, bigla itong pinalayas ng angkan. Time heals the pain. Nico’s mother had a chance to live with her family again because of her children's desire. Pero nangyari lang iyon noong namatay ang daddy ni Nico dahil sa cancer. Iyon ang ikalawang pagkakataon na nakita niya si Chase. Una ay noong birthday ng mommy ni Nico. And their first met was odd. Hindi niya ‘yon nakalimutan dahil bigla siyang hinalikan ng binata sa kamay. And while seeing the guy again brings back memories…. “He’s Chase, my youngest son. He’s taking a specialization in medicine now,” pakilala ni Rochelle, mommy ni Nico. Nawindang si Camilla. Akala kasi niya ay si Nico na ang bunsong anak ni Rochelle. Nabanggit noon ni Nico na may half-brother ito, pero akala naman niya ay mas matanda ‘yon kay Nico. This means Nico’s mother cheated on her husband before! “Ah, h-hello! I’m Camilla, Nico’s girlfriend!” pakilala niya kay Chase habang kaswal ang ngiti. Wari napako ang titig niya sa guwapong mukha ng binata. He has strong s*x appeal yet mysterious. Kung ganda ng mukha ang pag-uusapan, walang panama si Nico kay Chase, given na may lahi itong Latino. He’s tall, medyo moreno ang balat at makinis. Tantiya nya’s nasa six foot mahigit ang height nito, matikas, makisig kahit nakasuot ng black suit. “Hi! Nice to meet you, Camilla!” bati rin ni Chase, sabay alok ng kanang kamay sa kaniya. Kinamayan naman niya ito. Nagulat si Camilla sa bigpit ng pagkakahawak ni Chase sa kaniyang kamay. Lalo siyang nawindang nang lapatan nito ng mainit na halik ang likod ng kaniyang kamay. Ang init mula sa mga labi nito ay naiwan sa kaniyang kamay, at tila may taglay na kuryente at dumantay sa bawat himaymay ng kaniyang ugat. Napatitig siya sa light brown na mga mata ng binata. He looks innocent, and it’s hard to analyze his facial expression. His smile was deadly, and she couldn’t stand having eye contact with him even in a single glance. Binitawan lang nito ang kaniyang kamay nang dumating si Nico at nagyaya na kumain. Simple lang ang birthday celebration ng mommy ni Nico, walang ibang bisita kundi sila lang ng mommy niya. Kahit sa oras na ng hapunan, hindi mapakali si Camilla. Ramdam niya ang init ng titig sa kaniya ni Chase. Isang beses lang niya itong sinipat pero naaktuhan niya na nakatingin ito sa kaniya. Pansin niya na hindi masyadong kinikibo ni Nico si Chase, pero mas close naman dito si Sania na ate ni Nico. Kinulang sila ng baso kaya nagpaalam siyang tutungo sa kusina. “I was surprised. I thought you were not Nico’s girlfriend.” Napakislot si Camilla nang biglang may nagsalita. Kapapasok lang niya sa kusina upang sana’y kukuha ng extra na baso para sa wine. Pumihit siya paharap kay Chase na siyang umabala sa kan’ya. “How did you say that?” kunot-noong tanong niya. “I saw a different girl with him last night in Sania’s resort. I thought the girl was Nico’s girlfriend.” May kung anong kumurot sa kaniyang puso nang maisip na baka may ibang babae si Nico. Pero pilit niyang pinabubulaanan ‘yon. “Baka client lang niya ‘yon. Nico was an architect, and he accepted a residential house project,” giit niya. “I see. Don’t mind me. I heard you and Nico have been in a relationship for almost ten years. Impressive.” Lumapit sa lababo si Chase at naghugas ng mga kamay. “Yeah, almost ten years.” Kumuha na siya ng apat na wine glass. Paalis na sana siya nang biglang nagsalita si Chase. “Once a relationship lasts more than ten years without changes, or a guy didn't mention about marriage, it’s dragging. It’s possibly ended up in a break-up. Maybe something is lacking from you as to why Nico can’t convince himself to marry you.” Natigilan siya. Wari pinipiga ang kaniyang puso nang matanto ang ibig sabihin ni Chase. Sa halip na magkomento ay nagpasya siyang lumisan…. NABUHAY nang muli ang kaba ni Camilla nang maalala ang sinabi sa kaniya noon ni Chase tungkol sa relasyon nila ni Nico. Anim na buwan na ang nakalipas simula noong una niyang nakausap si Chase. Sampung taon at dalawang buwan na silang magkarelasyon ni Nico at wala pang marriage proposal na nagaganap. Maaring tama si Chase, may kulang sa kaniya na hindi makita ni Nico. At tungkol naman sa babang nakita ni Chase na kasama noon ni Nico, tama ang theory niya, client nga iyon ni Nico na nagpagawa ng rest house roon sa Calamba, Laguna. Tapos na ang project ni Nico roon sa babae pero pumupunta ang babae roon sa resort ni Sania. Naging kaibigan din ito ni Sania dahil isa ring flight attendant. She felt insecure with the woman because of her attractive s*x appeal. Lumapit sa buffet table si Camilla at inayos ang tinupi niyang table napkin. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang kasal. Nakabihis na rin siya ng light pink dress. Ganoon kasi ang motif ng kasal. Mahilig sa pink si Sania. Nagsasalansan siya ng glass wine sa tray nang may lalaking lumapit. “Hi!” bati nito. Boses pa lang nito ay pamilyar na siya. It was Chase. Sinipat lang niya ito. “Hello!” malamig niyang bati. “Have you seen my mom?” tanong nito. “Ah, nasa kuwarto ata ni Ate Sania. Hindi ko pa siya nakikita simula dumating ako rito kanina.” Nagulat siya nang pigilan siya ni Chase na hawakan ang wine glass. Napatitig siya rito. “Don’t hold the glass on the top.” Itinuro pa nito kung paano ang tamang paghawak ng baso na parang sosyal. Nainsulto siya. Wala naman talaga siyang alam sa mga pasosyal na gamit. Kahit nagmula siya sa marangyang pamilya, never siya nakisabay sa luho ng kamag-anak nila. Gusto lang niya maging simple. Kaya minsan ay napagkakamalan siyang yaya ng bunso niyang kapatid. “Pareho lang ‘yan!” padabog niyang sabi. Chase chuckled. “You still hate my guts, don’t you?” anito. Inirapan niya ito. Kung wala lang ibang tao sa paligid nila ay makakatikim talaga ng mura sa kaniya ang lalaking ito. He’s a pain in her ass. He stressed her out every time they talk. “Don’t talk to me!” Nagmaldita na siya. “Alright. I hope Nico will announce his marriage after Sania's wedding, too. But I could sense it wasn’t you, Nico was going to marry.” Tuluyan nang kumulo ang kaniyang dugo. Hindi siya nakatiis at kumuha ng kutsara at biglang ipinukol sa kanang kamay ni Chase. “Ouch! What the--” daing nito sabay hipo sa nasaktang kamay. “Busiwit ka!” singhal niya rito sabay bira ng talikod. Padabog siyang lumabas ng function hall.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
126.8K
bc

The Sex Web

read
132.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.1K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.2K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.0K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.5K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
454.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook