Sa kabilang banda, ay mas uminit ang naging pag-uusap ng matabang bata at ng bat Race na Cultivators. "Dahil sa pagiging matigas ng iyong ulo ay wala akong pagpipilian kundi ang paslangin ka! Bat Race Skill: Piercing fire Arrows!" Sambit ng lider na makikita ang matinding galit at ganid sa mga mata nito. Puno ng pangamba naman ang bumalot sa buong katauhan ng matabang bata. Kahit na makipaglaban siya sa kahit isa sa anim na mga Bat Race na humahabol sa kanya ay wala siyang laban sa mga ito. Halos nasaid na ang kanyang true essence energy sa kanyang ginawang pagtakas at kung makikipaglaban siya o magpapalitan ng atake ay siguradong nasa alanganin siyang sitwasyon. Ang tanging nagawa niya lamang ay tingnan ang paparating na mga nag-aapoy na mga pana na papunta sa kanya. Halos matuod ang

