Sa loob ng Myriad Painting ay mayroong isang grupo ng mga nilalang ang naglalakbay sa masukal na kabundukan. Ang mga itsura ng mga nilalang na ito ay pawang mga buto lamang at walang mga laman. Ang mga butong ito ay walang iba kundi ang estraktura ng mga tao. Ang nakakapangilabot na itsura ay mayroon ding nakapangingilabot na kapangyarihan nakatago sa katawan ng mga ito. Umaabot sa isang daan bilang ng mga ito. Sila ay isa sa uri ng mga Cultivator na tinatawag na Undead Cultivator. Biniyayaan sila ng kakayahang mag-cultivate kahit na pumanaw na ang mga ito ngunit isa itong himala na isang milyong taon lamang nangyayari o ilang daang libong taon nangyayari depende sa pinagmulan ng mga ito. Ang mga Undead Cultivators na ito ay ang mga kinupkop at inilagay ni Van Grego sa loob ng Myriad Pain

