Agad niyang isinagawa ang Falcon Wave Movement Technique at mabilis na naglakbay sa masukal na kabundukang ito. Iniwasan niya ang mga mababangis na himaw at mga martial Artists na kanyang nadadaanan. Matiwasay niyang narating ang Hilagang bahagi ng Dragon Mountain. Dito ay rinig na rinig ni Van Grego ang atungal ng dalawang halimaw na naglalaban. Ang mga ito ay walng iba kundi ang Diamond Tail Scorpion at ang Purple Rain Lion. Ang dalawang halimaw na ito ay mga Warrior Beasts. Ang Cultivation level ng mga ito ay nasa Martial God Realm. Masasabing pambihira lamang makasaksi ang sinumang naririto ng mga halimaw na naglalaban at isa pa ay mga Warrior Beasts ang mga ito. Kasalukyan ang mga itong nagkakaroon ng matinding salpukan ng kanilang katawan. Masasabing head-on fight ito ng dalawang m

