Agad na ginamit ni Van Grego ang Water Whirlpool upang salagin ang atake ay nagtagumpay siya ngunit tumalsik siya sa malayo. "Kaya mo pa bata? Kung magpapatuloy ito ay baka mapinsala ka ng malaki." Sambit ni Master Vulcarian habang nag-aalala. "Kaya ko pa Master. Hindi siya kasing lakas ng Black Terra Spiders noong nakalaban ko!" Buong tapang na sabi ni Van Grego habang pinapahid ang dugo nitong umaagos sa gilid ng bibig nito. "Hmmp! Black Terra Spiders?! Hindi maaari! Alam mo bang makapangyarihan silang nilalang?! Pero bakit di ko alam iyon?" Takang-taka na sambit ni Master Vulcarian lalo na't wala siyang naalalang ganon. Sigurado siyang nasa bingit ng kamatayan ang bata iyon noong nawalan ng bisa ang kanyang divine sense dahil sa misteryosong puwersa. Hindi na nagsalita pang muli si

