Halos nangingitim na ang kabuuang anyo ng batang si Van Grego maging ang fires of life nito ay unti-unti ng humihina na gahiblang liwanag na lamang ang makikita mo rito. Palatandaan lamang ito na hindi na hahaba pa ang buhay nito. Kalunos-lunos ang kasalukuyang itsura ng kaluluwa ni Van Grego at halos hindi na siya makikilala ninuman dahil sa sobrang pangingitim niya na katulad ng walang hanggang kadiliman. "Ganyan nga bata, mawalan ka ng pag-asa, hayaan mong lamunin ka ng iyong sariling galit ng dahil sa kagagawan mo hahahaha... Oras na para higupin ko ang sarili mong kaluluwa at mawala ka na sa mundong ito! Napakauto-uto mo, naniwala ka pa sa kasinungalingang sinabi ko na mayroong holy scripture na angkop para sa iyo, na kailangan mong unang matutunan ang konsepto ng Space and Time, na

