Hindi namamalayan ni Van Grego ay maraming araw at buwan na ang nakakalipas habang patuloy pa rin sa kaniyang mga pagsasanay at pagpataas ng kaniyang cultivation Level. Halos 2 taon na rin ang nagdaan at ngayon ay malapit na siyang magbreakthrough. Kasalukuyan na siyang nasa peak 9 core 9th Diamond Life Destruction Realm. Sa dalawang taon niyang ito ay halos sinanay niya ang kaniyang mga abilidad at propesyon patungkol sa alchemy, array formation at iba pa. Ngunit wala pa rin siyang karanasan sa pagfo- forging. Halos itinuon niya ang kaniyang sarili sa pag-aral ng napakahirap na konsepto ng Space and Time ngunit hanggang ngayon ay hindi siya makaapak sa pangalawang stage ng kahit sa alinmang konseptong ito. Masyadong mahirap at detalyo ang dapat niyang pag aralan idagdag pang napakarami n

