"Magandang umaga kaayo?" Bungad ng isang maliit lalaki na sumalubong sa kanya.
Napapatigil kasi siya sa isang malaking kubol na itinuro ng guide na napagtanungan niya. Doon siya ibinagsak ng trike na sinakyan niya kanina.
"Magandang umaga rin po." Ganting bati niya saka lumapit sa may bandang kainan.
"Ikaw ba ga si Romeo? Iyong bagong hardinero?" Biglang sulpot naman ng isang babaeng nasa edad sikwenta o higit pa. Mataba at pandak.
"Ah..., horticulturist po, o kaya pwede ring landscape gardener,"
"Horri-horti-cuticle? Ano?" Sabad naman ng isa pang lalaking payat at may bigote na dumungaw sa may bintanang kapis.
"Horticulturist, Landscape gardener na lang." Pagtatama niya.
"Landscape gardener..." Pag-uulit ng mga ito.
"Sus, pare-pareho lang iyan! Landscape gardener, eh hardinero pa rin naman yun." Singit naman ng isang matandang lalaking kakarating lang.
Alanganin siyang ngumiti. "Okay po, kung dun kayo masaya." Pero nainis siya sa matanda.
"Selya nga pala, kusinera dito." Pakilala ng babaeng mataba.
"Nando, ako diri ang driver pero helper ding gyud diri." Pakilala ng unang lalaking pandak. "Kagwapo mo naman dong uy." At tinapik ang likod niya.
"Oo nga, pero mas gwapo pa rin ako." Lumapit iyong payat na may bigote. "Celso nga pala, ang messenger ng pamilya Aswaldo. Pero, utility talaga ang trabaho ko."
"Aswaldo? Akala ko.."
Nagkatinginan ang mga ito. "Aswaldo ang pangalan ng pamilyang paglilingkuran mo, di mo ba alam." Sabad na tanong ni Selya.
"Akala siguro iyong artistang laos ang magiging amo nito." Ngumisi lang ng sarkastiko saka umalis. "Delya, yung kape ko!"
"Opo, Tata Filo." Lumabas naman ang isang nagmamadaling dalaga na may hawak ng kape. "Ito na po," saka napasilip sa kanya.
"Ah, marami pala tayo ditong trabahador."
"Aba'y oo. Sa plantasyon halos isang daan. Sa mansyon naman, mga trenta y sinko mahigit." Saka siya itinuro ni Selya. "Pang trenta y sais ka."
"Ganun po ba?" Mukhang malaki pa lang ang magiging working place niya. "So lahat po kayo, sa mansyon nagtatrabaho?"
"Naku, hindi. Sa plantasyon kami ng cacao nagtatrabaho. Ikaw lang ang madadag sa kanila dun. Swerte mo, dun ka nilagay. Maganda dun." Pagbibida ni Celso.
"Sigurado ka bang hardinero ka lang? Kasi mukha kang artista," saka humagikgik iyong dalagang naghatid ng kape.
"Delya, iyong nakasalang mo." Malamig na tono ng matandang nagkakape saka umalis at pumunta sa kaloob-looban ng kubol.
Natahimik sila pagkatapos nun. Saka siya hinila ng matabang babae.
"Wag mong pansinin iyon si Filo, nagtatampo lang iyon kasi hindi na siya ang kinuha ni Donya Corazon. 'Lika, upo ka muna't mukhang mahaba ang ibiniyahe mo," at dinala siya sa may long bench na may katapat na mahahaba ring mesa."
"So, cacao pala ang pangunahing produkto dito,"
"Oo, pero wag mo lang nila-lang iyong cacao namin, pang-international iyong produktong nagagawa namin." Pagyayabang pa ulit ni Celso.
"Oo, katunayan, sikat na di ha ang–"
"Magtagalog ka dong dili ka magka-intidihan ng bisita natin." Puna ni Selya saka ngumiti sa kanya. Napangiti na lang din siya. Para bang na-miss niya bigla ang probinsya niya. Taga-Nueva Ecija kasi siya.
"Okay lang po,"
"Pogi, taga-san ka?" Tumabi na si Delya sa kanya.
"Ah, currently taga-Maynila pero tubong Central Luzon talaga ako, sa Nueva Ecija."
"Ilocano ka?" Tanong ni Celso.
"Tagalog, bandang Talavera kami."
"Ang gwapo mo naman, lahat ba ng lalaki sa Maynila kasing gwapo mo?"
Nginitian niya lang ito.
"Pwede ba kitang maging boyfriend?" Sabay kapit sa bisig niya. Nagpapa-cute sa kanya.
"Hoy! Delya! Magtigil kang bata ka! Asikasuhin mo muna ang niluluto mo't baka masunog. Pagagalit ka na naman ng lolo mo," sita ni Selya dito.
"Parang nakikipagkaibigan lang." Yamot na umalis ito at nagdabog pa.
"Pagpasensyahan mo na ha, bata pa yang si Delya mahilig nang lumandi." Saka naman nadatingan ang mga iba pang trabahador.
"Naku, alas dyes na pala." Saka naman nagkukumahog si Selya. "Nando, iyong mga dahon ng saging? Nasa'n na?" At hinawakan ang braso niya. "Dyan ka lang muna ha, aasikasuhin ko lang mga kasama ko,"
"Celso! Tubig nga dine, ang init!"
"Aling Selya, anong makakain dyan!"
"Selya ako nga kape,"
"Ako din,"
"Isabay mo na rin iyong sa'kin."
Sa dami ng tao ay hindi na niya namalayan ang dumating na sasakyan.
Mayamaya pa ay nagsitahimik ang mga ito saka lang niya napansin iyong itim na sasakyan at may bumaba na isang lalaki. Maayos ang pananamit nito di gaya ng mga nakausap niya kanina na pangkaraniwang mga suot ng mga trabahador.
Nakaputi itong barong na hula niya pasadya pa. Pinarisan ng itim na slacks at itim na sapatos na gawa sa balat. Mukha itong security o di kaya, mataas ang katungkulan na opisyal ng lalawigan. May edad na rin pero hindi halata sa tindig na mapagkakamalan pa niyang kasing edadan niya lang. Kaso nga lang, medyo puti na ang bandang patilya ng buhok kaya niya nasabing matanda na. Mga nasa early fifties o late forties.
"Kamusta kayong lahat?" Ngumiti ito at tinanggal ang suot na itim na salamin.
"Mabuti naman, Hector."
Tumango-tango naman ang lahat ng madaanan ng mata nito saka huminto sa kanya. "Kung hindi ako nagkakamali, ikaw iyong bago. Tama?" Saka isinilid ang salamin sa bulsa ng suot na barong.
"Opo," tumayo siya.
"Romeo, Romeo Del Valle." Inilahad niya ang kamay niya.
Hindi agad nito tinanggap at tila ba tiningnan muna siya mula ulo hanggang paa. "Sumama ka sa'kin." Iyon ang sinabi nito at tumalikod na.
********************
"Nakarating ka na ba dito sa San Guevarra?" Tanong nito sa kanya nang di nakatingin. Nagmamaneho kasi ito at nakaupo siya sa passenger seat.
Umiling siya. "Hindi pa, hindi pa po."
Tumango lang ito. "Matagal ka nang nag-ko-culture ng halaman?"
"Opo, mga tatlong taon na rin po."
"Bago lang pala." Saka siya sinipat at ibinalik sa daan ang tingin. "Marunong ka ding magplano? Nag-ii-sketch ka na rin ng mga plano?"
"Drafting po, marunong po. Katunayan, dun ako magaling."
Tumango na naman ito. Nahalata niya, matipid itong magsalita.
Matagal silang naging tahimik bago ito nagsalita. "Marami kang dapat malaman sa mga patakaran ng pamamahay ng Aswaldo. Hindi ka basta makakapasok kung hindi ka bibigyan ng authorization letter galing sa head ng security." Sinipat na naman siya nito. "Alam mo namang may asawang diplomat ang babaeng amo mo hindi ba?"
Napatango na lang siya. "Si Consul Hadji Remajwatti Pathinier. Also consider as one of the oligarch in Cairo, Egypt."
"At isa sa mga asawa niya si Victoria Aswaldo Pathinier o mas kilala sa pangalang Angeline Brillantes sa dati nitong trabaho."
Ah, kaya pala. Aswaldo pala ang totoo pangalan ni Angeline.
"Gaya ng sabi ko, mahigpit ang security ng buong mansion ni Ma'am Victoria. Pero hindi ka naman dun magtatrabaho. Sa kabilang bahay ka ide-destino. Sa isang villa niya at dun kita dadalhin."
Makalipas ang isa't kalahating biyahe nila ay narating din nila ang nasabing lugar. Malaki iyon at malawak kung tutuusin, kasing laki ng nadaanan nilang mansyon na triple yata ang laki sa karaniwan.
Ang sabi nito habang nasa daan ay bahay-bakasyunan lang iyon ng mag-asawa habang ang bahay na ito ay para sa ina ni Victoria na si Donya Corazon.
Matanda na kasi kaya ipinagawan ng sariling bahay ng anak. Hindi rin kasi gusto ng asawa ng boss niyang nasa iisang bubong sila nakatira ng biyenang babae. Naiirita marahil dahil ayaw maistorbo. Mahigpit daw kasi ang asawang foreigner ng amo niya at ayaw ng mga palpak. Noong nakaraan lang pala, na-hired ang papalitan niya kaso pinatalsik agad daw ng amo nitong lalaki. Nagalit sa gawa nito kaya tinangal.
Napressure tuloy siya. "Ganun lang, tinanggal agad?"
"Oo, kaya kung gusto mong tumagal, galingan mo at sumunod ka sa mga patakaran. Nakakaintindihan ba tayo?"
Panay lang ang tango niya.
Sumenyas ito na sundan siya. "Ihahatid kita sa magiging kwarto mo."
Kaya pumasok sila sa loob ng malaking bahay. Nalula siya dahil hindi basta-basta ang mga naroong kagamitan. Mamahaling mga muwebles at mga bangang may ibat-ibang hugis. "Ito ang main house, dito tutuloy ang magiging amo mo. Pasalamat ka at wala siya ngayon dahil kung hindi, baka hindi ka na pinatuloy."
"Ho? Anong ibig mong sabihin?"
Umiling ito. "Dito tayo."
Lumakad pa sila at inilibot siya. Malaki ang bahay at maraming kwarto. Inikot nila ang buong ground floor. Bawal daw niyang pasukin ang second floor. Dinala siya sa kwarto ng mga kasambahay, kusina, dirty kitchen, pantry na may daan natatagos sa maliit na orchard at ilang mga tanim na gulay. May maliit na kubol na hiwalay sa main house na hula niya stock room o kamalig. Saka sila lumabas.
"Bukas, pwede ka nang magsimula. Pagdating ni Harriet, yung mayordoma, siya nang bahalang magsasabi ng iba mo pang dapat malaman sa mga patakaran ng pananatili mo dito."
"Tanong lang," inilibot niya mula sa kinatatayuan niya ang bahay na di kalayuan sa malawak na parang na siyang tatrabahuhin niya at pagagandahin. Kaya niya iyong kanain ng dalawang linggo kung may sampu siyang tauhan.
"Ano yun?" Naglabas ito ng sigarilyo at sinindihan ito. Inalok pa siya pero tumanggi ka.
"Bakit walang katao-tao rito?"
Ngumiti ito. "Bago pa kasi itong villa, kayayari lang. Sinabi naman siguro ng agency iyon sa'yo nung na-hire ka,"
Tumango siya. Kaya pala panahintay pa siya ng dalawang buwan bago tawagan. Nag-side line na lang tuloy siya nung panahon iyon para makapagpadala sa kanila. Pinapipili pa siya ng agency kung mas gusto niyang mag-office staff at wag nang tumuloy dito kasi nga matetengga siya. Di siya pumayag at nag-raket na lang sa mga dati niyang trabaho. Sa Alabang BF at sa Dasmarinas Village siya maraming client lalo't mga nagpapa-maintain ng subdivision clubhouse. Yun ang kinakana niya habang may kinalulukuhang babae na ngayon nga ay girlfriend niyang si Rica.
"Pero sa makalawa, mananatili ang ina ni Ma'am Victoria dito. Mamamahinga bago lumipad na naman sa Hong Kong para mag-shopping. Kaya trabahuhin mo na sa loob ng dalawang linggo ito. Kaya ba?"
"Kaya naman kaso kailangan ko ng tao, mga sampu. Hindi ko 'to kakayanin ng mag-isa."
"Walang problema, kukuha tayo ng tao sa plantasyon. Si Tata Filo, siya dati ang nagme-maintain ng hardin ni Donya Corazon."
'Napangiwi siya. "Parang ayaw sa'kin ni Mang Filo, hindi niya yata gustong nandito 'ko."
"Problema mo na yun," saka nito ibinuga ang puting usok mula sa bibig. "Ikaw ang bago kaya ikaw ang makisama. Ganun lang talaga iyon. Mainit sa bago pero, pakisamahan mo lang, malay mo magkasundo kayo."
"Saan ako matutulog? Dito na ba?"
"Swerte mo, ikaw ang mauunang matulog dito." Saka ito tumalikod.
"Ano ba 'yan ang bastos naman nitong kausap." Bulong niya nang medyo malayo na ito.
"Siya nga pala." Napahinto ito at bumalik. Seryoso itong tumingin sa mga mata niya. "Puro babae ang makakasama mo dito kaya, mag-ingat ka lang na di ka makabuntis ha," saka siya nginitian at nilagpasan, tinapik pa ang likod niya. "Walang lalaking pinapayagan si Donya Corazon na manatili sa loob ng pamamahay niya. Kahit pa binabae o nagpapanggap na binabae, bawal. Naintindihan mo?"
"Bakit?"
Tumingin lang ng mataman. "Basta, maiintidihan mo rin."
"Bakit naman puro babae? Takot ba siya sa lalaki?"
Lumapit ito at bumulong. "Sabihin na nating ganun na nga. Pero kung magtagal ka man at kung papalaring di ka paalisin," inakbayan siya saka may itinuro. "Nakikita mo ba ang bintanang iyon? Iyong may malaking balkonahe sa ikalawang palapag."
"Oo, anong meron dun?"
"Huwag na huwag kang sisilip o tangkain na puntahan ang kwartong iyon, narinig mo ba?"
"Bakit?"
"Dahil papatayin ka ng mga nagbabantay na escort ng matanda."
Nagulat siya. Hindi niya alam kung bakit pero nawe-werduhan siya sa lalaking ito. "At sa anong dahilan? Dahil lang sa bago ako o dahil dayo?"
Umiling ito at initsa ang upos ng sigarilyo nito. "Dahil lalaki ka," at tumalikod. "Magandang lalaki. Mabilis mamatay ang mga taong hindi marunong makinig sa babala," saka siya nilingon. "Ingat ka." Saka tuluyan na siyang iniwan.
#################
Mabilis na tumakbo ang mga araw at nakalipas na ang isa't kalahating linggo niya sa mansyon na siya lang tao. Madali naman siyang naka-adjust sa mga tao niya pwera lang sa matandang si Mang Filo na mainit talaga ang dugo sa kanya mula pa nung dumating siya.
Si Celso at ang pinsang nitong si Kanor naman ang naging instant kasangga niya at taga-pasunod sa mga iba pa nilang kasamahang may katigasan din ang ulo. Puro kasi binatilyo at nag-aaral pa ng highschool ang ibinigay sa kanya. Okay nung una kaso kapag nakapalagayan na ng loob, di na sa kanya nakikinig.
Sumasakit tuloy ang ulo niya. Nasa paglalapat na siya ng disenyong ilalagay niya sa malaking parke na pinaaprubahan niya sa landscape engineer nilang si Mang Kulas at sa tumatayong OIC ng lahat ng tauhan sa plantasyon at sa mansyon na si Hector Dominguez.
Nakainuman na rin niya ito. Mabait naman itong kausap kaso may pagkamalihim at misteryoso kaya medyo dumidistansya rin siya.
Nasa ika-otsiyenta porsiyentos na ang nagawa nila. Nalinisan na ang lupa, nalatagan na ng bermuda grass, mayayari na ang fountain na nakapwesto sa bandang gitna at nakapagtanim na rin siya ng halamang maberde na mabilis tumubo. Kahit paaano may naging improvement na di gaya ng unang dating niyang wala pang kaayos-ayos.
Ang sabi ni Hector, kapag natapos niya ng maaga ang project ay baka bigyan pa daw siya ng bonus bukod sa sahod niyang triple kumpara sa dati niyang kompanya. Sulit din dahil may benefits pa siya. Dito na rin niya binabalak idaos ang kasal niya kay Rica na panay na ang tawag sa kanya. Kinukulit kung kailan siya uuwi. Nagsisimula na itong naging clingy at selosa nung naging sila na. Di niya rin masisi kasi talamak na babaero siya saan man mapapadpad at alam iyon nito. Naisip niya na baka naglalambing lang. Pero higit pa roon ang nasa isip niya.
Noong nakaraan buwan kasi, nadiskubre niyang pinakikialaman nito yung nightstand niya. Nakita niyang may ginagawa ito sa kwarto niya isang araw, nang maisip niyang iuwi ito sa unit niya para mag-bonding sila, isang linggo nang nakalipas bago sila naging opisyal na magnobyo't-nobya.
Kinalikot nito iyong nightstand niya na pinagtataguan niya ng condom niya. Hindi niya lang pinansin kasi baka may inilagay lang. Nagtaka na lang siya kapag ginagamit niya ito ng sunod sunod na araw ay nasasaktan na ito at dinudugo kaya hindi na niya masyadong sinasagad at pinagpapahinga na niya ng matagal. Naisip niya na baka sumubra lang siya sa lakas bira niya o baka rereglahin lang.
Naramdaman na lang niya nung huling talik nila noong araw na gr-um-aduate ito at sa kotse pa nila ginawa na may kakaiba dito. Sa di sinasadyang pagkakataon, napansin niya ang ginamit niyang condom noong kinantot niya ito sa kotse ay may butas. Nanlamig siya ng makita iyon saka niya tiningnan ang mga natitira niyang di pa gamit na condom. Lahat iyon, may maliliit na butas na tila tinusok ng partible.
Natawa siya at kasabay nun, nag-alala din siya. Hindi siya sigurado pero marahil, dinadala na nito ang panganay niya. Hindi niya mapigilang matawa sa sarili. Isang nurse lang pala ang makakaisa sa kanya.
"Sana lalaki, ayoko ng pambayad utang," usal niya sa sarili habang napapangiti tuwing maiisip iyon.
Kaya siguro masyado na itong naglalambing at madaling magtampo sa tuwing hindi niya nasasagot ang tawag nito. Akala niya dahil lang sa sampung taong pagitan ng edad nila kaya parang may gap ang communication nila. Minsan ang hirap na nitong spell-ingin.
Siguro nga kasi, buntis na ito. Nakakatawa. Naulol siya ng isang babae. Siguro nga, panahon na para lumagay na rin siya sa tahimik. Magtetrenta y tres na rin siya sa susunod na buwan.
"Romeo! Anong nginingiti mo dyan?" Untag ni Celso habang nagtatali ng abono saka dinala sa kamalig.
Pagkabalik ay inakbayan pa siya. "Tumawag na naman ba ang syota mo kaya ka masaya?"
"Hindi," pero nakangiti pa rin siya.
"Eh ano? Ba't ka masaya?"
Umiling na lang siya. Di niya rin maipaliwanag pero talagang masaya siya. "Apat na araw na lang kasi, makikita ko na makakauwi na ako."
"Ah, kaya pala. Nami-miss mo na 'no?"
"Medyo, nami-miss ko nang lambingin. Matagal na ang dalawang linggo. Dati nung nasa Manila ako, araw-araw kaming naglalambingan, magdamag pa."
Namula naman ang pisngi nito. "Ayan ka na naman, paiingitin mo na naman ako. Por que lamang ka lang ng isang paligo sa 'kin."
Tinawanan lang niya ito. "Ba't kasi hindi ka pa mag-girlfriend? O kaya tumikim-tikim, ang hina mo naman."
"Eh kasi, mahina ang loob ko eh, baka masampal ako kapag ginawa ko ang pinagagawa mo."
"Hindi 'yon. I-try mo muna kasi. Ilang babae nang dumaan sa'kin na yun lang ang ginagawa ko bago ko naging dyowa si Rica. Yung girlfriend ko nga, di ko nilagawan pero pumayag agad. Ayan tuloy, buntis."
"Oh! Buntis na yung dyowa mo?"
"Di ko pa sure, kutob ko lang,"
"Ah..ang galing mo naman..." Nag-isip ito saka ipinatong ang kamay nito sa balikat niya. "Sige, mamaya. Pupurmahan ko na si Shiela. Sigurado ka bang gagana yun?"
"Oo naman, ako pa. Basta yayain mong uminom, di na makakahindi yun. Di na papalag iyon kapag tinutukan mo na. Basta wag mo lang pilitin. Sindakin mo lang. Ang babae kasi minsan papilit lang din."
"Sige, sige, sama ka ba? Sa bukid kami mag-iinom."
"Basta taya mo, sama 'ko."
Tumawa ito na parang tanga. "Salamat, kapag sinagot ako ni Shiela at nagkaanak, ninong ka ha,"
"Ito naman, advance mag-isip. Pormahan mo muna bago ka mangarap na madala mo si Shiela sa dambana ng langit. Ikaw rin, baka mausog."
"Oo nga 'no?"
Natawa na lang siya. Ang daling maniwala. Panigurado mamaya basted na naman ito. Madalas kasing tampulan ng tukso itong si Celso na may palayaw na Estong. Parati kasing tiklop tuhod kapag lumalapit iyong pinupormahan nito. Ayun, nabubulol at di maintindihan ang sinasabi. Kaya tuloy laging dedma sa mga girls. Sa madaling salita, torpe at magaling lang magyabang.
"Tara, marami pang gagawin sa gawi ro'n. Dalhin mo iyong grass cutter ah," aya niya dito.
°°°°°°°°°°°°°°°
"Tagay mo na yan!" Maingay na sambit ni Celso.
"Kampay! Kampay!" At nag-toast pa ang mga ito.
Siya lang hindi sumali at ininom ng straight ang nasa baso niya. Lima silang nakaupo sa magkatapat na bench. Nasa loob sila ng isang maliit na kubo sa gilid ng burikin. Natatanaw niya mula sa malayo ang mansyon at ang villa naman sa bandang kaliwa. Bandang hapon sila nagsimula at nakakatatlong bote na sila. Mag-aalas sais na rin kaya madilim na.
MP lights at Fundador ang tinitira nila. Hindi siya masyadong magpapalasing kasi maaga siya bukas magsisimula para mapadali ang trabaho at makauwi sa Maynila. Gusto rin kasi niyang ikumpirma kung totoo ang hinala niyang buntis iyong girlfriend niya. His first serious relationship since he can remember.
Matino kasi ito at maprinsipyo kaya di niya maiwan-iwan. Kung hindi lang siguro ginapang ng kupal na lalaking humalay dito, baka virgin pa ito nang makuha niya. Hindi kasi ito nagpagalaw sa college boyfriend nito kahit pinipilit na siya. Iyon tuloy, natakot sa lalaki at pumatol na lang sa tibo nang mag-break ito at ang unang nobyo nung malamang di na virgin. Inakusahan pa siyang nagpabayad kaya pumayag magpakasta sa employer nitong doctor, na in-OJT-han nito nung third year pa lang ito. Si Rica lang kasi ang nagpapaaral sa sarili nito kaya kailangang magsipag at nag-side line na online tutor kapag libre ang oras sa eskwela at part-time job sa clinic ng boss nitong rapist.
Bagay na naintindihan niya dahil sariling sikap lang din siya kaya siya nakapagtapos ng kolehiyo. Ayaw pa sana nitong sabihin na rape victim ito dahil nga sa walang naniniwala at hinusgahan pa itong puta-puta kaya ginagabi. Halos madurog ang puso niya ng malaman niya iyon at gustong patayin iyong lalaking nanghalay dito. Kaya kinabukasan, pagkasabi nito tungkol sa nangyari dito ay nagreport sila sa tanggapan ng police para ihabla ang manyakis na doctor na iyon. Tumestigo pa siyang hina-harrass din ito ng asawa ng doktor at pinagbibintangang nagnakaw sa kanila kaya nakabili ng kotse ang girlfriend niya. Siya mismo, nasaksihan niya kung paano ito bina-bash nang mga kabaro nitong nurse sa hospital na pinagtratrabahuan nito.
Kaya ipinagtatanggol niya at minura ang mga ito isang araw ng marinig niya. Nagpanting ang tenga. Muntik pa niyang sapakin iyong isang nagsabing 'Buti nga sa kanya, mahedera kasi. Bagay lang iyon sa kanya kasi malandi siya. Kung kani-kanino kumakabit.' Nanira pa siya ng gamit. Kahit naman nakuha niya ng mabilisan si Rica, hindi naman ito kumandong sa iba habang sila ang magkasama, sa kanya lang kaya pinagmumura niya ang mga iyon.
Naiinis siya sa mga taong mapagmalinis at mataas ang ere, akala kung sino. He really don't like victim shaming. It was a very degrading experience for a rape victim. Na-rape na nga, kinukutya pa? Ano bang merong puso at utak ang meron sa mga ito?
Siya nga kahit gago, naaawa sa mga babaeng nakaka-experience ng rape. Naranasan kasi ng nanay niya sa tatay niya at ang pinakamalupit, matapos gamitin binubogbog pa. He really dislike domestic violent nor even rape. He's an asshole but never in his life, he'd forced a girl to have s*x. Kasi pumapayag naman sa gusto niya at wala pang nangyari na may ginalaw siyang pinilit. Di niya yun gawain. Mahilig siya sa laman pero hindi siya rapist.
Pina-resign na lang niya ito at pinagpahinga sa bahay hanggang dumating ang araw ng graduation nito na siya naman sinamahan niya. Hindi niya kasi maatim na sa katinu-tinong babaeng gaya nito, nangyayari ang mga ganung kasamang bagay. Siguro naawa at nahulog na rin ang loob niya kasi mabait naman kasi ito at inaasikaso rin siya. Loyal at madiskarte pa. Girlfriend material ika nga. Hindi niya ito iniwan at sinamahan ng madalas sa mga lakad nito. Siyempre, naging malapit sila lalo nang naging madalas niyang maikama at nagkukuwento ito ng tungkol sa buhay nito. He would offered himself to be her steady rock just to erased that stigma and forget that ugly experience with s*x. Pinaramdam niyang karadapat itong mahalin at alagaan. He's a douchebag but he knows how to care and to treasure a keeper.
Masasabi niyang gusto niya itong kasama pero hindi pa rin siya kuntento. May kulang pa rin. Madalas niyang sinasabi sa sarili niyang tama na at magseryoso na siya. Ayaw niyang saktan si Rica pero ayaw rin niyang lukuhin ang sarili niya. Hindi pa siya handa sa buhay may-asawa. Ngayon nga'y nangangapa pa siya sa relasyon nila.
Seryoso na ba talaga siya kay Rica?
Kaya kailangan niyang malaman kung buntis ito kasi kung totoong buntis ito, pananagutan niya. Hindi siya gagaya sa iba na kapag nalahian, iiwan na. Pero kung hindi, tatapatin niya ito. Hindi niya hahayaang masayang ang buhay nito sa kanya. Hindi kasi niya kayang magbago. Sasaktan lang niya ito kung ikasal sila at mambababae pa rin siya. Gago kasi siya at ayaw niyang may magpakatanga para sa kanya. Kaya nga ayaw niyang magkapagrelasyon kasi alam niyang lulukuhin lang niya.
"Tagay pa Romeo, ang lalim ng iniisip ah," biglang umakbay ang lasing nang si Celso. Makulit na rin ito kaya di na niya kinakausap.
Madaldal kasi ito kapag nalalasing. Susuko ang makakausap nito at tutulugan na lang.
Ngumiti na lang siya ng matabang. "Wala, shots?" Pinagsalin na lang niya ng long neck. Kinuha naman nito at ininom.
"Kala ko ba liligawan mo na si Shiela, sunggaban mo na baka makawala pa." Buyo niya.
Sabay pa silang tumingin sa babae sa di kalayuan na nagliligpit ng mga bilaong ginamit sa pagha-harvest kanina. May kasama ring mga matatandang babae na panay ang sigaw sa kanila dahil maiingay na.
Mga kasama lang naman niya ang maiingay. Siya, tahimik lang na nagbabanlaw ng MP.
"Nahihiya ako eh, baka sigawan ako, kasama pa naman yung dalawang gurang na tiyahin."
"Torpedo ka talaga," kaya binulungan niya.
Nanlaki ang mga mata nito. "Oh! Talaga? Gagana yun?"
"Oo, basta sa'tin sa'tin lang. O, baka wala ka eh." May hinugot siyang condom sa bulsa niya.
Tutal di pa niya magagamit dahil wala siyang trip iputan sa mga babaeng nandito.
May maganda at mahitsura naman kaso, dahil sa lagay ng isip at puso niya, wala siyang gana. Kay Rica na lang pagbalik niya. Kung di pa sila nakabuo.
"Natatakot ako, pa'no ba yun?" At parang inosenteng nagmamaang-maangan.
"Puta, di ka pa ba nakatikim ng babae? Ganito to oh," saka niya i-di-ne-mo ang daliri niyang ipinapasok-labas sa nakabilog na dalawang daliri.
"Alam ko yun, napapanood ko na kaso di ko pa nagawa." Pagtatapat nitong pabulong. Nagsasabi kasi ito ng totoo kapag nakakainom.
Napatingin siya nang nagdududa dito saka tumawa ng malakas. "Virgin ka pa, twenty seven ka na!" Napalakas kaya nagtinginan ang mga kainuman nila.
"Sinong virgin?" Tanong ni Gibo. Kainuman at kababata ni Celso.
"Wala, kami lang 'to. Inom pa kayo." Ibinaba niya iyong bote ng alak na di pa bukas. Isang karton ba naman kasi ang binili ni Celso dahil nga birthday.
"Ganito ang gawin mo," kaya naman tinuruan niya. Bumulong siya ng mga dapat nitong gawin.