"Lang hiya ka, panay yabang mo na marami kang chicks, di ka pa pala nakakakantot." Kantiyaw ni Romeo dito nang magbawas ng tubig sa di kalayuang puno.
Sumama naman ito at di siya tinantanan ng tanong. "Pa'no kung sumigaw? Iitakin ako ng tiyahin nun." Pag-aalala nito.
"Pre, kapag nakapatong ka na, di na yun aangal. Isa pa may gusto yun sa'yo." Pagbubuyo niya. Hindi naman niya kilala yung babae.
Basta naririnig-rinig lang niya na manang manang ito manamit at mataray. Pinalaki ba naman ng dalawang matandang dalaga. Pero sabi nila, sabi lang nila, may gusto daw ito kay Celso di lang inaamin. Kaya nga tuwing lumalapit ay tinutukso. Ayun, dahil napahiya, naging suplada. Torpe kasi si Celso.
"Basta. Subukan mo lang." Tinapik pa niya ng likod nito."
"Samahan mo 'ko,"
"Gago ka ba? Di sa'kin yun lalapit."
"Hindi, ano lang. Magtago ka lang. Baka maduwag ako kapag wala ka sa malapit."
"Sige, bahala ka. Pero yung sinabi ko, tandaan mo yun."
Tumango ito. "Sige, sige."
"Ano, tara?" Aya na niya. Natanaw na niya ang babaeng didiskartehan nitong papunta sa sapa.
"Tara," kaya lumakad na sila.
Naghiwalay sila para di siya makita ng dalaga at para makapag-usap ang dalawa. Kung papalaring maligawan o maasawa nito. Hindi niya naman sagot kung masampal ito. Tutal may tama na ito, may hiram na ng tapang sa alak.
Naglakad siya papunta sa b****a ng gubat kung saan sanga-sanga ang mga daanan. Sumenyas siya sa kasama na doon lang siya pupuwesto. Tumango ito saka naglakad papasalubong sa dalaga.
"Shiela! Shiela!" Tawag nito. Papaiwas kasi dito nang makita at tatalikod na sana.
Lumapit siya ng kaunting hakbang para marinig ang usapan ng dalawa.
"Ano bang kailangan mo?" Pataray na tanong ng dalaga.
"Ang sungit mo naman, kakausapin lang naman kita."
"Abala ako, ano ba yun?"
"Shiela, matagal ko nang naririnig na may gusto ka daw sa 'kin? Totoo ba yun?"
"Kanino mo naman narinig yun aber?" Angil ng dalaga.
"Sa mga barkada ko saka sa mga taga-plantasyon." Lumapit si Celso sa harap nito.
"Nagsisinungaling lang sila. Bakit naman ako magkakagusto sa lasenggong kagaya mo, kung siguro nag-aayos ka at naliligo araw-araw pwede pa, kaso sa hitsura mo? Manigas ka!"
Muntik na siyang matawa. Medyo gamol din kasi ito. Di marunong mag-ayos sa sarili. Totoo naman.
"Oy, Shiela, wag ka namang ganyan. Ang balak ko pa naman kapag naging syota kita, kukunin na kita sa mga tiyahin mong mga mangkukulam. Ayaw mo ba talaga sa'kin? Ikaw din, magiging matandang dalaga ka rin gaya nila."
Pinaningkitan ito ng dalaga. "Hoy! Makakaalis ako sa bahay ng tiya Gloring at tiya Marcela ko ng ako lang at hindi ko kailangan ng katulad mo, dyan ka na nga," tatalikod na ang dalaga nang haltakin nito.
"Ano ba! Bitiwan mo nga 'ko!" Nagpumiglas ito kaya lalong humigpit ang hawak nito.
"Bitiwan mo 'ko! Sisigaw ako!"
"Sige, sumigaw ka. Iisipin nila nagbibiro ka lang o kaya sumisigaw ka habang kinakasta na kita."
Namula ang mukha nito saka ito sinampal. "Bastos ka! Yan ba ang balak mo kaya mo 'ko hinarang?"
"Hindi naman kita pipilitin eh," lumapit pa at hinapit ang baywang ng dalaga sa katawan nito. "Sanay naman akong maghintay. Kahit alam kong may gusto ka sa'kin, di kita sisipingan. Pakakasalan muna kita. Kaso, ngayon kasi, nagbago na ang isip ko."
Nagbago ang anyo ni Shiela at hindi na nanlaban.
Yan ang bata ko, sa isip isip niya.
"Kasi, masakit na iniiwasan mo 'ko. Alam mo ba, gusto rin kita. Bata ka pa lang, pinapangarap na kitang makasama. Nung naglalaro tayo sa sapa, madalas kang sumampa sa likod. Tapos nung nagdalaga ka, nagsimula akong humanga sa ganda mo, kaso malaki ang agwat ng edad natin kaya hinintay kita. Akala ko nga maiintindihan mo 'ko kaso, hindi pala." Sabi nito sa malungkot na tono.
"Sayang, yung pinapatayo ko pa namang bahay, ikaw sana ang ibabahay ko. Tapos iyong sahod ko, sa'yo ko iintriga. Tapos magkakaanak tayo ng marami. Di na matutupad yun kasi, ayaw mo sa'kin." Hinawi nito ang buhok sa pisngi ng dalaga.
Napaigtad ang dalaga pero di lumayo at tiningnan ang binata ng seryoso. "Talaga ba? Totoo?"
"Totoo, gusto ko pa namang ikaw ang magiging una at huli kong babaeng mamahalin. Ito oh," saka nito inilagay ang kamay ng dalaga sa umbok na harap nito. "Sa'yo ko lang 'to ipapasok at ipuputok. Ikaw lang ang magiging reyna ko. Nararamdaman mo na ba?"
Nagimbal ang dalaga kaya inalis ang kamay pero ibinalik ulit nito. "Ikaw pa naman ang pinapangarap ko, pinagnanasaan kita tuwing gabi. Tuwing pumupunta ka sa sapa para maglaba tapos maligo na rin. Nananalangin ako na sana pagdating ng araw, kasama mo na akong naliligo sa sapa ng nakahubad, naghahalikan at nag-aasawahan sa tubig na parang mga isda."
Lalong namula ang mukha ng dalaga at nanlaban ulit. "Celso! Itigil mo nga yan, bitiwan mo na nga ako!"
"Sana kasi, pagbigyan mo na ako. Tutal birthday ko naman eh." Saka ngumuso. "Pakantot ka naman."
"Ngali-ngaling sinampal ito ng dalaga. "Bastos ka! Ang bastos mo! Nakakadiri ka! Huwag na huwag ka nang lalapit sa'kin!" Tumalikod na ang dalaga at umalis.
Tila nahulasan si Celso ng sampalin ng dalaga. Tatatawa niyang nilapitan ito.
"Hindi pumayag eh,"malungkot na bigkas nito.
Tinapik niya ang likod nito. "Hayaan mo na, marami pa naman dyan eh,"
Inaya na ulit niya ito pabalik sa kubo. Dahil nabasted, ayun nalugmok ito at di na masyadong nagdaldal. Di na niya rin tinukso. Masakit kasi para sa lalaki lalo kapag na-reject ng babaeng gusto nito. Ang sakit nun.
Di pa naman niya naranasan yun kasi, kahit nung nagbibinata pa lang siya, marami nang nagagwapuhan sa kanya pati nga titser niyang dalaga pa. Marami siyang naging girlfriend hanggang magkolehiyo siya. Mga kapwa niya working student sa university ang nakaka-hook up niya. Di naman sila nagrereklamo kahit alam nilang marami sila sa buhay niya.
Swerte pa nga sila na ginalaw niya kasi may best bed experience silang babaunin hanggang mag-asawa na. Minsan yung mga naging ex niya, nakakatuluyan pa ng barkada niya. Sa probinsya, marami siyang na-virgin-an sa highschool at sa Maynila naman, natututong makipag-fling, Makeout at one night stand. Naging cycle na niya kaya di niya maialis sa sistema niya ang may kinakantot na babae at kinakana magdamag. Sakit na yata niya yun.
"Celso, una na kami. Happy birthday ulit."
"Sige! Salamat." Malungkot na usal nito.
Isa-isa nang nagsialis ang mga kainuman nila. Tinapik niya ito kasi mauuntog na sa haligi ng hagdan ng kubo "Hoy, tulog ka na, umakyat ka na sa hagdan."
"Oh," umungol lang ito.
"Si Shiela ba yun?"
"Saan?" Agad inangat nito ang ulo.
Tinawanan niya ng malakas kaya sinimangutan siya. "Akala ko, nandyan nga." Ungot nito.
"Huwag ka nang malungkot. Una na 'ko," saka siya nagpapaalam.
Hindi na niya hinintay na tumugon ito at nag-umpisa nang maglakad. Nang makalayo na siya, saka niya napansin ang isang pigura ng babae. Nagtago siya sa gilid ng puno. Si Shiela iyon na nakapagpalit na ng damit. Naka-shawl na mahaba, maluwang na damit at basa ang buhok. Naligo siguro.
Tinanaw niya ito habang papalayo na. "Sa'n pupunta yun?" Nasilip niya ang relo niya. Alas dyes na ng gabi.
Hindi niya ito trip kasi trip itong syotain ng kaibigan kaso na-curious siya kung saan pupunta ang dalaga. Kaya sinundan niya. Nang malamang papunta sa kubo ang tinutumbok nito, nagtaka siya. Kaya sinundan pa rin niya.
Hanggang sa marating nito ang kubo. "Kay Celso? Akala ko..." Nagtago siya nang lumingon ito. Saka tuloy-tuloy sa paglalakad. Umakyat ito sa kubo.
Naintriga siya at dahil interesado siyang malaman ang pakay nito, umikot siya at pumunta sa likod ng kubo. Narinig niyang nagising ang binata.
"Shiela!" Tapos lumagabog. Natumba siguro. "Anong---anong ginagawa mo dito?"
"Di ba sabi mo, kapag sumama ako sa'yo kukunin mo 'ko sa poder ng mga tiyahin ko?"
"Oo, sabi ko kayo––"
"Kapag nagpagalaw ba 'ko sa'yo ngayong gabi, pakakasalan mo 'ko?"
Nagulat siya at natawa kaso pinigil niya. Baka marinig siya.
"Oo! Oo! Pakakasalan kita!"
"Sigurado ka? Di mo 'ko niloloko, virgin pa 'ko kaya––"
"Oo, matagal ko nang pinangarap na makantot ka. 'Tamo oh, tayong tayo na sa'yo!" Excited na sabi nito.
"Magpapagalaw ako, ngayon. Iuwi mo na 'ko sa bahay mo. Gawin mo ang lahat ng gusto mo sa'kin kung gusto mo, buntisin mo pa 'ko, bahala ka. Basta....basta..."
"Ano?"
"Ako lang, ang sisipingan mo, mangako ka."
"Oo! Oo."
Mayamaya pa'y nanahimik na. Namatay iyong ilaw tapos narinig niya ang mahinang langitngit ng papag. Mabagal, bumibilis, babagal tapos mahinang ungol. Tapos naging lagabog, na alam na alam niya.
Nadale rin, may binabata na ang bata ko,
"Ah! Ah! Ah!" Umungol na si Shiela.
"Tang ina!" Humihiyaw na sigaw ni Celso habang palakas ng palakas ang langitngit ng papag. "Ang sarap mong kantutin! Ahh ahhh!"
"Bilisan mo pa! Ah ah ah ahh!!!!!"
"Bubuntisin talaga kita! Aanakan kita!! Akin ka na!!"
"Tagalan mo!!! Ahh!"
Halos maulog ang dingding. Ang sarap batuhin para mabulabog. Natuwa siya kasi gumana dito iyong technique niya. Akalain mo nga naman, kahit ganun ang hitsura ni Celso, nadagit din yung bebot nito,
"Isa pa," hangos na usal ng dalaga.
"Isa pa? Gusto mo pa?" Habol din ang hininga ng binata.
"Masarap pala." Humagikgik pa ang dalaga.
Naghagikan pa muna sila saka nanahimik uli ang kubo pero may malakas na pag-uga. Lumalangitngit na naman ang papag at nangibabaw iyong karaniwang ungol ng nag-aasawahan.
Nailing niya ang sariling ulo. "Iwan ko na kayo, pakasaya kayo." Umalis na siya at nilakad pabalik sa villa na tinutuluyan niya.
Nami-miss niya tuloy si Rica. "Pauwi na 'ko babe."
*******************
"Anong ibig mong sabihin na––mali to! Ano ba namang.." Napakamot ng ulo si Romeo nang makitang mali-mali ang de-ni-liver na mga punla at mga abono.
"Ibang brand sabi ko, bakit ito pa rin ang kinuha n'yo? Saka ito," hinawakan niya ang punla. "Mahirap na itong tumubo lalo ngayon tag-init ano ba naman kayo? Di kayo nakikinig sa'kin." Patuloy na sermon niya sa mga kasama niya.
"Eh sabi kasi ni Tata Filo yan daw eh kasi iyan daw ang gusto ng Donya Corazon, kaya iyan ang binili namin." Pangangatwiran ni Ambo, ang boy na runner niya sa tuwing may ipabibili sa nayon.
"Anak ng..." Napahimutok na lang siya. Huminga ng malalim at nag-isip saglit.
"Sige, itabi nyo na lang yung iba, kalahati lang ang gagamitin. Iyong kalahati pwedeng ilagay sa orchard saka sa gulayan. Ito namang punla, hahati-hatiin, hindi ito pwedeng magkakasama kasi mag-aagawan ng sustansya sa lupa." Sumenyas siya sa isang lalaki. "Pedro, ikaw nang kumana sa bandang hilaga, iyong sa rotunda, Caloy sa 'yo na yun. Yung iba sumama sa 'kin magtatabas ng damo sa gitna, malago na naman yung mga ligaw na damo."
Tumango-tango na lang iyong kasama niya. "Tapos, magsisimula na tayong magtanim ng rosas sa palibot. Sinong nakapatubo na ng rosas dito?"
Walang umimik. "Si Mang Filo, eksperto yun sa mga tanim na bulaklak." Si Balong ang sumagot.
Napangiwi siya. Hindi niya kasi pinagkakausap iyong matanda kasi nababanas siya. Iwanan ba naman ang trabaho ng isang araw tapos nang gagawin na niya galit pa sa kanya. Pinakikialaman daw niya ang gawa nito. Aba natural, gusto niyang matapos na ang trabaho niya't makaalis na dito. Hindi daw siya ang dapat nitong sundin eh sino pala? Nainis siya kaya hinagis niya iyong aserol at nilayasan. Nagalit pa rin dahil wala daw siyang karapatan na pagdabogan ito kaya sinagot na niya.
"Sino ka ba sa akala mo? Bakit ba ang tindi ng asar mo sa'kin? Kabit ka ba ng matanda para igalang kitang parang boss? Pare-pareho lang tayong nagtatrabaho dito. Ginagalang pa kita kasi matanda ka pero sana igalang mo rin ako bilang mataas sa 'yo, kasi kung hindi, ipapaalis kita sa grupo ko! Dun ka sa lintik mong plantasyon!"
Nagalit at nagdabog din sasagot pa sana nung pinagmumura siya at pinagtatadyakan ang mga pataba sa lupa. Nagkalat din ang mga gamit. Inawat na lang ng mga kakilala nito. Simula noon, di na sila nagkikibuan at nagtatrabaho sa malayo na hindi sila nagkikita. Isa man sa kanila ang nagkakita sa isang area ay kusa na siyang umaalis.
"Ano bang gustong palabasin ng matandang iyon? Buwisit!" Himutok niya ng makapasok sa pantry para uminom. May biglang nagsisigaw na nakatawag ng pansin niya kaya lumabas siya.
"Anong problema?"
"Romeo," humahangos pa si Kanor. "Si Celso," at huminga muna bago nagsalita ulit. "Hinahabol ng itak nang dalawang matanda," balita nito.
"Ha? Bakit daw, anong dahilan?"
"Oo, nabalitaan ko kasi usap-usapan kasi na itinanan na ni Celso si Shiela. Ibinahay na raw, hayun pinaghahabol ng itak." Kwento ni Balong.
"Narinig ko rin yun, sabi ng kapatid ko, nag-inom pa sila noong isang araw kasi birthday ni Celso, kinabukasan nang pagpunta nila sa kubo para kuhanin yung naiwang itak, nakita niyang magkasiping yung dalawa sa papag, wala nang saplot." Kwento naman ni Timong ang pinakabata niyang trabahador.
"Oh, akalain mo? Iyong dalawa pala'y nag-asawahan na. Pakipot-kipot pa si Shiela, bibigay rin pala kay Estong." Ani ni Pedro.
"Tama na yan," saway niya. Kalalaking tao mga chismoso. "Asan yung pinsan mo?" Saka humarap kay Kanor na pinainom ng tubig ni Ambo.
"Sa Plantasyon,"
"Tara, samahan mo 'ko. Puntahan natin."
#############
"WALANG HIYA KA!!!! LUMABAS KA SA PINAGTATAGUAN MO! HARAPIN MO KAMI! ESTONG! LUMABAS KA DYAN!"
Malakas na sigaw ng matandang babae na may hawak na gulok at parang nasisiraan na ng bait.
"LUMABAS KA DYAN HINDOT KANG MANYAKIS KA! KABATA-BATA NG PAMANGKIN KO INASWANG MO! HAYUP KA!" Ani naman ng isa pang matandang babae na may hawak ng kutsilyong pangtadtad ng baboy.
Kilala niya iyon, iyong matabang babae na nakausap niya nung unang dating niya dito.
Naabutan nila ni Kanor ang mga taong nakapalibot malapit sa kubo kung saan tumutuloy si Celso. Ito kasi ang tenant na tumitingin sa mga gamit sa plantasyon at umuuwi lang tuwing makalawa sa bayan kung saan ito may bahay na sarili.
"TATAGPASIN KO YUNG ULO!!! LUMABAS KA!!" Inikutan na ng dalawang matanda ang kubo at kinakalampag ang bawat pwedeng daanan ng binata. Sa pintuan at sa gilid na may bintana. Natural na nakasara dahil baka ihagis dito ang mga matatalim na hawak ng dalawa.
"Manang Selya, Manang Gloring! Tama na yan! Di ko naman po pababayaan yung pamangkin nyo, aalagaan ko siya pati magiging anak namin. Sa katunayan nga po, pakakasalan ko siya,"
"MAGTIGIL KA!! DISE-NUWEBE PA LANG ANG PAMANGKIN KO!" Nangggalaiting kalampag ng may gulok sa bintana. Dun kasi nakatayo si Celso.
Walang umaawat kaya kumilos na siya. "Tumawag na ba kayo ng barangay tanod?"
"Barangay tanod yung si Manang Gloring," sagot agad ni Kanor.
"Tumawag kayo ng ibang barangay tanod o kaya si Hector, alam na ba niya 'to?" Napabalik ang tingin niya sa dalawang sinisira na ang dingding na yari lang sa sawali.
"Pinatawag na kaso nasa bayan pa,"
"Patay tayo dyan," Pumalatak siya. Nag-isip siya ng paraan. "Bahala na,"
Naglakad siya papunta sa gitna at hinawi ang mga miron. Nagtinginan sa kanya at nagtanungan kung anong gagawin niya.
"Ano ba naman yan, pati ba naman buhay ng ibang tao, pinakikialaman."
Matalim na tingin ang ibinato niya sa matandang lalaking nakatayo sa gilid. Si Mang Filo iyon.
"Nanonood ka lang, wala kang gagawin? Napakabuti mo namang matanda." Parinig niya habang palapit na siya sa dalawang matandang babae.
"Mga Tita, kamusta na kayo?" Mabokang bungad niya. At ngumiti.
Nakasambakol at galit na lumingon sa kanya pero nang makita ang mukha niya ay tila ba nawala ang kunot sa noo ng mga ito.
"Ikaw pala, Romeo." Biglang lumumanay ang boses ni Aling Selya.
"Sino ba yan?" Nakasimangot pa rin yung isang babae. Halatang tibo dahil maiksi ang gupit ng buhok.
"Ano po bang atin dito?"
Saka lang naalala ng dalawa na galit pala sila. "IYAN KASING SI––"
"Oops, kalma lang. Wala kayong kaaway dito. Ano po bang kasalanan ni Estong sa inyo?" Kahit alam na niya, nagmaangmaangan na lang siya.
"Si Estong! Tinanan ang pamangkin namin, bata pa iyon, nag-aaral pa, tapos itong walang hiyang lalaking ito! Gustong asawahin," paglalahad ni Aling Selya.
"Pinag-aaral namin sa College kasi ayaw naming magaya siya sa'ming walang natapos, gusto naming maging maganda ang buhay niya at umasenso, tapos, itong walang hiyang lalaking ito, inakit at ginawang parausan ang pamangkin namin! Ipapakulong ko ang lalaking 'to!" Si Aling Gloring habang nakataas ang gulok sa kanang kamay.
"Kalma lang po, kung gusto ninyong maayos ito, daanin natin sa prosesong diplomasya. Wala pong masusulusyunan ang pagiging biyolente. Sige, gusto n'yo bang makulong kayo kapag napatay n'yo si Estong?"
Napatingin ang dalawa sa isa't-isa. "Hindi naman namin siya papatayin, ang sa'min lang, ibalik niya sa'min si Shiela."
"Nasaan po ba si Shiela?"
Tumingin ang dalawa sa kubo. "ILABAS MO SI SHIELA! ESTONG!!!"
"Tita, ang puso n'yo po, kalma lang." Hinawakan niya ang kamay at kinuha ang hawak na pang-chop-chop kay Aling Selya. "Hindi n'yo po ito kailangan. Sa ginagawa n'yo, tinatakot n'yo lang 'yong pamangkin n'yo."
Napaisip ang dalawa kaya sumenyas siya na kunin na ni Kanor yung isa pang itak.
Nang wala nang hawak ang dalawa ay kinatok niya ang pinto ng kubo. "Estong, buksan mo 'to, si Romeo 'to."
Kinatok niya ulit dahil ayaw pa ring magbukas ng pinto. "Celso,"
Ilang minuto muna bago bumukas. Si Celso ang bumungad habang nagtatago sa likod nito si Shiela na takot na takot. Nakasuot ito ng maluwang na damit ni Celso.
Bumulong muna siya. "Ano, ayos ba?"
Ngumisi lang ito pero hindi ipinakita sa tao. Maging si Shiela, nagtataka sa ngisi ng nobyo.
"Tulungan mo naman ako oh, awatin mo yung dalawang matanda." Pakiusap ni Celso.
"Yun na nga ang ginagawa ko, makinig kayo, papapasukin n'yo yung dalawa. Kakausapin ninyo ng maayos, pakikinggan n'yo anuman ang sabihin. Lalo ka na Celso, kahit ano pang sabihing masasakit na salita, wag kang papatol. Ikaw naman Shiela," pumaling siya sa dalaga. "Mga tiyahin mo sila at nakasama mo ng matagal na panahon, kahit hindi mo sila magulang, irespeto mo ang opinyon nila dahil karapatan nilang pakialaman ang kapakanan mo, narinig mo ba?"
Tumango ang dalaga at tumingin sa binata. Hinawakan ni Celso ang kamay nito. Sa unang tingin pa lang, alam na niya. May gusto talaga si Shiela dito at siguro, nagkalakas ng loob lang na magtapat nang magtapat na rin ito. Ewan niya lang kasi, bakit naman pupunta ang babae sa bahay ng lalaki sa dis-oras ng gabi? Siguro may ibang dahilan pero iyon talaga ang kutob niya.
"Papapasukin ko na sila, umayos kayo ha?"
Tumango lang ang dalawa.
Mayamaya ay pawang mga nakaupo at magkakaharap na ang apat at siya ang tagapamagitan. Iyong mga taong nakikiusyuso nakatanaw lang sa bintana at sa pinto.
Tumikhim siya. "Hindi ako nandito para makisawsaw o makialam, ang gusto ko lang, magkaayos kayo dahil iisa lang itong lugar na pinaglilingkuran n'yo, iisa lang ang tinitirhan n'yo. Gawin natin 'to para sa ikakatahimik ng lahat at ikaayos ninyong apat, maliwanag ba?"
Walang sumagot. Nakayuko lang kasi ang magnobyo't magnobya habang ang dalawang matanda ay di direktang nakatingin pero matalim tingin at nakaasik pa rin.
"Okay, umpisahan na natin," tumikhim pa muna siya. "Ano bang naging puno't dulo nito?"
"Ito! Itong walang hiyang lalaking ito!" Dinuro-duro na ni Aling Selya si Celso. "Inakit ang pamangkin namin, pagkatapos ka naming tratuhing parang anak! Ito pang igaganti mo sa'min!" Nakatingin naman kay Shiela.
Umiiyak na ang dalaga. Hinawakan naman ni Celso ang kamay nito.
"Bitiwan mo nga siya! Ilayo mo nga ang kamay mo sa kanya. Di ka na nahiya! Kabata-bata pinatulan mo! Mahiya ka sa balat mo! Ano? Di ka makapagsalita? Nas'an na 'yang yabang mo ngayon! Akala mo kaya mo nang buhayin yang palamunin na yan! Di pa nakakatulong, kumerengkeng na. Malandi! Kung alam ko lang na lalaki kang ganyan, hindi ka na sana namin kinuha! Manang manang ka sa––"
Inawat na ni Aling Selya dahil humahagugol na ang dalaga. Maging si Celso, napapaiyak na rin.
"Matapos mong palakihin! Matapos mong––"
"Di n'yo na kailangang problemahin yun dahil kukunin ko na siya! Hindi na ninyo kailangang maghirap para lang igapang ang pag-aaral niya. Di na ninyo siya kailangang pakain ng mura at sermon sa kada maliit na bagay na ginawa niya." Tiim bagang na sabi ni Celso. Kahit sumisinghot-singhot, matatas nitong sinabi iyon.
"Ano, pala, pinalaki n'yo lang siya para pagkakitahan? Hindi ninyo siya hawak sa leeg, hindi ninyo hawak ang utak niya. Ano bang palagay ninyo sa kanya? Manika na kinokontrol?"
Napakapit na ang dalaga para awatin ito pero di ito nagpapigil. "Noong nalaman kong ibenebenta n'yo siya sa lalaking naghahanap ng aliw, may narinig ba kayo sa kanya? Akala nyo ba hindi alam ng lahat na tinatangka ninyong ibugaw siya sa mga lalaking bumibisita dito."
"Aba't! Ang kapal ng mukha mo!" Tatayo na sana si Aling Gloring pero inawat niya. Inambahan niya lang pero hindi naman niya tinuloy. Natakot sa laki niya kaya umupo ulit pero di na makatingin ng diretso.
"Noong hinahanap n'yo siya, tumakbo siya sa'kin. Kinse anyos pa lang siya. Kinse anyos! Di na kayo naawa!" Tumayo ito.
"Sabihin n'yo nga sa'kin, sino ba sa'tin ang talagang may malinis na intensyon para sa kanya?" Tumingin ito kay Aling Selya.
"Hindi por que anak siya ng kapatid ninyo sa labas, tatratuhin n'yo na siyang iba. At hindi por que, anak siya ng pokpok, basura na rin ang tingin n'yo sa kanya. Alam n'yo, mas humanga ako sa nanay niya kasi kahit naanakan lang ng kung sinong lalaki, hindi niya pinalaglag. Inisip niya siguro na walang kasalanan ang bata sa mga kasalanan niya. Samantala kayong malilinis, kung makapanghusga akala ninyo wala kayong tinatagong baho, hindi ako matalino, hindi ako mayaman pero sisikapin ko na bigyan siya ng magandang buhay dahil mahal ko siya. Hindi ko hahayaang masadlak siya sa putik na pilit n'yong pinaparamdam sa kanya."
Hinawakan ni Celso ang kamay ni Shiela at itinayo ito. "Kahapon, nanggaling kami sa selda ng nanay niya at hiningi ko na ang basbas niya. Pumayag siya. Pero dahil kayo ang nagpalaki at tumayong custodian niya, hihingin ko pa rin ang permiso ninyo," tumingin ito sa nobyang maluha-luha pero nakangiti. Malungkot na ngiti na may nakasilip na pag-asa.
"Pakakasalan ko na siya sa sunod na buwan. Nag-canvass na rin kami. Kahit hindi na gaanong kabongga. Sinabihan ko na rin ang nanay at tatay ko, uuwi daw sila para samahan akong mamanhikan. Sana tanggapin n'yo po akong––"
"Hindi kami pumapayag!" Sabay pang tumayo ang dalawa. "Ipapakulong ka namin! Child abuse yun!"
"Hindi na po ako bata! Kaya ko nang magdesisyon sa sarili ko!" Sigaw ni Shiela. Yung kaninang tameme ay nagkalakas ng loob na rin. "Hindi niya ako pinilit, kusa akong pumunta sa kanya. Hindi niya ako pinuwersa, kusang kong ibinigay iyon sa kanya." Taas nitong sabi.
Lumakas lalo ang mga bulong-bulungan sa labas. Nairita siya, parang ang sarap hagisan ng maingay na kaldero para magsitigil sa pakikisawsaw.
"Siya naman pala ang pumunta,"
"Iba rin, malandi din gaya ng ina,"
"Palibhasa, anak ng pokpok kaya ganyan."
"Kung wala kayong matinong sasabihin, lumayas na nga kayo dito! Bakit ba kayo nandito ha? Mga putang ina n'yo!" Angil ni Celso at naghagis ng bangko sa pinto.
"Ay!"
Saka nagpulasan ang mga tsismoso't tsismosa.
Napabilib siya nito. Minsan kapag nasa ganitong sitwasyon pala, lumalabas ang tapang ng isang taong mahina ang loob. Napailing siya. Napahanga siya kay Celso.
"Hindi pa rin kami papayag. Kita n'yo ang mga tao, pinag-uusapan na kayo! Di ba kayo nahihiya?" Si Aling Selya na nanenermon na naman.
Saka siya nakialam. Tumikhim siya at lumapit sa dalawa. "Buti pa, idaan na lang natin sa barangay. Dumulog kayo dun, Aling Selya at Aling Gloring,"
"Glo,"
Tinama pa siya. "Aling Glo, pumunta kayo dun at kung gusto ninyo, magsama pa kayo ng pulis,"
"Romeo, ano 'yon? Pakukulong mo 'ko? Akala ko ba kasangga kita," bumulong ito sa kanya.
Nagdududa na tuloy ang dalawang matanda. "Ano yun? Anong ibinulong mo?" Urirat ni Aling Selya.
"At yung sa kaso naman ni Shiela, pwede rin siyang magsampa ng kaso laban sa inyo. Kahit pa hindi iyon natuloy, may motibo pa rin kayo kaya hindi kayo lusot. Anong gusto n'yo? Tatlo kayong makukulong? Kawawa naman si Shiela, mawawalan na ng tiyahin, mawawalan pa ng ama ang dinadala niya."
"Ano?!" Lumapit si Selya at hinampas ng matigas na bakya ang pamangkin. Nasangga naman ni Celso at iniwas ang nobya. "Nagpabuntis ka sa lalaking patpatin pa! Di ka na lang pumili ng maayos-ayos kung si––"
"Si Mang Kulas? si Mang Rigor? Mga matatanda ang gusto n'yo para sa 'kin para madaling mamatay, ganun ba Tiya? Dahil ba kating-kati kayong magkapera!? Kayong dalawa ni Tiya Gloring! Kayong dalawa, wala nang ibang lumalabas sa bibig ninyo kundi pera, pera!! Mas gugustuhin ko pang si Celso ang maging ama ng mga anak ko dahil alam kong di niya ako pababayaan!" Singhal ni Shiela.
"Aba lumalaban ka na ha! Anong bang pinagmamalaki mo ha? Yang patpatin mong nobyo!" Bulyaw ni Aling Gloring.
"Tumigil na kayo!" Sigaw niya. Lahat sila nanahimik. "Pare-pareho kayong hindi matatahimik kung hindi ninyo tatanggapin ang mga mali ninyo." Tumingin siya kay Celso. "Siya, sinabi niyang pananagutan niya si Shiela. At si Shiela, inaming hindi siya pinuwersa. Dise-nuwebe na siya, hindi na siya menor de edad kaya may karapatan na siyang magdesisyon sa sarili niya, ngayon kung gusto ninyong habulin pa siya ay baka humaba pa ang usapan. Gusto n'yo bang pare-pareho kayong matanggal sa trabaho?"
Natigilan ang dalawang matandang babae at namutla. Sa wakas, natakot din.
"Kung ayaw ninyong mag-ayos, sige. Walang problema sa'kin pero wag na wag kayong aasang may lugar pa kayong tatlo lalo na kayong dalawang matanda, dito. Kilala n'yo ang may-ari nitong lupain, alam n'yo ang patakaran, ngayon kung gusto ninyong manatili, magbati na kayo. Dahil hindi ninyo maitatago ito kay Hector. Tatanggalin niya ang kahit anumang magdadala ng gulo dito." Pananakot niya.
Nanahimik na ang lahat. Buti naman. "Ngayon, may kasunduan na ba tayo?"
"Anong kasunduan?" Sumingit ang baritonong boses ni Hector. Bakit parang nagkakagulo dito?"