Chapter 7

3056 Words
"Ganun na lang ang gagawin natin, Malinaw ba?" Tumango lang ang apat na kausap ni Hector. "Ang sabi ko, malinaw ba?" Pag-ulit nito. "Opo, sir." Usal nilang apat na sabay sabay pa. "Mabuti, ngayon." Tumayo na ito at iginala ang mga mata. "Dumito muna kayong magkasingtahan, tutal ipinarerenta ito sa'yo Estong." Tinapik nito si Celso na nakaupo at wala pa ring imik matapos marinig ang mga sinabi nito. "Opo," Tumango si Hector at dumako ang mata kay Romeo na kanina pa nakatayo sa may b****a ng pinto. "Makakabalik na kayo sa trabaho. Ayokong makakarinig ng kahit na anong away o nagsisimula ng gulo," nagbabantang tingin ang ipinukol nito sa dalawang matandang malungkot at di nagsasalita. "Maliwanag?" "Maliwanag po," Unang lumabas ng kubo si Hector sunod ang dalawang matandang babae na padabog pang inihakbang ang paa sa limang baitang na hagdan. "Sabi ko sa'yo, magiging maayos ang lahat di ba?" Mahinang usal ni Celso kay Shiela na napangiti na rin. Tumango na lang ang dalaga at hinawakan ang mga kamay ni Celso. "Hindi ako nagsisising ikaw ang pinili ko, Celso." "Ako din, masaya akong ikaw ang mapapangasawa ko, Shiela." Tumikhim siya. Balak pa yatang maghalikan sa harap niya. Nahalata ng dalaga kaya namula ang pisngi. "Kapag tapos ka na sa mga pinagagawa ni Hector, dumaan ka sa villa. May ipapabili sana ako." "Walang problema Romeo," tumayo ito at kinamayan siya. "Salamat sa pagtulong mo. Kung wala ka, baka naitak na ako ni Aling Gloring." Tinapik naman niya ang balikat nito. "Wag mo nang intindihin yun," saka tumingin kay Shiela. "Congrats sa kasal at sa magiging anak n'yo." Namula pareho ang mukha ng dalawa. Naalala siguro ang nangyari sa kanila noong nakaraang gabi. "No ka ba, parte yan ng pag-aasawa. Di ba ikaw na rin ang nagsabi, pananagutan mo ang nangyari sa inyo, nakalimutan mo na bang kapag kayo ay nagsiping, may mabubuo." Nahiya tuloy ang dalaga pati si Celso na ngingiti-ngiti. "Alam mo na rin pala," "Kalat na kalat na, saka sa'yo na rin nanggaling. Noong birthday mo pala, ikaw ha." Para itong tangang nahiya at natawa. Maging ang dalaga ay nangingiti. "O, paano, babalik na 'ko sa trabaho. Wag mong kalimutan ah." Pababa na siya ng hagdan nang matanaw na nakatayo pa rin si Hector sa di kalayuan. May tinatanaw o nagmumuni-muni. Hindi niya mabasa ang taong iyon. "Bakit nandito pa kayo, wala po bang iniutos ang amo n'yo?" Bahagya itong bumali ng leeg para tingnan siya bago hinithit ang sigarilyo. "Balita ko, nagkakainitan kayo ni Tata Filo." Napaamang siya pero di niya itinanggi. "Hindi ko makasundo. Hindi siya sumusunod sa mga sinasabi ko, nirerespeto ko na mas matagal siya sa'kin pero," huminga siya ng malalim. "Hindi ko alam ang pinanggagalingan niya at wala naman akong pake kung galit siya sa 'kin pero wag niyang idamay yung trabaho ko. Dalawang araw na lang, tapos aalis na ako." "Gusto kita bata," humarap ito at tinapik siya sa balikat. "Marunong kang humawak ng tao at magpahupa ng gulo. Nagustuhan ko ang ginawa mo." Saka ito tumalikod. "Bukas, dadaan ako sa villa. Gustong pakunan ng camera ng boss ko yung gawa mo. Sana hindi siya madismaya at kunin ka pa ulit niya." "Kunin ulit?" Nalilito siya. "Anong ibig mong sabihin?" Napalakad tuloy siya ng ilang hakbang palapit dito. "Malalaman mo rin." ############# Matamang nagmamaneho si Hector pabalik sa mansyon. Huminto lang siya sa gate na may bantay ng dalawang guwardiya at camera sa itaas ng gate. Pinatuloy naman agad siya at sumaludo pa ang mga ito. Pinasibad na niya ang kotseng itim niya. Habang papasok na siya sa mahabang daan patungo sa mansyon, napalingon siya sa may bandang passenger seat. Tumagal ng isang segundo bago niya ibinalik ang tingin sa daan. Pumikit siya saglit at sinamyo ang car freshener. Pero bukod pa roon ang naaamoy niya. Ang pabangong gamit ng amo niya at ang mahalimuyak nitong dagta habang inaararo niya sa kotse nitong nakalipas na tatlong araw. "Victoria," nabigkas niya. Naalala niya tuloy ang mga tagpong iyon. Nasa balkonahe noon ang naka-nighties na si Victoria habang naninigarilyo at umiinom ng alak. Gawain na ito ng amo niya na pangtagal ng stress. "Umiinom ka na naman," usal niya habang ipinapatong sa mesa ang ilang folders na naglalaman ng ilang mahahalagang papeles na kailangan niyang pag-aralan. Bukod kasi sa tagapangasiwa ng lahat ng tauhan sa plantasyon at lahat ng ari-arian ng pamilya Aswaldo, siya rin ang legal na abogado ng pamilya. "Wala kang pakialam," malamig na tono nito. Huminga siya ng malalim. "Siya nga pala, malaki na ang naging improvement ng stocks natin sa ibang bansa, mula sa mababa, naging kalahati ang naging pagtaas, 55 percent ang itinaas." "Wala akong pakialam sa mga negosyo ni Mama, ang gusto ko lang mapag-isa. Kung wala ka nang sasabihin bukod sa negosyo, umalis ka na," pagputol nito. Masama na naman ang timpla. Sa isip isip niya. "Nag-away na naman ba kayo ni Donya Corazon?" Padabog nitong inilapag ang baso sa mesang nasa balkonahe. "Hindi ko maiintidihan si Mama, bakit kailangan niya pang makisawsaw sa buhay ko, binigyan mo na't lahat ng luho at kayamanan, di pa rin sapat sa kanya?" "Ano na naman bang pinag-awayan n'yo?" Umiwas ito ng tingin. "Tungkol kay Hadji, gusto niyang magkaanak kami. Ayaw ni Mama na makawala si Hadji sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ba ang hirap niyang umintindi na hindi ko nga mahal ang lalaking iyon. Ginamit ko lang naman ang matandang iyon para magkapera. Saka paano pa ba tatayuan ang uugod ugod na matandang iyon. Ni hindi na nga makaiyot sa'kin dahil sa sobrang taba, kung gusto niya, sila ang magsama, tutal siya naman ang may gustong magkaanak sa kupal kong asawa." "Baka naman gusto niya lang sabihin na mag-anak ka pa, hindi pa sapat na kayong dalawa lang at si––" "Hindi pa ba siya nakuntento kay Maria? Kulang na lang ipaalaga niya sa sampung katulong, masyadong maalaga ang magka-anak, eh kung hindi nga lang ako nabuntis ng hayop na manyakis na iyon, baka hanggang ngayon, maganda pa ang katawan ko." "Matanda na ang Mama mo, intindihin mo na lang." "Saka ito tumingin sa kanya. "Bakit ba hindi mo 'ko inanakan, Hector." Nagulat siya at napalunok na lang. "Hindi mo gugustuhing malaman ang rason," hindi nito pwedeng malaman. "Bakit? Ikaw naman ang una kong..." Lumapit ito sa kanya. "Nakita mo ang nangyari sa buhay ko, nasira mula nang paghiwalayin tayo ni Mama," ginagap nito ang kamay niya. "Bakit mo ba ako iniwan?" Natahimik siya at piniling lumayo. "Hindi mo na kailangang malaman," "Hector!" Yumakap ito sa likod niya. "Bakit ba hindi tayo nagkatuluyan? Wala ka namang minahal buhat sa'kin." Pumikit siya at pinigtas ang pagkakahawak ng kamay nito sa baywang niya. "Dahil hindi ako nararapat sa'yo, Victoria." Lumakad na siya palayo ngunit pinigilan siya nito. Isinara nito ang pinto. "Bakit hindi natin ibalik ang dati, Hector. Noong mga bata pa tayo," saka hinimas ang mga braso niya. Nalanghap niya ang amoy ng alak sa hininga nito. "Marami ka nang nainom, magpahinga ka na." "Hector," hinimas nito ang mukha niya. "Halikan mo 'ko, kung gusto mo pa 'ko," inilapit nito ang mukha sa mukha niya. "Angkinin mo ulit ako tulad ng dati," hindi na ito naghintay at sagot niya at hinalikan siya nito sa labi. Malumanay at mabagal. Nakasara ang bibig niya at hindi niya binigyan ng motibo. Hanggang sa gumalaw na ang mga kamay nito sa likod niya pataas at ang isa naman ay sa umbok na harap niya. "Ahh," mahinang ungol niya habang ikinikiskis ng palad nito sa ulo ng ari niya. Napapikit siya at nag-isip. "Alam kong alam mong....ikaw lang ang minahal ko, Hector." Bulong nito sa tenga niya. Nakiliti ang p*********i niya at unti-unti nang nabubuwag ang pader na binuo niya. "Victoria," kaya sa isang iglap, hinapit na niya ito at isinandal sa likod ng pinto. Ipininid sa bisig niya at sinimulang gantihan ang pag-aakit sa kanya. Halos maulol siya nang idinikit nito ang tayong tayo niyang ari sa manipis na harang ng p********e nito. Kinapa niya ang gitna ng hita nitong basang basa na. Napatingin siya sa mga nakapikit na mga mata nito at bumulong. "Hindi kita pwedeng angkinin dito," Kaya lumabas sila at sumakay ng sasakyan. Nang makalayo na sa mansyon, saka niya ito trinarbaho. "Gaya ng dati, sa ilalim ng buwan," usal niya habang hinuhubad ang manipis na kasuotan nito. Nakatanggal na ang satin robe nito at kasalukuyang hubo't hubad nang nasa harap niya. Saka siya nagtanggal ng damit. Doon sila sa kotse nagparamdam ng nag-uumapaw na damdamin at nagparaos ng nagliliyab nilang mga katawan. Nang hindi pa nakuntento, inilatag niya ang kanyang suot na Amerikana sa damuhan at dun niya ipinagpatuloy ang pag-araro sa malambot na katawan nito. Sinupsup niya ang malaking dibdib nito, habang ibinabaon ang apat na daliri niya sa kabibe nito. Hiyaw at ungol ang tanging lumalabas sa bibig ng kasiping niya. Ninamnam niya ang sandaling iyon hanggang labasan ito. Gusto na rin niyang makapagparaos. Itinutok, ipinasok at inilabas. Paulit-ulit niyang tinusok at inarok ang kaibuturan ng kaligayahan nilang dalawa. Paulit-ulit niyang niromansa at inilabas ang mga pagnanasang matagal niyang itinago at pinigilan. "Victoria! Victoria!! Ansarrap mo pa ring kantutin!!" Habang binabayo niya ang nakatuwad na hiyas nito. "Ah! Ahhh! Hector!!!" Matagal silang hindi nakapagtalik buhat ng magpunta ito sa Cairo para bisitahin ang nakaratay nang si Hadji, ang esposo nito sa papel. Wala nang balak na bumalik sa bansa ang asawa nito dahil nga sa kondisyon nito kaya malaya na siyang makakalapit sa amo niyang kababata niya at unang kasingtahan. Ang unang babaeng ginalaw niya at ang huling babaeng mamahalin niya. "Hector," hangos nito matapos ang mahaba-habang pagmamahalan nila. "Victoria," habol na hininga niya habang hinihimas ang pawisan nitong buhok. "Magsama na tayo, malapit nang mamatay si Hadji, magiging malaya na ako sa kanya." Tinititigan niya ito at hinalikan sa noo. "Hindi papayag ang Mama mo," "Dalawang pu't limang taon, ganun na katagal, Hector." Ginagap nito ang mukha niya. "Hindi na ako makakapaghintay pa ng mahigit pa ron," hinalikan siya nito. "Hindi na ako makakapayag na mawala ka pa sa'kin." Nang idilat ang mga mata ay nasa gilid na siya ng kalsada kaya ipinaling niya pakanan. Muntik na siyang mabangga sa puno. Huminga siya ng malalim saka nagpatuloy sa pagmamaneho. Nasasabik na siyang makita ang magandang mukha at hubad na katawan ni Victoria, alam niyang hinihintay na siya nito. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na siya ang kalaguyo ng amo. **************** "Hindi ko nga in-expect yun, bakit ba ayaw mong maniwala?" Yamot na paliwanag ni Romeo sa katawagan niya habang hinahawi ang buhok mula sa noo. Nainis siya sa pag-iyak nito. "Please naman, Rica! Hindi naman ako....makinig ka, ginagawa ko naman 'to para sa 'tin, kailangan kong kumita ng pera, kailangan ko yun para sa'tin! Ano ka ba..." "Sabihin mo, may-iba na ba?" "Wala! Wala akong babae dito! Bakit ba ayaw mong maniwala?!" "Paano ako maniniwala, ilang beses ka nang...di bale na, kung gusto mong mabuhay ng walang patutunguhan, bahala ka na sa buhay mo." Saka nito ibinaba ang tawag. "Anak ng..." Kaya i-din-ial nito ulit ang numero nito. Busy tone na lang ang naririnig niya. Inulit niya tawag at naging out of reach na. Pinatayan siya ng telepono. "Buwisit!" Naihagis iyon sa sobrang inis niya at nagkahiwa-hiwalay ng tumama sa matigas na dingding ng kwarto niya. Napaupo siya sa gilid ng kama niya at malalim na nag-isip. Kung kailan kasi hindi na siya tumitingin sa iba, saka pa ito nagselos. Alam niyang kasalanan din niya dahil nga babaero siyang malala at marami nang naging ka-partner sa s*x na walang commitment. Pero kung kailan handa na siyang mag-commit, saka pa nagkakandaleche-leche. "Kaya ayoko makipagrelasyon, ito yung iniiwasan ko!" Inihampas niya ng hinubad na T-shirt niyang suot niyang pinangtrabaho. Maghapon siyang nagtrabaho at talagang pagod na pagod siya tapos ito pa ang maririnig niya. Matagal siyang nag-isip at pilit na iniintindi ang sitwasyon. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ito nagkakaganun, laging tamang hinala. "Patay kang bata ka, buntis nga yata siya," agad niyang pinulot isa-isa ang piraso ng cellphone niya. Binuo niya iyon at tiningnan kung gagana pa. Mabuti at yung tempered lang ang nabasag. Binuhay niya at sinubukang tawagan ulit. Hindi pa rin sumasagot. Kaya binuksan niya ang Messenger niya at i-ch-in-at niya. "Rica," Hindi to nag-reply. Nag-isip siya ng kung paano niya tatanungin ito. Huminga siya ng malalim. "Rica, buntis ka ba?" hindi niya mai-send. Buburahin niya sana kaso imbes back curser, send ang napindot niya. Wala na siyang magagawa. Hinintay na lang niyang mag-OL ito. Mayamaya'y nabasa na nito. Nag-abang siya kung anong isasagot nito. Nagta-type na ito. Halos di siya humihinga hangga't mag-reply ito. "Hindi," Saka lang siya nakahinga. Kung ganun, mali pala siya. "Rica, sorry na. Please, kausapin mo na 'ko." "Sorry rin Romeo. Pero, sa loob ng dalawa't kalahating linggo, nakapag-isip isip na 'ko. Siguro nga hindi nga tayo para sa isa't-isa." "Are you breaking up with me through chat??" "Ayoko nang maghintay na magbabago ka." "Babe, please naman! Wag naman ganito!" "I have to move on with my life now. Siguro dapat ikaw rin." "Rica, Rica please babe," Hindi na ito nag-reply at nag-out na. Hinintay niya na mag-ilaw ulit ang cellphone para sa text o tawag nito. "Talaga bang ayaw mo na sa'kin?" Huminga siya ng malalim. Mabigat ang loob niya. Ngayon lang siya nakaranas ng ganito. Hindi niya maipaliwanag pero naiinis siya at nalulungkot. Talaga ba? Isang Rica lang ang magpapaiyak sa'yo? Pinahid niya ng marahas ang luhang tumulo sa mga mata niya. "Kung ayaw mo sa'kin 'wag! Sino bang tinakot mo?" Tumayo siya at tinungo ang banyo. Binuksan niya ang shower at hinayaang bumagsak ang tubig sa buong katawan niya. Hindi niya maiwasang maisip ito at ang mga alaala na kasama ito. Hindi siya makahanap ng dahilan para mawaglit ito dahil nga ito lang ang naniwalang mabuti siyang tao. Hindi na niya pinigilan ang sarili na umiyak dahil na rin siguro minsan, ang lalaki kapag natututo nang magpahalaga sa isang tao, ayaw na nitong basta basta mawawala. "So this is my karma huh," usal niya habang nililinis ng sumasagitsit na tubig ng shower ang pagod niyang katawan at lugmok na kalooban. ################ Lumipas pa ang mga araw na hindi sila nag-uusap ng nobya. Ayaw na nga siguro ni Rica sa kanya. Sayang, kahit na hindi niya lubos na mahal, gusto naman niya itong alagaan at subukang mahalin. Hindi naman siya manhid. May nararamdaman din naman siya para dito dahil hindi naman siya masasaktan ng ganito kung hindi rin niya minahal. Nagpakatino siya kahit mahirap kaso wala lang pala iyong silbi. Ano pa bang ginagawa niya dito? Nawalan na siya ng ganang magtrabaho. Para saan pa? Iniwan na siya ng babaeng pakakasalan niya. Na-extend kasi ng dalawang linggo pa ang pananatili niya dito. Nagulat din siya, yun ang pinag-usapan nila ni Hector isang linggo nang nakakalipas. Iyon yung pinaliliwanag niya sa nobya dalawang araw bago siya ma-extend. Hindi ito naniwala. Sana sinabi na lang niyang ayaw na niya para di na daw ito umasa. Dun siya nayamot at nag-umpisang makipag-bargain. Hindi naman talaga siya nagluluko. Hindi na rin nga masyadong nag-iinom at nagpapaplano na ng gagawin niyang surpresa niya na dito na sana niya yayain magpakasal. Sa buryong niya, nasigawan niya. Dun nag-umpisa ang away nila hanggang natuluyan na. Huminga siya ng malalim. Saglit niyang ipinahinga ang isip. Hindi na niya alam ang gagawin niya sa totoo lang. Kung trabaho lang naman, marami naman siyang makukuha sa Maynila. Di na kailangang lumayo. Yun ba ang ikinatatampo ni Rica? Itinusok niya ang gardening spade sa lupa. Nagbubungkal kasi siya ng lupa para sa itatanim na gardenia. Tumayo siya at hinubad ang gloves na suot saka tumingin sa malayo. Di pa rin talaga siya makapaniwalang nangyayari ito sa kanya. Sanay siyang mang-iwan at wala namang naging problema. Ngayon lang na kung kailan matino ang isip niya saka pa siya iniwan. "Tang ina, pag-ibig na ba 'to?" Usal niya habang tinuntungo ang pabalik sa orchard. May nasalubong siyang babae na inaabutan siya ng maiinom. "Palamig ka muna Romeo," alok nito. Ngumiti siya ng matabang. "Salamat, Celia." Kinuha niya ito at ininom ang juice na alok. "Maganda na ang hardin, siguradong matutuwa si Donya Corazon." Ngumiti lang siya ng mapakla. Wala siya sa mood makipag-usap. "Ano bang problema? Bakit ba nakahaba ang mukha mo?" Pangungulit pa nito. Umiling lang siya. "Wala," saka ito nilagpasan. Marami rin siyang nadaanan na mga katulong na naglilinis. Tumigil saglit ng makita siya at sabay pang kinilig saka sila nagpatuloy sa ginagawa. Inilapag niya ang basong hawak sa mahabang island ng kusina saka siya pumasok sa kwarto niya. Matagal siyang tumitig sa sarili niya sa salamin. Saka siya naghubad. Hindi niya alam na nakasilip si Celia sa pinto ng kwarto niya. Itinira niya lang ang boxer niya saka pumunta sa banyo. Naligo siya dahil may gusto siyang puntahan. Kung papalarin, baka makaluwas siya saglit para mapuntahan ng personal ang nobya. Hindi kasi siya mapakale. Nang lumabas siya ay naka-towel na lang siya. Saka niya lang napansin iyong nakasiwang na pinto. May nahagip siyang mukha na nakasilip. Nang lumapit siya ay biglang nawala. Kaya binuksan niya ang pinto. Wala siyang nakita. Hindi na niya pinansin. Baka isa lang sa mga katulong na may gusto sa kanya. Wala siya mood makipaglaro sa kanila dala ng bigat ng pakikipagkalas ng nobya. Nagpatuloy na siyang magbihis matapos kabigin ang pinto. Naglalakad na siya palabas. Nasalubong na naman niya ang mga katulong. Nasa pinto na siya nang harangin ni Harriet. "May lakad ka? Paano ang trabaho mo?" "Magde-day off muna ako, tutal kahit Linggo, nagtatrabaho ako." Palagpas na siya dito. "Sino naman ang may sabing pwede mong gawin ang gusto mo sa kahit anong oras?" "Hawak ko ang oras ko, huwag kang mag-alala, babalik ako." Matabang na tugon niya saka siya tuluyang lumabas. "Nakakainis! Bakit ba kasama ko dito ang mga babaeng iyon?" Bulong niya sa sarili habang naglalakad. Noong isang linggo pa niya kasi kasama ang sampung katulong ng matandang amo niya. Nauna na raw para linisin ang villa. Naging sentro tuloy siya ng atraksiyon ng mga ito pwera lang sa matandang mayordoma. Natural na masungit at suplada. Napakastrikta, kung makaasta akala niya amo. Napailing na lang siya. Ayaw na niya dito. Wala nang magandang nangyayari sa kanya dito. "Magpapaalam na 'ko kay Hector." Iyon ang planong nasa isip niya habang inihahakbang ang mga paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD