Chapter 8

3260 Words
"Talaga bang di na magbabago ang isip mo?" Napahinto siya sa pag-aayos ng gamit at nilingon si Celia, na nasa bungad ng pinto ng kwarto niya. "Kailangan kong makausap ang nobya ko, may mga bagay kaming dapat pag-usapan at hindi ko magagawa yun kung nandito ako." Matabang na tugon niya. Nagpatuloy siya sa pagsuksok ng damit sa bag niyang itim. Iyong mga toiletries niya at pabango ay isiniksik niya sa bulsa ng pangalawang zipper ng bag niya. "Sana maayos n'yo pa yung problema n'yo. Kapag ba nagbati kayo, babalik ka pa dito?" "Magpapakasal na kami, siguro hindi na. Baka makahanap na ng iba ang agency na ipapalit sa'kin." Pagkasara ay isinukbit na niya sa likod niya saka binitbit ang isa pang gym bag niya saka tumayo. Napaatras siya nang biglang sumulpot ito sa harap niya. "Talaga bang iiwan mo na kami dito?" Nangingilid ang luha nito. "Pasensya na, Celia. May kasintahan na 'ko. Humanap ka na lang ng iba." Hinawakan niya ito sa balikat. Akala hahalikan o hahagkan niya kaya pumikit pero iginilid niya lang dahil dadaan siya. Naglalakad na siya palabas ng hardin ng tawagin siya nito. "Romeo!" Lumingon siya. "Kailangan ko nang umalis Celia." "Kung sakaling magbalik ka, nandito lang ako para sa'yo," patatapat nito na may kasamang luha. "Paalam, Romeo." Hindi na siya sumagot at naglakad na siya ng diretso. Nakaabang na ang sasakyan maghahatid sa kanya sa bayan kung saan siya nagpa-book ng flight pa-Maynila. Sumenyas lang siya kay Mang Nando ay umandar na ang mulitcab na ginagamit nitong service kapag namamalengke. "Si Celia ba yung kausap mo Dong?" Di siya umimik, malalim pa rin ang iniisip niya. At pinakamalaking parte nun ay si Rica. Hindi siya naniniwalang di na siya mahal nito. Iba ang kutob niya, at gusto niyang malaman iyon dahil hindi na siya pinapatulog nito sa gabi. "Mukhang malakas ang tama nun sa 'yo ah," sumilip pa ito sa rearview ng sasakyan nito. Hindi na niya pinansin. Wala siya sa mood makipag-usap. Hindi pa rin mawala sa isip niya ng huling usap nila ng nobya. "Di mo ba kursunada? Magsalita ka naman Dong, magmukhang tanga na 'ko dito." Anito na parang nayamot na sa bisayang tono. "May nobya na ako, Mang Nando." Napatingin lang ito at tumango. "Ah, kaya pala." "Pero sayang sana si Celia, wala pang asawa, bata pa. Ang alam ko, nakapagtapos naman iyan pero di ginamit, aniya malaki pa daw ang sahod ng maid sa mansyon kaysa caregiver. Ang alam ko, isa rin siya sa tumitingin kay––" "Malayo pa ba ang bayan dito?" "Ah, mga 10 kilometro. Tapos mula bayan hanggang kapitolyo, baka mga dalawang oras na biyahe." "Matagal rin pala." "Sana kasi, tinanggap mo na lang yung alok ni Sir Hector na ihatid ka gamit ng chopper nila. Mga isa o dalawang oras, nasa Airport ka na." "Di na, nung nakaraan pa naman ako nagpa-book, gabi pa naman ang flight ko." "Oh! Eh, alas diyes pa lang ah! S'an ka titigil kung ganun?" "Sa mga hotel na lang na malapit," "Naku kung gusto mo, dumaan ka sa bahay ni Celso, ang bahay niya sa bayan ay sa magulang niya. Yung sa kapitolyo ang bago niyang patayo, baka dun na sila tutuloy ng nobya nito. Sayang, di mo ka na aabot sa kasal." "Oo nga eh, pero nagpahatid na 'ko ng pagbati sa kanya." Tumawa ito at nailing. "Tamo nga naman, sinong mag-aakalang magkakatuluyan din ang dalawa eh, kung mag-away ay aso't pusa. Dati ko pa nararamdaman na may gusto sila sa isa't-isa." "Marami ngang di na nagulat." Naalala niya tuloy yung unang gabi ng dalawang tinutukoy nito. Naroon pa siya nang mangyari iyon. Naikwento niya iyon sa kaibigan kaya namutla. Tinawanan niya lang at sinabihan siyang 'wag ipagsasabi na siya ang nagturo na magpakita ng motibo sa unang pagkakataon. Halos matawa siya nang magkwento ito tungkol sa mga una't dalawang linggo nilang nagsasama. "Aba'y matapang nga si Shiela, di nagpapadaig. Sa trabaho, ako ang nagawa sa bahay at siya naman ang magpapahinga dahil pinagod ko daw siya." "Ganun? Naku, nangangamoy under the saya ka p're," Ngumisi ito. "Okay lang, basta nakakatikim ako ng tahong sa gabi at nakakaisa ako, kuntento na ako, ang bata ng napangasawa ko, sariwang sariwa." "Natututo ka na ah," "Siyempre, ikaw ang nagturo." "Alam mo ba simula nang umalis na sa poder nila si Shiela, naging bugnutin na si Selya. Aba, pati ako, sinusungitan na." "Grabe naman, halos tatlong linggo nang nakakalipas ah. Di pa rin siya nakaka-move on?" "Hindi naman yun tumatanggap basta basta ng mga salita. Matigas ang ulo at may sariling mundo. Ewan ko ba, siguro kaya di na nakapag-asawa. Ang hirap intindihin." Nang mabanggit iyon ay saka niya bumalik sa alaala niya si Rica. Sa pagkakakilala niya dito, hindi kaya naiinis ito dahil hindi nito nakuha ang gusto nito? Baka talagang gusto na nitong magka-anak agad sila? Di kaya ganun yun? Napatingin siya sa di kalayuan. May nadaanan silang gazebo na parte ng mansyong nadadaanan nila. Napatitig siya sa mga tao roon. Saka niya napansin si Hector sa kalayuan may kausap. Inilapit niya ang mukha niya at dinungaw sa bintana ang kausap nito. "Si Angeline yun ah," Kapag titingnan sa malayo, parang hindi ito yung huling nabanggit niya pero maganda at nakadamit ng pambabae. Hindi nga lang iyong isinusuot ng tipikal na babae. At mukha itong mas bata. "Ay, si Maria yan. Apo ni Donya Corazon." Napasilip na rin si Nando. "Maria?" Napatingin siya kay Nando tapos dun sa babae. Yun nga lang malayo at nakalagpas na sila. "Oo, amo rin natin yan. Siguro ipinapasyal ni Hector. Mahilig kasi sa magandang tanawin yan si Maria." "Kanino siyang anak? Sa ibang kapatid ni Angeline?" Napatingin ito sa kanya na para bang nakakaluko. "Walang ibang kapatid si Ma'am Victoria, solong anak yun ni Don Emilio at Donya Corazon." "Ha? Ibig sabihin.." Napalingon siya sa likod ng sasakyan kung saan nasa likuran na nila ang mansyon. "Anak ni Angeline Brilliantes yun?" "Oo, anak niya sa unang nobyo. O baka pangalawa, ay basta. Sa dami ba naman ng lalaking dumaan sa babaeng iyon, di na namin alam." Saka sumenyas na parang sekreto iyon. "Basta, 'wag ka lang maingay at 'wag mong ipagsasabi. Hindi kasi nila ipinakikilala si Maria sa publiko." "Bakit naman? Eh matagal naman na siyang hindi sikat, yung asawa naman niya, taga-ibang bansa at di na halos nakakapunta dito sa Pilipinas." "Basta, ilihim mo lang. Kundi, mayayari ka." At sumenyas pa ng gilit sa leeg. "Ganun," ********************* "Marami ka pa bang ginagawa?" Tanong ni Victoria habang pinapanood si Hector na nagliligpit ng mga papel sa mesa nito. Isinara na rin nito ang laptop nito at may inilagay sa hunos ng desk nito. "Bakit, may ipapagawa ka ba?" Anito sa malamig na tono. Nadismaya siya dahil naging malamig na naman ito magmula nang dumating ang kanyang ina at ang pabigat niyang anak. "Wala naman, gusto lang kitang makita." Aniya at lumigid sa pwesto nito habang ipinadadausdos ang dulo ng daliri niya sa kanto ng desk nito. "Marami akong ginagawa, kung di naman importante ang sasabihin mo, iwan mo na 'ko," Napaikot niya ang mga mata niya at piniling maupo sa gilid ng desk nito. "Kailan ka ba hindi naging busy? Parati na lang 'yang papel at ballpen ang hawak mo, kundi ka naman nagkukulong dito, lagi kang nasa field. Iniiwasan mo ba 'ko?" Huminga ito ng malalim. "Alam mo na ang sagot ko sa tanong mo, kaya sa tingin ko di mo na kailangan pang marinig." Binuklat na naman nito ang isang makapal na kopya ng ledger sa ibabaw ng mesa at nag-umpisang magbasa. Nainis na siya kaya kinuha niya iyon at inihagis sa malayo. Tumilapon iyon sa kabilang dako malapit sa bintana. Nagulat ito pero dahil kilala na siya at ang mga sumpong niya, bumuntong hininga na lang ito. "Ano bang gusto mo? Victoria." "Ano ang gusto ko?" Dali dali siyang umikot at itinulak ito sa sandalan ng upuan nito saka kumandong. "Gusto kong magtalik tayo ngayon pero mukhang wala kang balak na pansinin ako." Iniliyad niya ang kanyang malulusog na dibdib. "Hindi mo ba nararamdaman ang pagnanasa sa katawan ko, Hector." At idinikit pa niya ng husto saka umurong ng kandong dahil baka mahulog siya. "Napakatagal ng naging pagmamahalin natin, ngayon ka pa ba matatakot, Hector?" Nag-umpisa na siyang halik-halikan ang mukha, leeg at hinawakan ang dibdib nito. "Ano pa bang kailangan kong gawin para maging akin ka?" Habang bumubulong sa tenga nito. Hinawakan siya sa balikat nito at inilayo ang katawan sa kanya. "Nababaliw ka na, maraming mga mata at tenga ang bahay na ito. Gusto mo bang may makakita na naman sa'ting dalawang nagkakantutan? Sa opisina ko pa, hindi ka ba nag-iisip?" Saka siya nito itinayo. "Kung wala kang magawa, bakit di mo na lang alagaan ang anak mo? Hindi puro kakatihan 'yang umaandar sa isip mo!" Singhal nito saka siya tinalikuran. Napahiya siya. Sa pangatlong pagkakataon na tinangka niya itong akitin. Naiiyak na siya pero hindi pa rin siya nito pinansin hanggang sa papalabas na ito ng pinto. Nilingon niya at tinangkang habulin ngunit sa pagtatangka niya ay marami siyang nakasalubong na mga kasambahay na walang ginawa kundi maglinis. Malinis naman ang bahay niya kaya nagtataka siya kung bakit sila nandun. "Umalis nga kayo sa harapan ko!" Mariing utos niya. Pakiramdam niya kasi, tinitiktikan lang siya ng mga ito at nagsusumbong sa magaling niyang ina. Ang magaling at pakialamera niyang ina na walang ginawa kundi kontrolin ang buhay niya. Buong buhay niya, hindi niya naramdaman na minahal siya ng kanyang ina. Napakahigpit nito sa kanya at puro pagkakaperahan lang ang iniisip nito. Iyon rin ang dahilan kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni Hector. Dise-nuwebe pa lang siya nang una siyang galawin ng bente dos anyos na si Hector. Ang binata ang nakaunang makatikim ng sarap at alindog niya noong nakatira pa sila sa lumang mansyon kung saan ito naninilbihan. Isa lamang itong anak ng kasambahay nila. Masipag, matalino at matipuno. Iyon si Hector. Naaalala niya pa ang una niyang sandali sa piling nito. Gusto niyang ibalik iyon dahil wala naman siyang inasam na kahit ano kung hindi ang pag-ibig nito. Magaling si Hector. Magaling sa lahat ng bagay. At higit sa lahat, malaki ang paghanga sa kanya na tinugunan niya ng todo todo, ultimo sarili niyang katawan ay inalay niya. Naaalala niya dati ang mga pagkikita nila ng palihim sa likod ng hardin kung saan sa pagtatagpo ay napupuno ng masidhing pagmamahalan. Parati siya nitong dinadala sa tugatog na langit at napupunan niyon ang mga kakulangan niya sa pagmamahal. "Ah! Ah! Ah!" Hiyaw niya sa sarap habang nakapatong at kinakantot siya ni Hector. "Sssh, 'wag kang maingay. Baka may makakita sa 'tin dito." Bulong nito sa tenga niya at ipinapagtuloy ang pagkabayo sa kanya. Dahan-dahan hanggang sa bumibilis. Bumibilis din ang t***k ng puso niya habang ipinapasok labas nito ang malaki nitong ari sa loob niya. "Gusto ko nang...gusto ko nang....ah! Ah! Ahhhh!" Tinutop nito ang bibig niya saka nito ibinaon ng malalim. Napatirik ang mga mata niya at saka nilabasan. "Ahhh!" Usal nito habang lumalabas ang likido nitong sumisirit sa kaloob-looban niya. Nang matapos sila ay agad nitong tinakpan ang kanyang katawan. "Magbihis ka na, kapag nagtagal ka pa dito sigurado akong hahanapin ka na naman ng iyong Mama." Anito habang isa-isang dinampot ang kanyang kasuotan na naglakat nang hubaran siya nito. Hindi ito kailan man naging agresibo sa kanya. Siya nga ang unang nagpakita ng motibo at gumapang dito isang gabi nang namamahinga sa kwarto nito. Napaupo siya habang nakatapi ang pawisang kamiseta nito. "Hector, ayoko na sa 'min." Pag-amin niya. Saka hinawakan ang kamay nito. "Itanan mo na 'ko. Tutal, nagsiping na tayo ng maraming ulit. Iuwi mo na ako sa inyo." Tinapunan siya ng tingin na tila ba biro ang sinabi o isang malaking kalukuhan. "Nagpapatawa ka ba? Hindi ka ba nag-iisip? Sa tingin mo saan ka unang hahanapin ng Mama mo? Malalaman at malalaman niya kung nasaan ka." Hinila nito ang kamay nito at saka tumayo. Nasaktan siya. Matapos ba nang lahat ng ginawa at isinakripsyo niya, ito ang igaganti nito? "Hindi mo ba ako mahal?" Napapaiyak na siya. Nilingon siya nito. "Pakiusap, 'wag mo akong iyakan. Hindi ko naman sinabing gusto kong makipagtalik, ikaw ang may gusto nito." Saka nag-umpisang maglakad. "Hector!" Tawag niya. "Matapos ang lahat lahat sa 'tin? Ganun na lang ba yun?" Huminga ito ng malalim. Saka bumalik at itinayo siya. Kinuha ang suot na long sleeve at ibinalot sa kanya. "Marami pa akong gagawin. Wala akong panahon sa mga drama mo," inayos nito at ibinutones hanggang leeg niya. "Kung wala kang planong umuwi, 'wag kang magpagala-gala ng nakahubad. Baka mahalay ka pa ng ibang trabahador." Saka ito tumalikod. "Hindi mo ba naisip na baka dinadala ko ang anak mo?" Napatigil ito. Alam niyang responsable ito at hindi nito hahayaang may isang nilalang na dumanas ng hirap gaya ng nangyari dito. Alam niyang sa sinabi niya, hawak na niya sa leeg ang binata. "Madali na lang iyon sulusyonan." Nilingon siya. "Ipalaglag mo," saka tuloy-tuloy itong naglakad. Hindi siya makapaniwalang sinabi ito iyon. Hindi siya nito pananagutan kung sakaling may mabuo sa kanilang pagtatalik. "Sandali! Hector! Hector! 'Wag mo 'kong talikuran! Bumalik ka!" Saka niya pinaghahagis ang mga damit niya ngunit ito huminto o lumingon man lang. Kung ganun, panandaliang aliw lang pala ang tingin nito sa kanya. Pampalipas-oras at parausan. Naikuyom niya ang mga kamay. "Hindi ako papayag na mawala ka 'kin. Akin ka lang." Di nagtagal at nalaman ito ng kanyang ina. "Nagpagalaw ka! Sa isang hamak na trabahador lang! Nasa'n na ba utak mo Victoria? Nasa paanan mo?" Bulyaw nito habang hinahampas ng kung anong mahawakan nito. Natamaan siya sa pisngi, braso, hita at kung saan saan pang parte ng katawan ngunit wala na lang sa kanya. Mas matindi pa ang inabot niya sa kanyang ama na minsan na siyang ibinitin patiwarik ng bata pa siya. Madalas mag-away ang mga magulang niya tungkol sa negosyo, pamilya at pera. Pera, pera, pera. Puro pera. Naisip niya, ang pagsasama ng mga magulang niya ay nag-ugat sa pera at nawasak din ng ganun kabilis gaya ng pagkakawasak ng puso niya. Manhid na siya. Hindi na siya nakakaramdam ng sakit. Puro pighati at poot ang narooon sa puso niya. "Hindi ba't ganun ka rin naman, Mama?" Usal niya nang nakataas ang noo. "Kung sino-sino ang kinalantaryo mo para lang makaahon sa hirap. Naswertehan mo lang si Papa, na kahit hindi ka minahal ay pinakasalan ka niya dahil nabuntis k––" Isang malakas na sampal ang lumatay sa pisngi niya. Saka siya dinuro-duro habang hawak ng isang kamay nito ang mukha niya. "Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan dahil hindi mo alam ang mga naging hirap ko! Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko! Anak lang kita!" Tumutulo ang luha niya ngunit wala pa rin siyang pakiramdam. Maski ang bumabaon na kuko nito sa pisngi niya. Binitiwan na rin siya nito at naglakad paikot sa kama niya. "Gagawan natin ng paraan 'yan. Bukas na bukas, sasama ka sa 'kin. May ipakikilala ang ninang mo na taga-Maynila." Tumawa siya ng mapakla. "So, gagawin mo rin ang ginawa mo noon sa 'kin?" Matalim na tingin ang ibinato nito. "Hindi mo 'ko binigyan ng kahihiyan, ikaw na malanding babae ka. Sa paraang iyon lamang mapagtatakpan ang kapalpakan mo, hindi ka na nga matalino sa pag-aaral maging sa buhay boba ka pa rin!" "Paano kung sabihin ko sa 'yong buntis ako?" Lalong nagalit ang ina at hinataw na naman siya ng hawak na abaniko. "Wala ka na bang magagawang matino? Nagpabuntis ka! Nagpabuntis ka!" Hindi niya ito inawat o nanlaban. Sawa na siyang lumaban. Tumigil lang ito ng mapagod at mabali ang gamit na abaniko. "Ipapalaglag mo yan. Ayokong mag-akyat ng mahirap dito sa pamamamahay ko! Naiintindihan mo ba?! Ha!" Singhal nito bago umalis at iniwang na siyang nakadapa sa kama. Bumabalik ang sakit ng mga sinabi ni Hector noong huli nilang pagtatalik sa hardin. "Talaga bang hindi mo 'ko mahal, Hector." Usal niya habang kinakapa ang tiyan niya. Nananalanging may nabuo ang pagmamahalan nila ng patago. Sa tuwing naaalala niya iyon, bumabalik din ang mga masasakit na nangyari sa kanya. Nagkanobyo siyang taga-Maynila. Isa itong sikat na producer ng pelikula at telebisyon. Saka nito iminungkahi sa kanya na mag-pose ng mga hubad niyang larawan para pagkakitaan. Ginamit lamang siya nito para kumita. Dun niya lang napagtanto na bading ito dahil ni minsan ay di siya ginalaw. Nakipaghiwalay siya dito pero hindi na siya umalis sa industriyang iyon doon lang siya nakatanggap ng paghanga at pagtanggap kahit minsan ay bastos at nakakababa ng p********e ang mga ginagampanang karakter. Wala siyang pake dahil wala naman na siyang dapat pang ingatan. Noong tumuntong siya ng edad bente kwarto. Kilalang kilala na siya sa mga pahayagang nagpapaskil ng hubad at mahalay na artikulo. Nakuha siya sa isang indie film na kinunan sa Baler, kung saan nakilala niya ang direktor na Swiso. Natipuhan siya nito at inalok na maging nobya. Hindi siya pumayag dahil isa lang ang nasa isip at puso niya. Si Hector. Ngunit sadyang mapilit ito kaya gumawa ng paraan. Pinainom siya ng droga at hinalay ng paulit-ulit sa paraang di niya matanggap. Hindi lang iyon, ikinalat pa nito ang mga pagtatalik nila sa buong bansa kaya nasira ang pangalan niya. Ang masaklap pa ay nagbunga ang pambababoy sa kanya. Tinangka niyang patayin ang bata sa sinapupunan niya ngunit huli na, malaki na ang tiyan niya kaya naman nagkaroon siya ng isang anak. Si Maria. Gaya ng ginawa sa kanya ng ina, hindi niya minahal si Maria dahil bunga ito ng isang kasalanan. Kasalanan na ayaw niyang tanggapin. Awtomatikong lumakad siya at hinanap ang mailap na lalaki. Isang linggo na rin mula nang hindi silang nag-s*x ni Hector. Tigang na tigang na ang hardin niya at kailangan niya ito para diligan ang nalalanta niyang bulaklak. "Nasa'n si Hector?" Tanong niya sa matandang babaeng nagdidilig ng halaman sa labas ng mansyon. "Naroon po, senyorita. Kausap ni––" Umalis na siya at di na pinatapos ang sinasabi nito. Saka tinungo ang gazebo kung saan naroon ang hinahanap niya at ang anak niyang di niya matingnan. Wala siyang ka-amor-amor. Ni hindi pinasuso sa dibdib niya. Hindi niya ito matanggap at sinisisi niya kung bakit di siya pinakasalan ni Hector. "Nandito ka lang pala." Pagkarinig ng boses niya ay agad tumakbo si Maria. "Mama!" Saka yumapos sa kanya. "Tigilan mo nga ako! Lumayo ka sa 'kin! Nasa'n ba ang mga bantay mo?" Saka nagsulputan ang mga maid na tumitingin dito. Sinigawan niya ang mga ito. "Ipasok n'yo nga si Maria! Nasisira ang araw ko, bilisan n'yo kundi patatalsikin ko kayo!" Dali-dali namang inalis at inalayo sa kanya ang anak. Naiiyak itong tumalikod at pumasok sa loob ng mansyon kasama ng mga bantay nito. Nakatingin lang ng matabang si Hector. "Hindi ka na ba talaga magbabago?" "Matagal na akong ganito. Dapat nga sanay na sanay ka na." "Wag mo namang ipakita kung gaano ka makasarili, hindi ka ba naaawa sa anak mo?" "Hindi ko siya anak, isa lang siyang pagkakamali na ayaw ko nang maalala." Umiling ito. "Hindi ka na nga magbabago. Wala ka nang pag-asa." Saka siya nilayasan muli. "Hector!" Sigaw niya ngunit di ito lumingon. Nainis siya dahil parati nitong ipinararamdam sa kanya na napakababa niyang babae at napakarumi. Hindi na ito gaya ng dati. Mainit at sabik sa kanya. Malamig at malayo na naman ang loob sa kanya. "Hintayin mo, Hector. Babalik ka rin sa 'kin. Babalik ka rin. At kapag nangyari iyon, ako naman ang hahabulin mo. Ikaw naman ang magmamakaawa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD