Chapter 9

4035 Words
Pagod na pagod si Romeo nang dumating sa condo niya. Kahit na ilang oras lang ang biyahe niya mula Dumaguete pa-Maynila ay tila ba patang pata ang katawan niya. Inilapag niya ang bag sa may sahig malapit sa kama saka siya naupo at nahiga. Matagal niyang tinitigan ang kisame. Mayamaya ay kinapkap ang bulsa at sinubukan niyang tawagan ulit niya ang numero ng nobya niya. Busy tone lang. Inulit niyang tawagan at sa ikatlong pagkakataon, may sumagot na. "Hello! Rica, thank God! I've been calling you––" "Sino 'to?" Nagulat siya dahil iba ang boses. "Who are you?" "Ikaw kaya ang unang tumawag." Pagsusuplada nito. Napakunot ang noo niya. "This is Rica's number, right?" "Oh, yung pinsan ko. Sorry, hindi na sa kanya 'to, ibinigay na niya sa'kin. Di naman siya nagbilin na may tatawag. Wala na nga yung name mo sa phone book." "Ganun ba," baka bumili ng bagong phone sa isip isip niya. "Pwede ko bang makuha yung new number niya?" "Bakit ko naman ibibigay sa'yo?" "Boyfriend niya 'to." "Weh, wala namang boyfriend yun." Gusto na niyang sigawan ito kaso ito lang ang link niya para maka-access sa nobya. "Boyfriend niya 'ko, Romeo ang pangalan ko." "Ah..ganun ba, sige sabihin ko kapag tumawag siya. Di ko rin kasi nakuha. Sabi niya kapag nakabili na siya ng bagong sim. Sige, ibababa ko na ha." Naputol na ang tawag. Huminga siya ng malalim. "Talagang iniiwasan na niya 'ko," napapikit na lang siya at sinubukang kalimutan ang lahat. Pero paano niya gagawin yun, hindi ito mawala sa isip niya. "Ganito ba talaga yun? Ganito ba kasakit ang iwan sa ere?" Himutok niya habang pinipilit matulog para ipahinga ang pag-aalala at pag-isip dito. ********************** "Rica, Rica kausapin mo naman ako oh. Please na." Pagsusumamo niya habang hawak ang gate na nakakandado na. Pinuntahan niya kasi ang bahay nito kainaumagahan pagkauwi niya, baka sakaling maabutan niya. Nakalimang ikot na siya. Sarado ang buong bahay. Bungalow apartment kasi iyon at solo nito ang upa dahil umalis na ang mga ka-boardmate nitong may sarili nang condo. Wala na rin ang sasakyan sa garahe. Nag-iisip siyang baka umalis ito pero wala naman itong pasok dahil nag-resign na ito at kaka-graduate lang. Kung lalabas man yun, saan naman siya magpupunta? Kaya minabuti na lang niyang maghintay dahil baka dumating din ito. Nakatayo lang siya sa harap ng gate at sinisilip kung may makita siyang tao. Sinubukan niya ulit tawagan ang numero ng pinsan nito pero hindi na sumasagot. Pinagsabihan din yata na 'wag siyang kausapin dahil di na rin ito ma-contact. I-n-open niya ang Messenger niya para i-chat kaso mukhang bl-in-ock na yata siya. Nababanas na siya. Ngayon lang siya na-frustrate ng ganito. "Ah, hijo. Sino bang hinihintay mo dyan? Walang sasagot sa'yo dyan." May lumapit na matanda na may hawak pang walis at tabo. Mukhang ito yung matandang lalaking nakita niyang naglilinis ng tae ng aso sa garahe nito. "Ah, yung girlfriend ko po, di sumasagot. LQ kasi kami eh." Pag-amin niya. "Yung dalagang nurse ba yung tinutukoy mo? Ano nga bang pangalan nun?" Napakamot ulo ito at pilit inalala ang pangalan ng kapitbahay. "Rica, Rica Agustin." "Oh, oo nga pala. Siya yung nag-BP sa'kin dati nung na-high blood ako. Sinamahan pa ako sa center. Mabait yung batang iyon." Tatango tango pa. "May pinuntahan po ba siya? Kasi wala po yung kotse niya." "Naku, di ko rin alam. Kasi paggising namin wala na yun eh. Itanong mo sa kasera niya baka alam kung saan lumipat." "Lumipat?" Nagulat siya. "Oo, wala na siya dyan. Siguro, mga isa o dalawang linggo nang nakakaraan. Di naman nagpasabi." "Tang, salamat po ah. Sa'n ko po ba makikita iyong may-ari ng bahay." "Ayun," itinuro nito iyong bahay na may puting gate. "Tanungin mo yung may-ari. Alam ko, nasa bahay pa yun kasi umaalis yung sa hapon, naniningil ng mga pautang. Puntahan mo na." ###### "Biglaan yung alis niya, di rin nga nagpasabi kung saan pupunta. Ang sabi uuwi daw sa probinsya kasi may sakit daw ang lola. Tapos may dumating na mover, may ipinakita na papel na pinahahakot na niya yung gamit niya. Ang alam ko, pinsan at tita niya yung naghakot." "Wala po bang ibinilin na kung ano?" Umiling ito. "Wala. Ikaw, pamilyar ka sa'kin. Madalas kitang makita noon nung naniningil ako sa kanya. Ano ka ba niya?" "Boyfriend po, wala po bang siyang nabanggit na lugar? O kahit yung kamag-anak?" "Naku, mukhang nag-away kayo ah. Sige, ibibigay ko yung address ng pinagtatrabahuhan ng pinsan niya. May utang pa sa 'kin sa Avon yun eh," Ibinigay naman nito iyong contact person at address maging numero dahil sa pakiusap niya. "Oh siya, sana makausap mo, baka nagtampo lang sa 'yo. Ligawan mo ulit. Bagay na bagay pa naman kayo." Agad naman niyang tinawagan ang numero. Sumagot ito at nakilala niya yung boses. "Hello," "Hello, si Romeo 'to." "Yung boyfriend ng pinsan ko, oh bakit ka napatawag?" "Bakit di ka na sumasagot sa numero ni Rica?" "Ah, yun ba? Nagpalit na 'ko. May sasabihin ka pa ba? Kasi ibababa ko na 'to." "Sandali! 'Wag, please!" "Okay, relax." "Pwede ba tayong magkita? May itatanong lang ako." "Sige ba, libre mo 'ko ng lunch." Kaya agad siyang pumunta sa binanggit na restaurant sa may Tomas Morato. "Hi! Romeo." Pakilala niya sa babaeng nakauniporme ng spa clinic. Natulala pa ito. Kaya kinalampag niya yung table. "Oh, hello!" Saka lang ito natinag nginitian siya. "Upo ka," Umupo siya sa tapat nito. Umayos ito ng upo saka nagtawag ng waiter. Pagkaorder nito ng pagkain ay saka lang niya ito tinanong. "Saan ko ba pwedeng puntahan yung pinsan mo? Please lang, kasi may sasabihin ako sa kanyang importante." Nagtaas ito ng kamay na nagsasabing puno pa ang bibig nito. "Teka lang nga, bakit mo ba kasi hinahanap yung pinsan ko? Eh kung ayaw kang makita, eh di hindi talaga siya magpapakita." Naibagsak niya ang palad sa mesa dahilan para magulat ito. Maging iyong nasa kabilang mesa ay napalingon sa direksyon nila. "Easy ka lang, hindi naman ako ang kaaway mo pero bakit ba kasi kayo nag-away? Kilala ko yung pinsan ko, hindi yun basta basta bumibitaw ng walang mabigat na dahilan." Huminga siya ng malalim. Mukhang pahihirapan pa yata siya nito. "Kasi, hindi ako nakatupad sa usapan namin. Umasa siya ng husto. I tried to make it up on time kaso, yung trabaho ko kasi," "Mas importante ba yun kaysa sa kanya?" "Look, hindi ko naman hinihingi ang simpatya mo. Nakikita kong pinuprotektahan mo lang si Rica pero," napabuga siya ng marahas na hangin. "I'm so worried about her, hindi naging maganda ang pag-uusap namin nung huli." "Nambabae ka ba? May third party?" "Kung sasabihin kong wala, maniniwala ka ba?" Napaikot nito ang mata na tila nag-iisip saka umiling. "Sa hitsura mo, mukha kang habulin eh. Pero kung gusto mo siyang makausap, sana ginawa mo ng mas maaga. Di sana, naabutan mo pa siya," humigop ito ng softdrinks. "Wala na si Rica, umalis na siya." "Sa'n siya pumunta?" "Nang-ibang bansa. Sabi niya sa huling usap namin, sa Canada kasi mataas daw ang demands sa nurse dun. Pero, ewan ko. Nasa London kasi yung tita namin, caregiver. Citizen na rin siya dun." "What? Nasa abroad siya?" Gulat niya at sabay nalungkot. "Oo, ang tagal mo kasi eh, actually matagal na siyang kinukulit ng tita namin. Ako nga gusto ring kunin, kaso di pa ready yung papel ko. Yung kay Rica kasi, ayos na last year pa, hinintay niya lang na maka-graduate at makuha niya yung diploma." "Eh, hindi pa naman siya nakakakuha ng license, paano siya magtatrabaho bilang nurse dun?" "Di pa naman siya magtatrabaho. Tourist visa pa lang muna. Saka pwede naman siyang maging clinic staff kasi di naman kailangang may license dun. Tutal, may experience na siya dito sa Pilipinas." Saka siya tiningnan nito ng mataman. "Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo kaya di ka nakasipot?" Nablanko siya. Tuluyan na talagang lumayo si Rica sa kanya. Nawalan siya bigla ng sigla sa nalaman. "Oy! Natameme ka na," untag nito. "Pakisabi na lang sa kanya na thank you sa pinagsamahan at sa mga alaala niya. Hindi ko siya makakalimutan. Saka thank you sa pag-iwan sa 'kin ng walang pasabi. Napakatanga ko, naniwala akong may kami. Ako lang pala 'yong nag-isip nun." Himutok niya dito sabay alis. "Hoy! Hoy! Iyong bayad nito! Wala akong pamba––" Bumalik siya at inipit ang dalawang libo. "Para sagutin ang tanong mo kanina, pinaghahandaan ko lang naman yung proposal ko sa kanya. Balak ko na sana siyang pakasalan pero, mas gusto niyang ganito. Bahala na siya. Pakasaya siya dun!" Pagpapatuloy na sintir niya saka tuluyang umalis. **************** Napadpad ang mga paa niya sa dating pinagtatrabahuhan niya. Nagbabakasakaling may makakausap na dating kakilala. Ang totoo ay litong lito na siya. Kaya di niya namalayang dinala siya ng isip niya sa isang lugar kung saan sila dati nagkikita ni Monique. Nagbabakasaling makausap ang dalaga. Makalipas ang ilang mga oras ay nagpasya na rin siyang umalis ngunit pagbungad niya sa pintuan ng coffee shop ay nasalubong niya ito na may kaakbay na lalaki. Naestatwa siya at di niya malaman ang gagawin kung iiwas ba o magpapatay malisya. Napaangat ang ulo nito sa kanya. Nagulat din ito at halatang nataranta din. "Hon, what's wrong?" Usisa ng lalaki at napatingin sa kanya. Dahil ayaw niya ng away o kumprontasyon ay siya na ang sadyang umiwas. Nilagpasan niya ang mga ito at dire-diretsong lumabas ng coffee shop. Tinungo na niya ang parking lot na pinagparadahan ng motor niya. Nakuha na niya ang sagot niya. May iba na ito at mukhang di alam ng lalaki na may boyfriend itong nasa ibang bansa. Kilala niya kasi sa picture ang boyfriend nito kaya nakakasiguro siyang hindi iyon ang nobyo nito. Papaalis na siya nang biglang may tumawag sa kanya. "Rome!" Napalingon siya. Si Monique iyon na tila hinabol siya dahil humahangos pa. "Can we talk?" "It's unfair to keep your new boyfriend waiting. Bumalik ka na dun." "Hindi ko siya boyfriend." "Really? Good for you. He seems a family guy." Paandar na siya ng magsalita ulit ito. "Bakit ka nandito?" "Wala, gusto ko lang malaman kung naka-move on ka na." Saka niya nakita ang maliit na umbok ng tiyan nito. "Congrats sa inyo." "Rome please let's talk or else hindi mo na 'ko makikita." "Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. You have your wish come true. Congrats for the baby. Sana maging matino siya di gaya ng nanay niya." "So this is about slut shaming, huh? Looks who's talking, you're a cheater like me." "You have a boyfriend, I don't have any, you're the one who cheats, not me." Yun lang ang sinabi niya saka niya pinasibad ang motor. Nalunod ng ingay ng motor ang mga sinabi nito. Tiningnan niya ito sa side mirror. Umiiyak at sumisigaw sa kanya. Hindi na niya ito binalikan. Wala na siyang mapapala. Mabuti pang magpakalayo-layo na lang siya. ΠΠΠΠ Matapos ng ilang oras na deliberasyon ng isip niya, minabuti na lang niyang maging abala para makalimot ng sakit. Tumawag siya kay Hector kung nakahanap na sila ng kapalit niya. Ang sabi nito, available pa ang position niya. Nagsabi siya na baka hanggang matapos na lang niya iyong garden na pagandahin. Pumayag naman, kaya naman nung araw ding iyon, nagpa-book siya ng flight pabalik sa Negros Oriental. Sa Dumaguete city ang bagsak niya tapos katakut-takot na biyahe sa habal-habal papuntang hacienda ng Aswaldo. Iniwan niya ang condo niya na malungkot. Bigla niyang naalala ang inabot niya kay Rica bago sila maghiwalay. Iyon ay ang susi ng condo niya dahil balak na niyang ibahay ito. Ibinigay niya yun dahil binibigyan na niya ng karapatan ito na makialam sa buhay niya. Dahil nga siguro, seryoso na siya sa relasyon nila. Tapos bibitaw lang pala ito agad dahil lang sa hindi siya nakauwi. Aaminin niya, di niya ine-expect na magiging ganito siya. Nasaktan siya pati pride niya kaya naman, mas mabuti nang mawala muna siya ng matagal. Pagkababa niya nang elevator, dumeretso na siya sa nakaparadang taxi na papuntang airport. Matapos ng mahabang biyahe, tumigil muna siya sa bayan para makapagpahinga. Inabot na rin kasi siya ng gabi. Marami naman kasing cottages na nakapalibot sa lugar. May malapit din na resort at beach. Pinili na lang niyang magpakalasing at magwalwal. Mataas naman kasi ang alcohol intolerance niya. Dati nga lambanog ang tinitira niya. May lumapit na babae sa tabi niya. "Hi pogi! Mag-isa ka lang?" Saka lumingkis sa braso niya. Ngumiti lang siya. Mayamaya, hinila na siya nito sa sulok at nakipaglaplapan sa kanya. Alam niyang dapat di siya nakikipaglaro dito dahil malamang pokpok ito kaso dahil sa kalagayan ng puso niya, baka makalimot siyang di siya pumapatol sa prosti. "Ang galing mo naman, sana kapag ipinasok mo na yung ano mo sa 'kin, galingan mo rin ang kadyot." Saka humagikgik dahil nakiliti sa halik sa leeg nito. Saka siya natauhan. Tumigil at tinitigan ito ng matagal bago dumukot ng pera sa wallet niya saka inabot dito. "Sorry, pero hindi ako pumapatol sa pokpok." Saka siya tumalikod. "Ano ba yan! Bumalik ka!" Tinitigan nito iyong inabot niyang two thousand five hundred. "Okay, bahala ka." Saka humagikgik at naghanap ulit ng lalaking kakandungan. Umalis na siya sa bar at bumalik na sa lodging cottage niya. Medyo may amats na siya pero kaya pa niya. Lagi naman siyang nagtitira nang pang-uwi. Nang nasa tapat na siya ng lodge niya, may natanaw siyang pigura ng babae. Nagtaka siya. Di kaya sinundan siya ng pokpok kanina? Kaya lumakad pa siya palapit. Lumapit din ito at yumakap sa kanya. "Romeo, bumalik ka!" "Celia, anong ginagawa mo dito?" "Narinig ko kay Hector na babalik ka kaya pumunta ako dito. Kanya 'tong resort na 'to." "Bakit ka nandito?" "Kasi, Romeo.." Inilapit nito ang mukha nito sa mukha niya, yung tipong hahalikan siya. Inilayo niya ang sarili maging ang pagkakayakap nito, kinalas niya. "Ano bang..." Saka ito nagtanggal ng butones ng blusa nito. Hindi ito naka-uniporme, hanggang sa makita na niya ang bra nitong suot at ang maumbok na s**o nito. "Celia, hindi mo gugustuhin na––" "Wala akong pakialam, gusto lang kitang makasama ka kahit...kahit isang gabi lang, isang gabi lang sa piling mo. Magiging masaya na 'ko." Lumapit at hinawakan nito ang kamay niya at itinatapat sa tumitibok na puso nito. "Pakinggan mo, ikaw lang ang isinisigaw nito. Pakiusap Romeo, punan mo ang puwang ng pagkatao ko," Hinila niya ito kaya napasandal ito sa dibdib niya. "Wag mo 'kong sisisihin, kapag ginalaw kita, 'wag mong asahan na magiging tapat ako sa 'yo. Alam mong may nobya na 'ko." "Wala naman siya dito, bakit ba hindi mo muna siya kalimutan kahit saglit." Nag-umpisa na siyang pupugin ng halik nito. Dahil lalaki siya, na-arouse agad siya kaya hinalikan niya ito. Nagulat pa nang isandal niya sa dingding ng lodge. Mukhang di pa ito natitikman ng iba. Halatang di marunong. "Kung ganun, paliligayahin kita hanggang magsawa ka." Hinalikan niya ito ng mapuyos at agresibo. Matagal na rin ang huling nakagalaw siya. Mga isang buwan na rin. Kaya nung nag-alok ito, hindi na niya hinindian. Palay din itong mabigat sa tiyan. Pinigtas niya ang suot nitong blusa at tinanggal ang bra saka niya dinilaan at sinupsup ang nakatayo nitong s**o. Napaungol ito at napaarko ang likod. Gaya ng hula niya, birhen pa ito. At siya na naman ang unang pipitas at makikinabang sa halimuyak ng bulaklak nito. "Celia, magiging mapusok ako at di mo magugustuhan iyon. Kaya kung aatras ka––" "Gawin mo na...lahat ng gusto mo sa 'kin... Gusto ko lang na makasama ka....ah..." Usal nito habang nilalamas niya ang s**o at kinakapa ang mamasa-masa nitong bilat. "Ikaw bahala, basta sinabihan na kita." Sigurado siyang mapapaiyak ito sa sakit pero mapapasigaw sa sarap. Matapos niyang paglaruan ang dibdib at lawayan ang buong katawan nito ay hinipo niya ang hita at ipinasok ang dalawang daliri, hintuturo at yung gitnang daliri. Napasigaw ito at napakagat-labi. Umuungol at namimilipit sa sarap niyang kiniliti ng p********e nito. "Ano, masarap ba?" "Hmmm," Mayamaya siya naman ang nag-init. Kaya naghubad na siya ng damit saka niya minasahe at binate ang ari saka nilagyan ng condom. Saka niya ito dinaganan at tinutukan. Hinalikan niya ito at nilibang bago niya ipinasok. Nanlaki ang mga mata, napapikit at naluha. Ilang minuto ang hinintay niya bago niya inariba ng bilis. Napakapit lang ito sa kanya habang inundayan niya ng papasok tapos hihinto at isinigad hanggang dulo. Habang tumatagal ay nakakasabay na rin ito. Mabilis niyang tinapos dahil di naman siya nag-e-enjoy sa pagbibinyag ng mga birhen. Mas gusto niyang may ginagawa rin sa kanyang kasiya-siya. Yung may gana ring magpasiklab. Walang thrill kung siya lang ang magtratrabaho. Mas gusto niya yung palaban. Matapos niyang kantutin ang dalaga ay tumayo na siya at nagsuot ng brief. Nakatihaya pa rin ito. Naghihintayin na ulitin iyon. "Romeo, ayaw mo na?" Bumangon ito at napaupo. Itinatapi ang kumot. "Buti pa, magbihis ka na." "Pero, pero.." "Di ba gusto mo lang naman na kantutin kita, o ayan, pinagbigyan na kita. Di ka na birhen. Pwede ka nang umalis." "Pero, pero.." Naluha ito. "Di mo ba ako..." Napatigil ito ng hawakan niya sa braso at itinayo mula sa kama. "Romeo," nadismaya ito. "Ganun lang ba yun? Pagkatapos mong kunin ang p********e ko?" Ngumiti siya ng sarkastiko. Walang kaabog-abog niyang itinaboy at inihagis ang damit nito sa harap nito saka bumalik sa kama. "Romeo!" Sigaw nito. "Ganyan ka ba kawalang puso?!" "Sana naisip mo yan bago ka tumihaya at magpakasta sa'kin. Sinabihan na kita. Ganito talaga ako kaya nga kahit anong lapit mo, di ko pinapatulan kahit alam kong patay na patay ka sa'kin." Inihagis niya ang kumot pataklob sa katawan niya at tinalikuran ito. "Mabuti pa umalis ka na, gabi na. Baka mapa'no ka pa sa daan." "Hindi mo ba ako ihahatid man lang?" Naiyak na ito habang dahan dahan nitong isinusuot ang panty at pang-ibaba nitong palda. "Nakapunta ka nga dito ng maayos, saka pagod ako." Usal niya habang nakasubsob sa unan. Alam niyang nagalit ito. Hinagisan siya ng kung anong mahawakan nito. Saka ito padabog na umalis, ibinalibag pa ang pinto pagkalagpas dun at tuluyan nang lumayas. Naudlot at nadismaya. Alam niyang nabitin sa ginawa niya at gusto pang ulitin yun. Malamang, sino ba namang di magagalit sa sinabi niya at inasta niya? Hindi naman siya talaga ganun. Kaso baka kapag pinakitaan niya ng mabuti, baka di na umalis sa tabi niya. Huminga siya ng malalim at inalala ang babaeng huli niyang naikama. Gago talaga siya, at pinanindigan niya na. Tutal, gaguhan lang naman. Hindi naman siya nagpakita ng motibo, ito pa nga ang lumapit at nakiusap. Napabangon siya ng upo at tiningnan ang pinto. Bumangon siya at isinara iyon. Baka kasi bumalik at may dala nang itak. Mahirap na. Bumalik ulit siya sa kama at tinanggal ang mga ibinato nitong mga gamit. Ashtray na gawa sa kahoy, maliit na plastic vase na may artificial na halaman saka yung mga laman ng mesa niya. Buti hindi niya inilabas yung laptop niya at inilapag sa mesa. Kundi ibinalibag na nito. Bumuntong hininga siya. "Mas mabuti na 'to para di na siya ulit lumapit. Galit na galit na siguro yun sa 'kin." ####### Galit na galit na inihakbang ni Celia ang mga paa niya habang binabagtas ang daan papunta sa villa. Naiinis siya dahil hindi man lang niya napanatiling nasa kandungan niya si Romeo. Napahinto siya at inaalala ang unang beses na nakita ito. Matipuno, matangkad, gwapo at mabait. Madalang na lang siyang makakilala ng ganung lalaki. Isa pa ay taga-Maynila ito. Gustong gusto talaga niyang makapunta dun at si Romeo, gustong gusto rin niyang maakit. Kaya nga ginawa niya ang lahat para pansinin lang siya kahit magmukha siyang tanga. Hindi talaga siya mahinhin. Magaslaw siya at maarte. Ayaw na ayaw din niyang nasasapawan siya at higit sa lahat, ayaw na ayaw niyang makapangasawa ng taga-rito. Dahil ang kahirapan lang din ang babagsakan niya. Ayaw na niya, sawa na siyang maging mahirap. Gusto na niyang makaalis sa lugar na iyon. Nangyari lamang na kinuha siyang Personal Assistant at caregiver na rin na tumitingin sa apo ng amo niyang si Donya Corazon. Hindi talaga niya gustong manilbahan bilang isang katulong pero dahil malaki ang sahod, pinatos na niya. At para na rin matakasan ang buhay sa pag-aalaga sa dalawang matatanda nang ama't ina. Laking tuwa pa niya nang makaalis siya sa bahay nila. Taga-San Jose talaga siya at napadestino lang dito sa San Guevarra kung saan din siya nag-aral at nagtapos bilang caregiver. Ayaw na niyang bumalik sa kanila dahil mahirap pa sila sa daga. Minsan sa isang araw ay isang beses lang silang kumain. Gusto niyang yumaman at magkaroon ng maraming pera. Mukhang pera talaga siya. Sino ba naman ang ayaw nun? Nagpatuloy na siya sa paglalakad. Pumalpak ang plano niyang akitin si Romeo. Sayang, balak pa namang gawing kahalili ito ni Hector. Naririnig-rinig lang niya na napupusuan itong ipalit sa posisyon ni Hector kapag naisipan nang magretiro at malamang, lumipat na sa mansyon bilang asawa ng amo nilang si Victoria. Matagal nang usap-uspan na kapag namatay na ang asawa ng amo nilang babae na isang retiradong diplomat, magpapakasal na ang dalawang magkalaguyo. Di naman lingid sa kaalaman nila na may nangyayari na sa dalawa. Nung minsang naglilinis siya ng study room nung isang buwan, nahuli niyang naghahalikan ang dalawa. Nakasampa ang amo nila sa kandungan ni Hector. Mayamaya ay naglalampungan sa upuan at nagkakantutan na. Nahuli siyang nakatanaw sa kanila kaya binayaran siya para manahimik. Tinaasan pa ang sahod niya ni Hector. Dahil gusto pa niyang hiritan ng isa pang bayad para sa pananahimik niya, nagalit na ang among babae at naisip na paalisin na siya. Pero naawa si Hector at inilipat na lang siya sa villa para di na siya pag-initan ng amo. Kaya tuloy napunta siya sa kinalalagyan niya. Ninais niya ring bitagin si Hector mismo kaso kapag nalaman ng amo nilang patay na patay dito ay baka ipapatay pa siya. Hindi na siya nagtangka. Naisip na niyang humanap ng bibitagin at dun pumasok sa eksena si Romeo. Lagi niya itong sinisilipan sa tuwing nagbibihis ito. Nung minsang nakita niya ang ari nito ay muntik na siyang mapasigaw. Muntik na rin siyang mahuli, mabuti na lang ay mabilis siyang nakaalis. Simula nung araw na iyon ay pinagnasaan na niya ang binata. Alam ng lahat na may nobya ito sa Maynila na pinagkakalat pa ni Celso na naging kasanggang dikit nito. Ipinagkakalat pang buntis ang nobya kaya naman wala nang lumalapit dito, maliban sa kanya na gusto ring makatikim ng romansa mula rito. Pero di pa rin mawawala ang pagnanais niyang magkapera kaya naman binalak niyang dagitin ito sa isang patibong. Pipikutin niya hanggang sa pakasalan siya kaso paano niya magagawa yun kung hindi naman siya magbubuntis. Alam din siguro nito ang balak niya kaya nag-ingat at naglagay ng condom. Parang gusto niyang magwala nung tinanggihan pa siyang magtalik ulit sila. Balak niya kasing ipatanggal ang condom nito para sa ganun ay makabuo sila kaso matapos siyang virgin-an ay itinaboy na siya. Ang walang hiyang yun! Kinuha lang ang pagkadalaga niya at tinikman saka siya pinaalis. Hindi niya inaasahang gago at isang ungas din pala ito. Kaya naman nauwi rin sa wala ang pagpaplano niya. Galit na ipinagpatuloy niya ang paglalakad sa madilim na bahagi ng taniman. Maisan iyon na ipinalit sa tubuhan dahil tapos na ang pag-aani nung nakaraan buwan. Cacao naman sa kabilang dako na malapit sa bungad ng hacienda. Malawak kasi iyon at naisipang hati-hatiin ang tanim para di naman masayang ang lupaing walang tanim. Si Romeo ang nakaisip nun na inayunan lang ni Hector. Sayang, matalino't madiskarte rin. Kapag nagtagal pa ito sa hacienda ay baka magkalupain pa itong sarili gaya ni Hector. Nanghihinayang pa rin siya at di niya napikot si Romeo. Nasa malalim na pag-iisip siya kaya di niya namalayang may papalapit na lalaki sa likuran niya. Naglalakad siya nang bigla siyang hinaklit at tinapalan ng palad sa bibig. Sisigaw sana siya nang bigla siyang mapatumba sa gilid ng pilapilan. Nakadagan ang katawan ng lalaki sa ibabaw niya at may hawak na itak na panggapas ng palay. "Wag kang sisigaw, kundi papatayin kita." Banta ng lalaki at nakangisi. Waring may gagawing masama sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD