"Ah ah ah ah!"
"Sige pa Romeo! Sige pa! Ibaon mo!"
"Ah ah ah ah! Ang sarap mo Debbie ah ah ah ah!"
"Romeo! Oh Romeo! Ang dakula ng etits mo!" Pigil na pagsigaw ni Debbie habang inaararo niya ng husto. Hawak niya ang bandang pwetan nito habang binabayo niya ng mahabang kargada niya. Halatang tatlo na ang anak nito dahil medyo maluwang na pero okay lang. Basta may mapapasakan siya ng manoy niya, game na game siya.
"Romeo! Oh! Sulit na sulit ang bayad ko sa'yo! Oh oh oh!" Patuloy na ungol nito habang binabaunan niya ng malupit na tirada saka niya ulit kinabayo.
Sanay na siyang umararo dahil siguro batak na batak siya sa trabaho. Ultimo noong dose anyos pa lang siya, nagtatatrabaho na siya sa bukirin.
Kalabaw nga ang tawag nila sa kanya kasi ang lakas niyang umariba ng kadyot. Sanay na sanay na siyang kumantot dahil kinse anyos pa lang siya nakatikim na siya ng pekpek.
Kaklase pa niya at pinagsabay niya pati pinsan nito. Sinabay niyang binyagan at pinagparausan ng pansamantagal.
"Debbie, putang ina! Di ka pa ba nilalabasan?" Yamot na tanong niyang habang niyuyogyog niya na ng husto sa kama. Nalulukot na nang malala ang bedsheet at puno na ng mantsa ng t***d niya.
Napakapit na siya sa balikat nito habang hinihintay na niyang labasan siya. Tang-ina naman ang kunat naman ng matris nito! Sa isip isip niya.
"Hindi pa! Hindi pa! Ah ah ah!"
Napangiwi siya. Naiirita na siya sa ungol at sigaw nito. Nakakarindi na. Inilubog na lang niya ang ulo sa umaalog na dibdib nito. Sinisip niya ang u***g nito habang ibinabaon ang ari niya sa hiwa nito. Umaarko ang likod nito kaya hinawakan niya at inalalayan habang iyong isa ay nakadeposito na sa pigi nitong nakabulatlat na sa sobrang buka. Pinisil niya iyon habang inisahan ng malakas na bira.
Tumirik ang mga mata nito at sige ang hiyaw sa sarap ng bayo niya. Gustong gusto niya kapag napapatirik niya ang mata ng mga babaeng naikakama niya.
Natawa na lang siya sa isip isip niya. Ang taray taray mo dati sa 'kin, tapos ngayon, nadale ka na ng manoy ko, walang taray taray sa'kin. Yare ka sa'kin. Matitikman mo ang romansa ni Romeo ang mananagit!
Patuloy niyang inundayan ng katawan niya ang ibabang parte nito. Kanina pa nga sila ganito. Siguro kung bibilangin yung putok niya, nakalima na yata siya.
Paano ba naman kahit anong gawin niya, hindi pa rin nilalabasan ang tuod na babaeng ito. May lahi yatang tuod talaga ito eh. Nakailang posisyon na sila, di pa rin nilalabasan. Kung sa bagay, hindi ito iiwan ng asawa kung magaling lang sana. Kaso, puro siya ng siya ang tumatrabaho. Siyempre kahit sinong lalaki, tatamarin kung ganito naman katuod ang partner nila sa kama.
Nangangalay na siya, puputok na naman siya kaso wala pa yatang balak pumutok yung katalik niya. "Putang ina! Lalabasan na ako!"
"Ah ah ah ah ah!" Sabay pa silang napasigaw. Hindi naman siya nagsisi kasi nilabasan na rin ito. "Sa wakas!" Nabulalas niya habang itinataktak niya iyong t**i niya sa pwerta nito habang nanginginig at napabuntong hininga. "Whooh! Ang sarap, amput..." Saka niya sinilip yung ka-s*x niya. "Oy, okay ka lang."
Nakatulala lang kasi ito sa kanya na may bahid ng luha sa mga mata. Ayaw pa naman niya sa lahat iyong babaeng mahina. Na-tipuhan niya ito dahil malakas ang appeal nito, malaki ang dibdib at makapal ang bulsa. Kaso habang tumatagal, nag-iiba na ito. Ang dating Dragona kung tawagin nila, napaamo niya. Ng karisma at lintik na manoy niya.
"Romeo, anakan mo nga ako."
"Ha? Puta! Walang ganyanan," biglang bangon niya at sabay hablot ng pangtapis sa katawan niya.
"Bakit, ayaw mo ba?" Naitanong nito habang nakahiga pa rin at nakabuyangyang ang kaselanan nito sa harap niya.
"Alam mo namang allergy ako dyan. Ayoko." Saka niya tinanggal iyong condom na nakabalot sa ari niya.
"Bakit? Ayaw mo ba sa 'kin? Maganda naman ako ah, mayaman. Pwede kong ibigay sa'yo ang lahat ng gusto mo. Bata pa naman ako, limang taon lang naman ang tanda ko sa 'yo." Pagpipilit nito.
"Romeo, please...anakan mo 'ko."
Napangiwi siya habang isinusuot ang brief niya. "Ano ka ba Debbie. Boss kita, ano lang ang sasabihin ng mga tao. Na pumatol ka sa trabahador mo? Di ba ayaw nga sa'kin ng panganay mo?" Habang isinusuot ang pantalon niya.
"Kahit na, wala akong pakialam sa kanila. Ikaw lang naman at ako ang importante,"
"Tapos ano? Anak pagkatapos sunod gusto mo na ng kasal? Di na, di ka pa ba kuntento sa ganito?"
"Eh kasi gusto ko ako lang ang kinakantot mo!" Saka ito tumayo at hinablot iyong t-shirt na isusuot niya. "Gusto ko ako lang! Ako lang dapat!"
Lalo siyang nairita sa hitsura nito. "Ayoko, hindi sa hindi ka maganda, ayoko lang na may kumokontrol sa'kin." Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito. "Bakit di mo kasi bawasan ang pagtataray mo, malay mo may mas matino pang pumatol sa 'yo. Maganda ka Debbie, matalino, maabilidad. Hindi mo kailangan ng gagong kagaya ko."
"Pero, Romeo...ikaw ang gusto ko.." Saka nito ginagap ang kamay niyang puro kalyo. "Mahal na kita," at inilapit sa pisngi nito.
Lalo siyang nadismaya. "Debbie Jane Arnaiz, ayokong maging bastos sa'yo pero hindi ko kayang ibigay yung gusto mo. Patawad." Malamig na tugon niya at nilagpasan niya saka tinungo ang pinto ng kwarto nito.
"Huwag kang umalis! Romeo! Huwag mo 'kong iwan!" Nagulat siya nang pumulupot ang braso nito sa kanya mula sa likuran niya at pinigilan siya.
"Sorry, Debbie. Sorry." Kinalas niya ang braso nito at binuksan ang pinto.
Hindi na niya pinakinggan ang sigaw nito sa kanya pati mga mura nito.
"Balang-araw kapag may nakilala kang babae na magpapatino sa 'yo, sana hindi ka niya iwan at pandirian! Hindut kang lalaki ka!"
Tuloy tuloy lang siyang naglakad at di inintindi ang mga pinagsasabi nito. "Bahala ka dyan, natikman naman na kita eh, ibang babae naman. Next."
***************
"Talaga p're! Natikman mo na si––" napatutop niya ang bibig ng kaibigan niya.
"Gago ka ba?" Saka niya itinulak ito sa sulok. "Di pwedeng pag-usapan dito, boss pa rin natin iyon. Gusto mo bang matanggal sa trabaho?"
"Eh kasi di lang ako makapaniwala, ikwento mo naman," bulong nito.
"Alam mo Oscar, di ko pwedeng ikwento sa 'yo. Gusto mo bang pareho tayong matanggal?"
"Ang lupet mo brad," bulalas na hanga nito. "Turuan nga 'ko ng mga moves mo? Para mapasaya ko naman yung misis ko."
Natawa na lang siya. "Sige pero mamaya na, oras pa ng trabaho eh."
Mayamaya pa ay tinipon na sila ng engineer at foreman na may hawak sa kanila. Isa kasing construction firm ang kompanyang pinapasukan niya. At siya, isa sa mga team leader ng mga trabahador. Kungbaga sa madaling salita, skilled worker siya at hawak niya ang landscaping department.
Agriculture kasi talaga ang tinapos niya kaso dahil sawa na siyang lagi na lang palay at mais ang nakikita at mga trabahadora ng palayan ang natitikman niyang babae, lumuwas siya at nag-apply sa iba't-ibang kompanya sa Maynila at pinagpasapasahan ng mga agency hanggang sa makuha siyang trabahador dito nga sa kompanyang kasalukuyan niyang pinagtratrabahuhan.
Nung una, nilagay siya sa labor o construction boy dahil iyon lang ang available hanggang sa naging skillman na humahawak na ng tao o foreman bago siya naging head ng horticulturist sa departamento nila. May kinalaman pa rin sa pagtatanim pero sa pagkakataong iyon, mga ornamental at flowery plant ang kinakamada niya.
Medyo malayo sa course na natapos niya pero okay na siya dun, basta may trabaho siya. Isang taon din mahigit bago siya natuto sa bagong larangang pinili niya. Siyempre di rin naman basta basta magpatubo at mag-alaga ng halaman. Kailangan ng tiyaga at matinding training.
Ilang buwan pagkatapos ng training at magka-probation siya sa horticulturing, saka naman niya nakilala si Debbie, ang head architect at isa sa may malaking share sa naturang construction firm at kapatid pa ng engineer na amo nila.
Noong una talaga, ini-snub at tinatarayan siya nito at lintik kung pahiyain siya sa harap ng tao. Na kesyo promdi siya at hindi marunong manamit ng maayos.
Eh sino ba naman ang magbibihis ng magara sa oras ng trabaho at sa linya ng trabaho niya? Eh di bobo pala ito! Pero dahil nga may asim pa at mestiza naman ito at hiwalay sa asawa, pinatos na niya. Laman tyan din ika nga.
Ilan beses din niya itong pinormahan at laging binabati. Natural, lagi siyang sopla. Sino ba naman papatol sa hamak na probinsyano at sa kagaya pa nitong alta sociedad galing ang angkan? Nananaginip lang siguro siya ng gising.
Pero dahil nga sa lakas karisma niya at dating ng p*********i niya, ayun, nadagit niya rin ang mailap na usa. Naikama niya na ng halos tatlong beses, di lang iyon. May bonus pa siyang kwarta.
Di niya maikakaila na malaki rin magbigay ng tip iyong sugar mama niya na noong una ayaw pa niyang tanggapin. Hindi naman talaga siya nagpapabayad. Trip trip lang ba. Kaso dahil mapilit at nagtatampo kapag di niya kinukuha ang ibinibigay na bayad, tinanggap na rin niya tutal kailangan din niya dahil marami siyang pinapakaing kamag-anak sa probinsya. Mga kapatid niyang maagang nagsi-asawa at di man lang nakatulong sa kanya. May tatlo siyang kapatid, puro babae pa. Iyong bunso, nasa kolehiyo na at malapit nang magtapos. Habang iyong dalawa niyang kapatid, nagpapaligsahan yata sa paramihan ng anak.
Ni hindi na nga nakapagtapos man lang ng high school. Ang tatay naman niya lasenggero na, sabungero pa. Kaya walang naipundar kahit isang pasong lupa. Malakas pa naman kumita dati sa asukarera kung saan ito ang namamahala. Nang nalugi ang hacienda ayun, naging patapon ang buhay. Naging batugan at pala-asa. Ultimo pambili ng alak, sa nanay pa niya humihingi. Kaya di rin niya masisi ang kanyang nanay nang iniwan sila nung kinse anyos pa lang siya at maagang umakyat sa langit. Napagod na kakaalaga sa asawang palaki ng bayag at mga anak na matitigas ang ulo.
Nagluko din naman siya noong nag-aaral pa at talagang nabarkada. Natutong uminom, mambabae at nakatikim din ng sisinghutin na puting butil. Pero di gaya ng iba, hindi siya nawili. Iyong pambabae nga lang.
Kamo, hindi na nga siya nag-asawa dahil ayaw niyang matulad sa pamilya niya at wala pa siyang balak mag-asawa. Ang sarap kaya ng buhay binata. Walang intindihin. Kaya nga di niya maintidihan ang mga katrabaho at kaibigang namomoroblema sa mga asawa nila. Kung hindi butangera't palengkera, mga amasona at nang-uumbag. Kungbaga sa salitang kalye, Takusa ang mga kaibigan niyang di nalalayo sa edad niya. Sa edad niyang trenta y dos, hindi pa siya sawa sa buhay niyang binata. Marami pa siyang gustong gawin at marami pa siyang gustong matikmang bago.
Gaya na lang ngayon, may dumating na bagong empleyado. Si Monique, assistant ng design department at kakapasok lang noong isang linggo. Maganda, sexy, mestiza-hin at bata. Mga bente dos o bente tres lang. At higit sa lahat, madaling makuha. Maharot din kasi at umiinom.
Mayaya nga sa inuman at mabetsin, baka dun ko makuha.
Saglit niyang inalis ang ngiti niya nang dumating iyong pinaka-boss ng kompanya. Si Mr. Joaquin Arnaiz, ang tatay ng engineer na boss niya at ni Debbie.
Napaayos tuloy siya ng tindig at dumeretso ng tingin. Mukhang may lay off na magaganap. Di naman basta basta nagpapatawag ng meeting si big boss. Sa isip isip niya.
"Kamusta kayo mga boys," panimula ni sir Joaquin.
"Mabuti naman po, Sir." Sagot nilang lahat.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Pinatawag ko kayo kasi may importante kaming iaanunsyo." Tumikhim muna ito saka tumingin sa anak na lalaki.
Tumango naman ito. "Nakatanggap kasi kami ng balita na may isa sa mga kasamahan ninyo ang pumalpak sa huling project na hinawakan nito. Maraming nagreklamong patron client natin. Nasisira tuloy tayo sa mga investors at ngayon nga, tenga ang production dahil nga sa kapalpakang ginawa ng taong ito. Hindi na namin papangalanan para naman may maiwan namang kahit kaunting konsiderasyon para sa kanya. Pero dahil naapektuhan ng husto ang pati ibang projects natin sa ibang kompanya, naiisip namin ni Dad na pagpahingahin muna kayo kahit mga isang buwan."
"Ho? Aba't ang tagal naman n'on?" Nagsimula na silang mag-ingay at magreklamo.
"Sir, eh paano po kami? Saan kami kukuha ng panggastos namin sa araw-araw. Sir kami lang ang inaasahan ng pamilya namin." Ungot ng may-edad na nilang mason.
"Oo nga sir, marami pa po akong anak na pinag-aaral at pinagkagagastusan."
"Wag naman pong isang buwan! Baka mamatay naman kami niyan!"
"Tama,"
"Tama,"
"Sandali, sandali!" Napataas na ang boses ng matanda. Natahimik na lang ang mga nagrereklamong trabahador.
"Hindi rin naman namin gusto ito. Ang gusto nga namin, 'wag na kayong tanggalin kaso, walang magagawa. Palugi na ang kompanya. Bumagsak na ang stock natin sa market. Alam kong di n'yo naman kasalanan kaso, kailangan din naming isalba iyong matitirang pwedeng isalba." Halos naluluhang sambit ng matanda. "Mabuti nga kayo't iyon lang iniintindi ninyo kami, marami pang kailangang bayarang utang dahil sa kapalpakan ng..."
"Pa!" Nasambit ng anak na lalaki ng biglang nawalan ng balanse ang matanda. "Pa, ayos lang kayo?" Saka tinawag ang mga security guards.
"Ayos lang ako, Gilbert. Ayos lang." Tinapik-tapik pa nito ang balikat ng anak. Saka umayos ng tindig.
"Wag kayong mag-alala, iyong mga medyo may edad na, may matatanggap na benepisyo kapag nag-sign na kayo sa waiver, paki nga Monique." Utos nito sa babaeng nasa gilid at may hawak na folder.
Isa-isa nitong ipinamahagi ang mga iyon sa mga tao nandun maging sa kanya. "Kasama pati ako?" Naibulong niya sa sarili.
Napalingon na lang si Monique sa kanya. "Pati nga ako eh," mahinang tugon nito.
Kamalas naman!
"Nakasaad dyan kung ano iyong benepisyong matatanggap ninyo kapag pumayag kayo sa agreement. Wag kayong mag-alala, may kapalit ang tapat na serbisyo ninyo. Yung mga may katanungan, pumunta lang sa office ko o kaya sa legal department kung sa tingin n'yo may duda kayo. Salamat sa maraming taon ng pagsasama natin. Pasensya na kung dito na lang magtatapos ang pagsasama natin." Huling salita ng amo nila. "Pwede na kayong umalis," saka senenyasan ang mga guards na tulungan itong alalayan ang amang mukhang inaatake na naman ng high blood.
Nasa otiyenta na rin kasi ito kaya sakitin na.
Nagpulasan na sila. Lahat sila lugmok at di maipinta ang mukha. Si Oscar na kaibigan niya ay tila namatayan at umiiyak.
"Kalalaki mong tao, tigilan mo nga yan." Saway niya.
"Paano yan? Romeo aawayin na naman ako ng asawa ko nito kapag nawalan ako ng trabaho."
"Eh di maghanap, anong problema dun. Matangkad ka naman at college, undergrad nga lang. May makukuha ka rin agad."
"Eh paano kung wala? Lagot ako sa asawa ko." Problemadong ungot nito.
Napangiti na lang siya ng mapakla. Certified Takusa talaga ito. "Ikaw kasi, kukuha ka na rin lang ng asawa, college grad pa, teacher pa." Huminga siya ng malalim. "Wag kang mag-alala. Kapag nakahanap ako ng raket, isasama kita."
"Talaga? Isasama mo 'ko?" At suminghot pang parang bata. Kung siya lang ang tatanungin, hindi ito mukhang trenta anyos, mukha itong high school na nagkatawang mama. Napakahina ng loob at walang kadiska-diskarte. Hay, napailing na lang siya. "Buti na lang kaibigan kita, kung hindi,"
"Sabi mo yan Romeo ah. Isabit mo 'ko ah."
"Oo naman, gusto mo ngayon na eh, sabit kita sa building."
Sumimangot naman ito. "Puro 'to kalukuhan, seryoso ako."
Natawa na lang siya. "Oo, kapag nakahanap ako. Kung wala, sorry. Kanya kanya muna." Saka niya tinapik sa likod "Lika na, buti pa uminom na lang tayo tutal, wala na tayong trabaho."
"Ang aga aga, sa'n naman tayo pupunta? Wala pang bukas na bar."
"Eh di sa bahay ko, sino bang may sabing sa bar tayo saka di ba, gusto mong malaman yung tungkol sa 'min ni..." Ibinulong niya dito.
Ngumisi ito at tumango. "Sige, sige."
Kaya magkaakbay silang lumabas ng establisiyemtong pinapasukan at naghintay ng masasakyang taxi.