NAGING talk of the town ang pagbubukas ng Basty's Taste na nag-grand opening ngayong araw. Na-feature pa ang mga ito sa isang morning show. Nagkatotoo rin ang sinabi ni Laraine dahil nahati ang mga customer nila. Wala siyang magawa kundi ang tanawin ang shop na 'yon mula sa paborito niyang spot sa balcony na maya't mayang may pumapasok at lumalabas na kostumer. Samantalang sa kanila ay naging madalang.
"Ngayon lang 'yan maraming tao kasi bagong bukas. People will taste their coffee and pastries and when they realize yours is more delicious they will come back to you," komento ni Laraine. Nagpunta ito roon para samahan siya dahil narinig nito ang tungkol sa grand opening.
"Are you trying to lift up my mood? Because if you do then stop. Don't bother yourself, Raine. I'm fine. Ganito talaga sa business. I knew this was coming and I'm ready," litanya niya.
"O-okay..." Tatango-tangong sabi nito. "Pero kasi ang dami talagang customer sa shop nila ngayon. Tingnan mo? May namumukhaan ka ba sa ilan sa customer nila na customer mo dito sa shop?" Sikmat nito.
"Paano ko makikita, e ang layo ng distansya natin?" Sarkastikong tanong niya.
"Oo nga no? Subukan ko ngang magpunta roon." Tumayo ito at tinalikuran siya. Pero mabilis niyang hinagip ang kamay nito para pigilan ito.
"You're not serious, right?" Paninigurado niya at tumayo na rin saka binitawan ang kamay nito. Hinintay niya ang sunod nitong sasabihin
"I'm serious, Ri. I'm curious what that shop looks like inside. I will also try their coffee and pastries so I'll be able to compare the tastes," saad nito.
"Hindi ka pwedeng magpunta ro'n dahil baka paghinalaan ka nila na nag-eespiya ka?"
"No. They won't. Isa pa, pupunta ako roon bilang customer and not a spy. I will go there to satisfy my curiousity." Kibit ang balikat na turan nito.
Hindi na siya nagsalita dahil parang wala na rin naman silbi kung pipigilan niya pa ito gayong buo na ang desisyon nito.
"After ko doon ay didiretso na 'ko pauwi para hindi nila isipin 'yong sinasabi mong baka isipin nila." nag-quote sign pa ito. "Bye, Riri!" Bumeso ito at iniwan na siya.
Wala siyang nagawa kundi bumalik sa pagkakaupo at pagkaraan ay tinanaw ang pinsan niya na lumulan sa sasakyan nito. Pagkatapos ay pinaandar nito 'yon at tumawid papunta sa kabila.
Hindi niya alam kung bakit pero may pag-aalala siyang nararamdaman. Hindi niya alam kung dahil ba 'yon sa pagpunta ni Laraine sa kalabang coffee shop o dahil sa nakita niyang dagsa ng tao roon? Ma-alinman doon ay hindi niya gusto ang nararamdaman niya. Hindi dapat siya panghinaan ng loob dahil lang sa nakita niya. Gaya nga ng sabi niya kanina sa pinsan, gano'n talaga sa business. Hindi pwedeng hindi ka magkakaroon ng kakompetensya. Now, her only card is her creations. If the people likes her desserts more than Basty's then they will come back. It's the difference between the taste that will make people want to come again or not.
Ipinilig ni Yuri ang ulo at nagdesisyon siyang bumaba para tingnan kung anong nangyayari roon. Kailangan niyang i-divert ang isip niya para hindi siya mag-overthink. Pero hindi rin niya nagustuhan ang naabutan niya sa baba.
"Miss Ri," tawag ni Kai at malungkot ang mukha nito ng lumapit sa kanya. "Kanina pa po tayo walang customer," pagbibigay alam nito kahit na kitang-kita naman niya. Napakalinis tingnan ng shop niya. Walang makikita ni isang kostumer.
"Hayaan niyo na. Ngayon lang 'yan kasi grand opening nila," walang emosyon na wika niya.
"Nakita ko si Ma'am Raine na nagpunta sa kabila. Pati ba siya ayaw na rito?" Tanong ni Leo na nakaturo pa ang hintuturo sa likuran nito. Galing ito sa labas dahil nagpunas ito ng glasswall.
Hindi siya nagsalita at nagpunta sa counter. Hindi naiwasang mapadako ang tingin niya sa mga pastries na nasa chiller. Bago ang lahat ng 'yon. Pero mukhang masasayang lang dahil walang bumibili.
"Kai, Leo---" Natigil siya sa pagsasalita nang marinig nila ang tunog ng wind chimes sa pintuan tanda na may pumasok.
"Ma'am, may customer na tayo!" Masayang bulalas ni Kai at napatalon pa ito. Samantalang siya ay hindi man lang nagbago ang reaksyon.
"Good afternoon, guys..." Bati ni Kenny sa kanila at iwinagayway pa ang kamay sa kanina. Malawak ang ngiti nito ng dumiretso sa counter.
"Ay, akala ko customer na. Si Sir Kenny lang pala," animo dismayadong sabi ni Kai.
"Why? What happened?" Tanong ng lalaki.
Hindi siya nagsalita at binalingan si Kai. "Ipaghanda mo kami ng makakain, Kai," utos niya. Lumabas siya sa counter at sinenyasan ang binata na sumunod sa kanya. Dumiretso sila sa dulong bahagi ng coffee shop sa tabi ng glasswall kung saan tanaw ang Basty's.
"There's a coffee shop in front that just opened. All our customer went there that's why my shop is empty." Paliwanag niya ng makaupo sila.
"I'm sorry to hear that. Is there something that I can do? Or do you need my help?" Nakikita niya sa mukha ng lalaki na concern ito.
Ngumiti siya at iwinasiwas ang mga palad sa ere. "No. Don't bother, Ken. It's normal. Maybe tomorrow our customers will come back."
Panandalian silang tumahimik nang dumating si Kai at isilbi ang meryenda nila. "Thank you. I will be you customer now," turan nito sa babae.
"Talaga, Sir? Naku, hindi ka namin hihindian!" Tuwang-tuwa na sabi ni Kai.
"I'm willing to do everything to help Yuri because she's very important to me," anito.
Para namang uod na binudburan ng asin ang itsura ni Kai at napatili pa ito. Sinaway niya ito at pinanlakihan ng mata saka pasimpleng itinaboy. May ilang linggo na ring nagpaparamdam sa kanya ang lalaki. Pero hindi niya pinapansin. Gusto niyang marinig dito ng diretso kung gusto ba siya nito o ano. Hindi iyong puro lang ito pahaging. Hindi siya iyong tipo na mauunang gumawa ng move. Kaya baka mauwi lang sila sa hintayan.
"You don't need to pay for that," wika niya rito.
Sumimsim siya sa mocha frappe niya habang hindi inaalis ang tingin sa slice ng cake na nasa harapan niya.
"No. I insist. Just like what you said this is business. So I should pay for what I ordered," tugon naman nito.
Tipid siyang ngumiti nang tingnan ito at pagdaka ay tumango. Tama naman ito. Kapwa sila natahimik at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Panaka-naka ay sinusulyapan niya ito at nahuhuli niya itong nakatingin pagkaraan ay ngingiti.
Hindi niya mapigilan ang mahawa sa ngiti nito. Kenny had that wonderful smile. It gives him a Mr. Nice Guy kind of look. Bagay na nakikita niya naman sa personality at attitude nito.