Chapter 6.

1225 Words
NAGING abala ang mga sumunod na araw sa Yuri's dahil sa dagsa ng mga College students na doon napiling mag-group study. Hindi tuloy mahulugang karayom ang loob ng shop nila dahil kahit saang sulok ay may nakapwesto. Ultimo nga sahig ay hindi nakaligtas at kinailangan pa nilang tanggalin ang ilang mesa para lang magkasya ang lahat. Hindi na rin sila tumatanggap ng dine in customer, lalo na ang mga highschool student na pagtambay lang ang pakay roon. Nagse-serve pa rin naman sila, 'yon nga lang ay for take out o delivery na lang. Sa dami nga ng orders ay tumulong na rin siya. Timing rin na na naroon si Laraine at tinutulungan sila. "Siguraduhin mong may sweldo ako rito ha? Mahalaga ang bawat oras ko kaya dapat may bayad," pakli ni Laraine nang bumalik sa counter at ipinatong nito roon ang dalang tray. "Magkano nga ulit 'yong mga coffee at dessert na hinahain ko sa'yo sa tuwing pumupunta ka rito? A, sandali lang. Ang alam ko nailista ko 'yon e." Akmang iiwan niya ito nang bigla nitong higitin ang apron niya. "Ito naman hindi mabiro. Joke, joke lang 'yon!" Sikmat nito at tinapik pa siya sa braso. Muntik na siyang matawa pero pinigilan niya ang sarili. Masyado kasing sensitive ang pinsan niya. Kaya baka kapag nakita nitong tinatawanan niya ito ay magtampo na ito at mag-walk out. Hindi pwede dahil kailangan niya ngayon ng tulong nito. Hindi niya lang ipinapahalata pero tuwang-tuwa siyang lokohin ito. "Nakakatuwa ang dami ng customer no? Perfect place nga naman 'tong coffee shop para mag-group study." Pag-iiba nito ng paksa at inilibot ang tingin sa paligid. "Kaso hanggang kailan kaya 'to? Baka kapag nagbukas na ang kalaban mong shop ay mahati na ang kostumer mo," biglang lumungkot ang itsura nito at nangalumbaba sa ibabaw ng counter. Mabilis niyang hinawi ang kamay nito at muntik na itong sumubsob. Mabuti na lang at nakapag-balance ito. Sinamaan siya nito ng tingin, agad naman siyang nag-peace sign. Pagkaraan ay sinimangutan ito. "Malas 'yan," wika niya na ang tinutukoy ay ang pangangalumbaba nito. "Saka 'yan ka na naman sa pagiging nega mo e. Hindi ako nate-threatened sa Basty's Taste na 'yan. Nauna akong nagtayo rito at alam na ng mga tao ang lasa ng mga ginagawa namin kaya hindi ako nag-aalalang maaagawan ako ng customer," puno ng kumpiyansang turan niya. "Sana nga. Pero alam mo naman ang mga tao ngayon, lalo na ang mga kabataan. They like to try new things. Lalo na 'yong maganda sa mata. I'm not being negative. I'm just being objective," anito at pinagkibitan siya ng balikat. Hindi siya nagtangkang mangatuwiran pa dahil may punto naman ito. "Well then. Let's just hope for the best and prepare for the worst. I will do everything to maintain my shop and that Basty's Taste? I will make sure they won't accomplish what I accomplised." She said with full of conviction. "You have all my support, couz. Anyway, may customer na at mukhang dine in ang pakay," wika nito. Sinundan niya ang tinitingnan nito at nakita niya ang isang babae na palapit sa counter. The woman looks sophisticated in her burgundy red hair that perfectly falls down on her shoulder. She also have that angelic smile already plastered in her lips when she approach them. "Hi! Your shop looks full. Is there a spot that I can sit in? I want to have coffee here." Nakangiting bungad nito with her French accent. Alam na alam 'yon ni Yuri dahil ilang taon rin siyang nanirahan sa Paris noong nag-aaral siya. Alanganin siyang ngumiti at hindi agad nakapagsalita. Paano niya sasabihin dito na wala ng espasyo para rito? Para kasing napakabait nito at ayaw niya itong madismaya. "Magandang umaga po, Ma'am. Full capacity na po kasi ang shop namin at take out na lang po ang available. Ipagpaumanhin niyo po," wika ni Laraine. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang bahagyang pag-angat ng isang sulok ng labi nito. Mukhang iismid ito pero nag-form 'yon bilang isang ngiti. "Oh, is that so? How sad. I heard you have the best tasting pastries here. That's why... Would you mind if I ask where's the owner of this shop?" tanong nito sa malambing na boses. "I'm the o---" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil inunahan na siya ni Laraine. "Miss, I'm sorry but we can't accomodate you right now. But if you really want to meet the owner maybe you should get an appointment first," turan nito. Tuluyan ng nawala ang ngiti sa labi ng babae at tiim ang baapgang itong tumingin sa pinsan niya. "Well then, how would I set an appointment with her? Is there anything that I can do?" Seryosong tanong nito. Magsasalita pa sana si Laraine pero hinawaka na niya ito sa braso para patigilin. Pagkaraan ay may kinuha siya sa back pocket ng suot niyang jeans. Pagkatapos ay iniabot 'yon sa babae. "Here's our business card. Call us again after a few days then we will set you an appointment with Miss Yuri." Nakangiting sabi niya. Tinanggap naman 'yon ng babae at ilang segundong tinitigan. "Thank you-- what is your name? You don't have a name plate?" anito. "I'm... I'm---" "Riri! Her name is Riri. Ano ba 'yan, Ri nakalimutan mo na naman suotin ang name plate mo? Mapapagalitan tayo ni Ma'am Yuri niyan e," palatak nito at pinanlakihan siya ng mata animo sinasabing sumakay na lang siya. "O-oo nga." "Well then, Riri. Thanks for this. This means so much to me. Anyway, I gotta go. Bye." Hindi na nito hinintay ang sagot nila at nagmamadali itong umalis. "That's it? Ni hindi man lang um-order?" palatak ni Raine nang mawala ang babae sa paningin nila. "Hayaan mo na," kibit ang balikat na sabi niya. Wala namang kaso kung um-order ito o hindi. Kaso ang ipinagtataka niya ay kung bakit nais siya nitong makilala? "Alam mo parang may something sa babaeng 'yon." sabi pa nito. "Nega ka na naman. Ano na namang something ang sinasabi mo?" "Ewan. Basta. Hindi ako sigurado. Pero parang may kahina-hinala talaga sa kanya. Oh!" Bigla itong napatakip ng bibig dahilan para kumunot ang noo niya. Hindi siya nagsalita at hinintay ang sunod nitong sasabihin. "Hindi kaya nobya o ex-nobya ni Kenny 'yon?" "Ha? Paano mo naman nasabi?" Naiiling na tanong niya. Humarap ito sa kanya at seryosong-seryoso ang mukha nito. "Kasi isipin mo, nagpunta siya rito at nagpanggap na customer tapos biglang gusto niyang makilala ka. Hindi ba may possibility?" Paliwanag nito. Napahalakhak siya sa sinabi nito. "Ang lawak talaga ng imagination mo." Naiiling siya. "Bakit? Pwede naman 'yon a! Kumusta na nga ba kayo ni Kenny? Alam mo na ba kung saann siya nakatira at kung anong trabaho niya? Good catch ba?" Usisa na nito. Dahil sa tanong nito ay pinitik niya ang noo nito dahilan para samaan siya nito ng tingin. "Sabi ko na nga ba gusto mo lang makitsismis na naman e! Akala ko ba kukunin mo sa pinsan niya ang number ni Kenny? Ano nang balita?" Ganting pag-uusisa niya. Napanguso ito at sumandal sa counter. "Hindi ko pa nakukuha. Nasa honeymoon pa si Olga at nakakahiya naman kung aabalahin ko siya para lang sa number ni Kenny. Hay... Nevermind na nga. Basta ako may nararamdaman akong something sa babaeng nagpunta dito kanina. Bahala ka kung ayaw mong maniwala." Pagtatapos nito sa usapan. "Imagination mo lang 'yon..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD