Chapter 5.

1078 Words
"HOW did she get the right recipe of cafe au lait and this croissaint? It really taste like those we had in a coffee shop in Paris," Komento ni Aby habang patuloy sa pagkain ng pasalubong niyang croissaint galing sa Yuri's. Kasalukuyan silang nasa isang restaurant. Doon na sila nagkita dahil nag-move raw ng oras ang mga magulang nila at gustong magkita-kita sila ng lunch. Kaya ngayon ay naroon sila at hinihintay ang mga ito. Ngiting-ngiti siya habang pinapanood ito. Tama nga siya na kuhang-kuha ng coffee shop ang timpla ng kape at tinapay. Sinabi na rin niya rito ang mga nalaman niya tungkol sa owner at sa shop. Mukha namang na-satisfied ito sa nalaman. "We should include this on our menu. I can also do this perfectly," wika pa nito. "I'm sure of that, hon," aniya. "I'm just wondering, does the owner went to Paris and study there? Hindi ba sabi mo halos lahat ng pastries at coffee nila ay may touch of French recipe?" Patuloy na tanong nito with her French accent. "Siguro. Mukha rin kasing marami ng experience ang may-ari. Gaya nga ng sabi ko mukhang may edad na 'yong may-ari." "What do you mean? Hindi mo pa ba nakikita ang owner ng shop na 'yon?" "Hindi pa. Hindi na siguro importanteng makilala pa natin siya. Tapos na rin naman ang pagmamanman ko. Nalaman na natin ang lahat ng kailangan nating malaman. Na sa'yo na rin ang lahat ng recipe na nasa menu niya. Wala na tayong problema sa pagbubukas ng Basty," litanya niya. Ibinaba nito ang kinakain at pinunasan ang mga daliri saka uminom ng tubig. Matapos punasan ang gilid ng labi ay mataman siya nitong tinitigan. "No. We need to meet the owner, Seb. We should meet her para makilatis natin kung paano siya mag-isip," mariing saad nito. "Okay. Okay. But I can't go back there tomorrow and until next week. May ipinapaayos sa'kin ang Papa at matagal-tagal rin akong mawawala," tugon niya. "What? How about the shop? We need to meet the interior designer and you promised me we will choose the furniture together?" Nakasimangot na sabi nito. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay nito na nasa ibabaw ng mesa. "Don't worry babalik ako agad. Paplanuhin pa natin ang kasal, remember?" Sukat ng marinig ang sinabi niya ay malawak itong napangiti. "I can't believe we are close to reaching our goals, mon amour. J'ai hâte de t'épouser." I can't wait to marry you. Ngumiti siya at hinagkan ang noo nito. Natigil ang pag-uusap nila nang dumating ang mga magulang nila. Pag-uusapan nila ang kasal pati na rin ang pre-nuptial agreement. May lahing Intsik ang pamilyang pinanggalingan ng nobya kaya kailangang mayroon silang agreement. Matapos batiin ang mga magulang nila ay um-order na sila ng pagkain. Um-order na rin siya ng wine dahil alam niyang mahaba-habang usapan ang mangyayari. "ANONG tinitingnan niyo diyan?" usisa ni Yuri nang lapitan si Kai at Leo sa counter. Kanina niya pa napapansin na parang may hinahanap o hinihintay ang mga ito. dahil kanina pa ito nakatanaw sa may entrada ng shop. "Nagtataka lang kasi kami, Ma'am Ri. Ilang araw ng hindi nagpapakita si pogi dito sa shop," wika ni Kai. Ang tinutukoy nito ay ang lalaking mahilig magsalita ng French na kostumer nila. Pogi na ang tawag ng mga ito sa lalaki at mukhang sa ilang araw nitong pagpunta sa shop ay naging close na ito ng mga barista niya. "Baka naman may trabaho kaya hindi nagpupunta. Bakit ba hinahanap niyo siya? May utang ba siya dito sa shop?" tanong niya. "Wala naman, Ma'am. Nasanay lang kami na araw-araw siyang pumupunta rito. Consistent nga ang oras ng pagpunta niya palaging umaga," sabi naman ni Leo. "Nami-miss siya ni Leo kasi generous magbigay ng tip, 'di ba?" Siniko pa nito ang lalaki dahilan para mapaigtad ito. "Tumatanggap ka ng tip?" Naniningkit ang mga mata niyang tanong dito. Alam naman ng mga ito na hindi siya pumapayag sa gano'n. 'Yon ang unang-unang bagay na hindi niya pinapayagan sa shop niya. Pinangunahan na niya ang mga ito na kung kulang ang sahod ng mga ito ay magsabi lang sa kanya dahil handa siyang magdagdag. Basta 'wag na 'wag itong tatanggap ng tip mula sa customer. Kaya nga nagkaroon sila ng pakulo na employee of the month para kahit papaano ay ganahan ang mga ito na magtrabaho. Alanganing ngumiti ang lalaki at napakamot sa ulo nito. "Hindi naman ako tumatanggap, Ma'am Ri. Talaga lang mapilit si Sir Seb at iniiwanan ang mga bills sa mesa kaya kinukuha ko na lang. Pero hindi ko ibinubulsa." Tinalikuran sila nito at nagpunta sa dulo ng counter saka may kinuhang kung ano roon. Pagkatapos ay bumalik sa pwesto nito. Ipinakita nito ang isang clear jar na puno ng barya at papel na pera. "Wow! Ganito na karami ang tip niya sa'yo? Grabe ang galante niya pala no?" Manghang-mangha na turan ni Kai. "Bakit gusto mo rin ng tip galing sa kanya?" Mataray na tanong niya. Mukhang close na ang mga ito dahil alam na ng mga ito ang pangalan ng lalaki. "Hindi naman sa gano'n, Ma'am. Nasabi ko lang naman," nakangusong katuwiran nito. Kinuha niya ang jar kay Leo at itinago 'yon sa likuran niya. "Akin na ito. Ako na ang magtatago at isasauli ko 'to sa lalaking 'yon," "Sebastian po ang pangalan niya, Ma'am Ri," "Whatever! 'Wag niyo na siyang hintayin. Balik sa trabaho," utos niya at iniwan na ang mga ito. Umakyat siya sa balcony at naupo sa spot niya saka ipinatong sa ibabaw ng mesa ang garapon. Tinitigan niya 'yon at parang nakikita niya roon ang mukha ng Sebastian na 'yon. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis. Ano ba ang gusto nitong ipahiwatig sa ginagawa nito sa mga tauhan niya? Malaki ang halaga ng pera na nasa garapon na 'yon at hindi niya maiwasang mag-isip na may hidden agenda ito. Pero ano? Ipinilig niya ang ulo. Kung saang lupalop na agad napunta ang isip niya. Baka nga tama si Kai at Leo na generous lang talaga ang lalaking 'yon. Oh, well, magkakaalaman sila kapag nagpunta ulit ito sa shop. Iginala niya ang tingin sa paligid at dumako ang tingin niya sa katapat na establisyemento. Halos tapos na 'yon at pinturado na rin. Kasalukuyan na ring ginagawa ang pangalan no'n. Baka sa loob ng isa o dalawang buwan ay magbukas na rin ang shop na 'yon. May kakompetensya na siya. Pero hindi naman siya kinakabahan dahil alam niyang masarap ang mga creations niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD