Chapter 4.

2054 Words
"Où vas-tu, mon beau?" (Where are you going, My handsome?) tanong ng fiance ni Basty na si Aby. Kagigising lang nito at gulo-gulo pa ang mahaba nitong buhok. Pero kahit gano'n ay maganda pa rin ito sa paningin niya. "I will go back to that coffee shop. Why? You want to come with me?" tanong niya habang inaayos ang relong pambisig. "Non. I still need to finish the inventory. I also need to talk to the suppliers. Anyway, did you know who's the owner of that shop?" Bumaba ito ng kama at iniipit ang buhok nito. Pagkatapos ay pumasok na ito sa banyo. "No. Not yet. But I will ask the staff about the owner. Don't worry," wika niya at sinipat ang sarili sa salamin. Alam niyang gwapo na siya. Gusto lang niyang makita ang mukha niya. Nakasanayan na niya iyong gawin tuwing umaga. "Ang lakas talaga ng dating mo, Baste!" Pagkausap niya sa sarili at kumindat pa sa harapan ngg salamin. "By the way, don't forget to bring me that Ube Creme Brulee Cake that you were talking about." Sigaw ni Aby mula sa banyo. "Okay. I will see you later, babe. Je vous aime." I love you. sabi niya. Hinintay niya ang sagot mula sa nobya pero wala siyang narinig. Lumabas na siya at nagpunta sa elevator. Nasa isang condominium building sila nakatira. Binili nila 'yon nang umuwi sila sa Pilipinas dahil ayaw na nilang makipisan pa sa mga parents nila. They got used to living wih each other when they were in Paris and they don't want to get separated from each other. Sa ilang taon nilang relasyon ni Aby ay nasiguro na niyang sila ang magkakatuluyan at nakikita na rin niya ang sarili na kasama ito sa pagtanda. Kaya bago sila umuwi ng Pinas ay nagplano na silang magpakasal. Pero inuna na nilang itayo ang pangarap nilang coffee shop at unti-unti na 'yong natutupad dahil ilang buwan na lang ay matatapos na ang construction no'n. Paglulan ng elevator ay nakatanggap siya ng mensahe sa nobya. "Don't forget our family dinner tonight at 7pm. See you later! Je vous aime..." Awtomatiko siyang napangiti ng mabasa ang huling sentence sa mensahe nito. Nagtipa siya ng reply na ang nakasaad ay; "I won't." at nilagyan 'yon ng heart emoji saka pinindot ang send. Sa opening ng Basty's Taste ay plano niya ulit na mag-propose sa nobya at pagkatapos ay pagpaplanuhan na agad nila ang kasal. Lulan ng Mitsubishi L200 Barbarian black ay tinalunton ni Basty ang kahabaan ng west ng Epifanio De Los Santos Avenue patungo sa Quezon City kung saan ang location ng kalaban nilang shop. Ikalimang araw na 'yon na pabalik-balik siya roon para pag-aralan ang strategy ng magiging kakompetensya nila. In all honesty he doesn't want to do it. Napipilitan lang siya dahil sa pakiusap ni Aby. Competitive ito at ayaw nitong nauungusan. Gusto nito na nangunguna sa lahat ng bagay at siya bilang supportive na boyfriend ay pumapayag sa kahit na anong bagay na ipinapagawa nito. Ang totoo ay katatapos lang ng argumento nila ng nagdaang gabi dahil hindi nito nagustuhan ang pagsasabi niya ng totoo, na masarap ang mga pastries sa Yuri's. Sa araw-araw na pagpunta niya roon ay iba-ibang cake ang ino-order niya at totoo naman na nagugustuhan niya ang lahat ng 'yon. Parang may kung anong ingredients ang inilagay roon para lalo 'yong sumarap. Hindi na rin nakakapagtaka na dinadayo 'yon ng mga parokyano. Honest review ang ibinibigay niya sa nobya ng sa gano'n ay malaman nito kung ano ang gagawin dahil ito ang magiging pastry chef sa shop nila. Siya ang in charge sa finance at paminsan-minsan ay tutulong din siya. Makalipas ang kalahating oras ay narating din ni Basty ang Yuri's. Nasa labas pa lang siya ay naaamoy na niya ang mabangong aroma ng coffee beans. Matapos i-park ang sasakyan sa maliit na parking space ay bumaba na agad siya at pumasok sa loob ng shop. Mangilan-ngilan pa lang ang kostumer at halatang kabubukas lang no'n dahil kasalukuyan palang na naglilinis ng salamin ang isang barista. Dumiretso siya sa counter at tumingin sa menu. Ibang drinks naman ang plano niyang order-in ngayon. Kahapon ay mocha frappe ang in-order niya at kagaya ng naunang araw ay nasiyahan at nasarapan din siya sa pag-inom no'n. "Miss, can I order affogato?" pukaw niya sa atensyon ng nakayukong barista. Abala ito sa kung anumang ginagawa at mukhang hindi siya narinig. Dumungaw siya at hindi sinasadyang nasilip niya ang nasa loob ng mustard polo shirt nito na nakabukas ang isang butones. Wala sa sariling napalunok siya at hindi maalis ang tingin sa may kalaliman nitong cleavage. Kumikinang pa ang balat nito dahil sa pawis. "Pardonne-moi, Seigneur..." Forgive me, Lord... Wala sa sariling sambit niya. Kulang na lang ay mag-antanda siya. Pero nagugustuhan naman niya ang nakikita. Para namang naramdaman ng babae na may nakatingin dito at tumingala ito. Nagtama ang paningin nila at agad itong ngumiti ng makita siya. "Good morning, Sir! Ano pong order niyo?" tanong nito. Napakunot ang noo niya at iginala ang tingin sa paligid na animo may hinahanap. Nang ibalik niya ang tingin sa babae ay nakangiti pa rin ito. Nahagip ng tingin niya ang name plate nito at nabasa niya ang pangalan nito. "Kai?" "Yes po, Sir?" Nakangiting tanong nito. Tumikhim siya at lumunok para mawala ang panunuyo sa lalamunan niya. "Is there anything new on your menu today?" tanong niya at muling ibinaling ang tingin sa menu. Buong akala niya ay ang baabeng barista 'yon na nag-serve sa kanya noong unang beses na magpunta siya roon. Pero hindi pala. Mas matangkad ang babaeng ito kaysa doon. Pero 'di hamak na mas maganda 'yon dahil sa bilugan na mukha. 'Yon nga lang parang masungit 'yon dahil ilang beses niya 'yong nahuhuli na nakaismid sa tuwing magsisilbi sa kanya. Bagay na hindi naman niya kinaiinisan bagkus ay nalilibang pa siyang panoorin ang mukha nito. "Ahm, meron po kaming bagong-bago lang sa menu. 'Yon ay ang French breakfast. It's a combination of Cafe au lait and Croissaint. if you have been to Paris and you have tasted this popular French breakfast you will surely remember the taste and you will think you are in Paris again." wika nito. Tipid siyang ngumiti at tumango-tango. Na-impress siya sa bagong pakulo ng shop na ito. He's just wondering if the lady can speak or understand French? Tumikhim siya saka nagsalita. "Puis donnez-moi un . Je veux l’essayer," Then give me one. I want to try it, Literal na napanganga ang barista nang marinig ang sinabi niya. Halatang hindi nito naintindihan ni katiting ng sinabi niya. Ngumiti siya. "I said give me one," aniya. "A-ah... 'Yon pala 'yon. Hindi kasi ako marunong magsalita ng French." Kakamot-kamot sa ulo na sabi nito at alalnganing ngumiti. "S-sige ho, Sir. Maupo na ho kayo at dadalhin ko na lang ang order niyo," wika pa nito at iniwan na siya. Iiling-iling siyang naghanap ng mauupoan. Sa dulo ang naisip niyang upoan malapit sa may glass wall. Nililinis naman 'yon mula sa loob. Tamang-tama at pwede niyang usisain ang lalaking staff ng shop. "Good morning, Sir!" bati nito nang mapansin siya. "Good morning. Mukhang ang sisipag ng staff dito a?" papuri niya. "Aba, oo, Sir! Mabait din kasi at masipag ang Boss namin," proud na sabi nito. Ngumiti siya at tumango. Mukhang mabilis siyaang makakakuha ng impormasyon dahil madaldal ang lalaking ito. Nagsimula na nga siya sa pagtatanong at tama nga siya dahil walang kahirap-hirap na nagsalita ito sa kanya. "Mabait si Ma'am Ri at masarap pa ang mga cake na ginagawa niya. Kaya nga siguro binabalik-balikan kami ay dahil sa mga bago niyang pakulo dito sa shop. Siya rin ang kinukuha ng mga relatives niya para gumawa ng pastries sa tuwing may espesyal na okasyon. Once na rin na na-feature ang shop sa isang magazine at kasama si Ma'am Ri doon." Kuwento nito. Base sa description nito sa tinatawag nitong Ma'am Ri, parang nai-imagine niya na nasa middle aged n ito. Probably in her late 40's kaya siguro alam na nito ang pasikot-sikot sa negosyo. He's just wondering whatt she looks like. "Bakit hindi ko yata nakikita ang Boss niyo? Sabi mo ay siya ang gumagawa ng pastries dito." Patuloy na usisa niya. "Wala siya ngayon dahil isinama ulit siya ng pinsan niya na dumalo sa kasalan," tugon nito. Natigil ang pag-uusap nila nang dumating ang order niya. Hindi na rin niya naituloy ang pagtatanong dahil tinawag na ito ng kasamahan. Pero sapat na ang mga nalaman niya tungkol sa owner ng shop. Siguradong matutuwa si Aby kapag narinig ang balita niya. Literal na napatigil sa pag-inom ng kape si Basty nang makita ang pagpasok ng dalawang babae sa pintuan. Pareho itong nakasuot ng gown na aqua blue ang kulay. Pero ang talagang nakakuha ng atensyon niya ay ang babaeng maputi na medyo mas mababa sa kasama nitong morena. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang barista na nag-served sa kanya noong unang punta niya roon. Ibinaba niya ang tasa habang hindi pa rin inaalis ang tingin dito. Naglakad ito patungo sa direksyon niya at nagtatawanan ang mga ito. Putek! Bakit ba parang naengkanto siya sa ganda nito at hindi niya magawang alisin ang mga mata rito. "I can't imagine you catch the bouquet, Riri," narinig niyang sabi ng kasama nitong babae ng lampasan siya. Umakyat ang mga ito sa hagdan na hindi niya alam kung saan konektado. "DOES that mean you will be the next to get married?" Patuloy na kantiyaw ni Laraine kay Yuri nang umakyat sila sa balcony. "Oo, malapit na. Hintayin mo lang," kibit ang balikat na turan niya at nahahapong naupo sa paborito niyang spot. Ilang oras din ang itinagal nila sa dinaluhang kasal dahil nakakahiya naman kung aalis sila agad. Mabuti na lang at may tumawag sa kanya para ipaalala ang delivery ng supplies ngayong araw. "Oh, bakit nagustuhan mo ba 'yong guy na nakilala natin sa kasal kanina? What's his name again?" Kunot ang noong tanong nito nang maupo sa silyang nasa harapan niya. "Si Kenny," wika niya. Relative 'yon ng bride na nagmagandang loob na estimahin siya dahil mag-isa siya. Tinawag kasi ng photographer si Laraine para kausapin. Mabait si Kenny, mestizo, matangkad, at gwapo dahil may lahi itong Spanish. Masarap din itong kausap with his sexy accent. Pinipilit kasi nitong magtagalog kahit na napipilipit ang dila nito. "Ano kinuha na ba number mo? Anong pinag-usapan niyo? Magkuwento ka naman..." demanding na turan nito. "Wala. Hindi niya kinuha ang kahit na ano sa'kin. Isa pa, 'yon na rin ang huli naming pagkikita," pagsisinungaling niya. "Ano?! Sayang naman! Ang gwapo kaya niya," palatak nito. "Ano naman kung gwapo? Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo a---" natigil siya sa pagsasalita ng tumunog ang telepono niya na nasa loob ng purse. Binuksan niya ang purse para kunin ang phone niya pero naunahan na siya ni Laraine. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang pangalan ng tumatawag at ipinakita pa nito 'yon sa kanya. "Ito ba ang hindi nagkakuhaan ng kahit ano ha?" animo sinusumbatan siya nito. Hindi siya nagsalita. Ano namang masama kung i-entertain niya ito? Single naman siya at gano'n din ito. Wala rin naman siyang manliligaw and she's just at the right age to accept a suitor. 'Yon ay kung manliligaw nga ito. Lumilipad na agad ang isip niya sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari. "I just gave him my number but that doesn't mean I like him," wika niya. "Doon naman nagsisimula 'yon, ano! O, sagutin mo na!" Iniabot nito ang telepono sa kanya na ng mga oras na 'yon ay nagri-ring pa rin. Kinuha niya 'yon at ibinalik sa loob ng purse saka pinagsalikop ang mga braso na bumalik sa pagkakasandal. "Sasagutin ko lang ang tawag niya kapag wala ka na," nakairap na saad niya. Napaismid ito. "Tse! Kung hindi mo ichi-chika sa'kin si Kenny na mismo ang tatanungin ko," anito. "Paano naman, aber?" Tikwas ang isang kilay na tanong niya. "Tatawagan ko si Olga at hihingin ko ang number ni Kenny." Ang tinutukoy nito ay ang bride na pinsan ng binata. "Okay. Goodluck!" Tumayo siya at hinawakan ang gown niya para iangat. "Magpapalit na 'ko. Ikaw ba?" tanong niya. "Nope. Sa bahay na 'ko magpapalit. Aalis na rin ako," paalam nito. "Okay. Ingat ka," sabi niya at bumaba na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD