Chapter 3.

1513 Words
SINUNOD nga ni Yuri ang payo ni Laraine na makipagkaibigan siya sa mga empleyado para maging smooth ang trabaho nila at napagtanto niyang tama ito. She felt at ease while talking to them. Nagkaroon din ng boses ang mga ito para lalo pang mapagbuti ang trabaho. Nalaman niya rin ang iba pang bagay na maaari nilang gawin para mapaunlad ang cafe. Pero kasabay no'n ay ang pag-usbong nga ng kompetensya sa katapat na establisyemento na unti-unti ng nabubuo. Hindi pa man tapos ay umugong na ang usap-usapan ng pangalan ng cafe at bakeshop na 'yon. "Basty's Taste, raw ang pangalan ng shop na 'yan. Mukhang ni hindi pinag-isipan ang pangalan. Siguro hindi rin pinag-isipan ang mga ihahanda riyan," kantiyaw ni Leo, ang isa sa malokong barista nila. Siyesta time nila ng mga oras na 'yon. Tanghalian at wala masyadong customer kaya naupo muna sila habang nakatanaw sa katapat na gusali. Halos patapos na rin 'yon at nakikinita na niya ang kagandahan ng exterior design. Modern and cozy ang vibes mula sa labas animo hinango 'yon sa disenyo ng mga cafe sa Paris. Iniisip niya kung paano pa kaya sa loob? "Huwag kayong ma-threatened diyan, Ma'am Ri. Ilalampaso ng mga pastries natin ang shop na 'yan. Tayo pa rin ang dadayuhin ng mga customer," dagdag pa nito. "Sigurado 'yan!" Segunda naman ni Kai, ang waitress nila. "Talagang hindi tayo magpapatalo. Baguhan pa lang sila at batikan na tayo," puno ng kumpiyansang wika niya at pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid. Hygge style ang interior ng shop. Hygge is a Danish word that means joy and warmth. The design comes with a fluffy pillow and rugs that will give comfort to the coffee lovers. 'Yon ang purpose kung bakit gano'ng design ang napilo niya. Nais niyang maging komportable ang mga kostumer at maging at home ang mga ito. Napansin niya ang ilang dekorasyon nila na halatang luma na. Dapat lang siguro na palitan na niya 'yon upang sa gano'n ay mag-mukha uling bago ang shop. Hindi naglipat oras ay abala na ulit ang lahat sa trabaho dahil nagdadatingan na ang mga estudyante nilang kostumer na regular na roon. Ilan sa mga ito ay highschool student at karamihan na ay mga college student. Kapag ganoong abala ang lahat ng mga tauhan ay tumutulong na rin siya lalo na kung wala naman siyang made to order cakes. Gaya na lang ngayon na tuloy ang pagdagsa ng mga gustong mag-kape. Lunch time naman ng mga estudyante at doon pinipili ng mga ito na magpalipas oras. Karamihan ay para magkape pero ang iba ay para lang tumambay. May free wifi at air conditioned pa ang shop. Kaya mas gugustuhin talaga ng mga ito sa kanila. Hindi naman siya naninita ang totoo ay natutuwa pa nga siya dahil nakikita niya ang sarili noong kabataan sa mga ito. Naranasan din niyang magpalipas oras sa coffee shop o 'di kaya ay sa mall tuwing free time nila. Napukaw ang atensyon ni Yuri sa paglapit ng isang lalaki sa counter. Hindi ito mukhang college student o kahit Professor. Hindi rin mukhang nagtatrabaho sa kompanya na nasa location nila dahil iba ang itsura nito. Who's going on a coffee shop wearing black longsleeve turtleneck paired with khaki chinos and brown leather shoes in this kind of weather? Santing ang init sa labas and yet he's wearing that kind of outfit. Hindi tuloy naiwasan na pagtinginan ito ng mga customer nila. Gustong matawa ng dalaga sa get up ng lalaki. Pero hindi niya nagawa dahil nang makita ito ng malapitan ay saka niya nasabing na-pull off naman nito ang suot dahil ang gwapo at matipuno nitong tingnan sa malapitan. His hair styled in a brush up and newly shaved beard just gave him a strong s*x appeal. Muntik na siyang mapanganga mabuti na lang at naagapan niya. Tumikhim siya at maluwag na ngumiti rito. "Good day, Sir! Welcome to Yuri's bakeshop and Cafe. What's your order, Sir?" Magalang na tanong niya at inihanda ang papel at ballpen. Tumingin ito sa menu habang nakapatong ang baba sa kamay at animo nag-iisip. Siya naman ay masuyong naghintay sa order nito kahit na nakikita niyang humahaba na ang pila sa likuran nito. She flashed a smile and waited for his order. Pero nakalipas na ang dalawang minuto ay hindi pa rin ito nagsasalita. Nangangalay na ang panga niya sa pagngiti at parang nais na rin sumingit ng ibang customer dahil sa tagal nitong pumili. "Mawalang galang na ho, Sir. Baka ho pwede ko ng makuha ang order niyo? Marami pa ho kasing customer ang naghihintay sa likuran niyo," sabi niya sa mababang boses. Napalingon naman ito sa likuran at pagkaraan ay ibinalik ang tingin sa kanya. "Je suis désolé... I-i mean I'm sorry. Okay then, serve them first. I will just sit here," tugon nito at umupo na sa bar stool. Akala yata nito hindi ako nakakaintindi ng French a... sa isip-isip niya. Malinaw na French translation ng I'm sorry ang sinabi nito at naiintindihan niya 'yon dahil nag-aral din siya sa Paris. Ipinagkibit balikat na lang niya ito at hinarap na ang ibang customer. Pero panaka-naka ay sinusulyapan niya ito. Parang tinitingnan at ini-eksamin nito ang buong shop bagay na hindi niya masyadong pinagtuunan ng pansin. Namamangha lang siguro ito sa design at itsura ng shop kaya gano'n. Normal na reaksyon naman 'yon ng mga taong unang beses nakatapak sa shop niya. Nang matapos sa ibang umo-order ay saka niya binalikan ang lalaki. Nakatitig ito sa mga cake and pastries na nasa cake chiller. Nang mapansin siya nito ay bahagya itong ngumiti at lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Pati tuloy siya ay napangiti na rin. "Naka-order na po ba kayo, Sir?" tanong niya. "A, oo. Bigyan mo 'ko ng Americano at isang slice ng pinakabagong luto niyo na cake," anito. Napatanga naman siya sa narinig. Inaakala ba nito na hindi fresh ang mga pastries nila? "Excuse me, Sir---" " Bakit dadaan ka ba?" Pilosopong sabi nito. Napangiwi siya pero agad din niyang binago ang ekspresyon. Kailangan niyang maging polite kahit na medyo naiinis na siya sa angas ng lalaking ito. Hilaw siyang ngumiti at nilunok ang sariling laway para kalmahin ang sarili. "Bago ho ang lahat ng pastries namin, Sir. We made sure that we are serving new and fresh cakes everyday," wika niya. "Kung 'yon lang po ang order niyo ay dadalhin ko na 'to sa loob," dagdag niya at tinalikuran na ito. Pagpasok sa kusina ay sinubukang kunin ni Leo ang papel sa kanya. Pero hindi niya 'yon ibinigay at siya na mismo ang naghanda ng order. Hindi niya napansin ang pagpapalitan ng tingin ng mga barista. "May problema ba, Ma'am Ri?" Usisa ni Kai. "May pilosopong customer kasi sa labas. Sinabi ba namang ang pinakabagong bake na cake raw ang ibigay ko sa kanya. Anong akala niya inaabot ng ilang araw ang mga cake natin?" Palatak niya at inilagay na sa serving tray ang Coffee Americano na inihanda niya. Pagkatapos ay kumuha ng plate para paglagyan naman ng slice ng cake. "Aba't loko 'yon a!" Palatak ni Kai. Akmang lalabas na siya nang pigilan siya nito. "Gusto pala niya ng mainit ha? Ito ibigay natin," pagkasabi no'n ay inilabas nito mula sa oven ang umuusok pang Ube Cremé Brulee Cake at nag-slice saka 'yon inilagay sa plate. Napangisi si Yuri at lumabas na dala ang tray. Natanawan niya agad ang lalaki na naroon pa rin sa puwesto kung saan niya ito iniwan. Ngiting-ngiti siya ng ilapag sa harapan nito ang kape at cake. "Enjoy your coffee... and cake, Sir!" Masiglang wika niya. "Wow! Ça devrait être bon. I mean it looks good," anito at nag-thumbs up. It looks good daw ang ibig sabihin ng sinabi nito pero malinaw naman niyang narinig na 'It should be good','yon. Mokong na 'to. Naiirita na siya sa kasasalita nito ng French. Imbes na sairin pa ang natitirang pasensya niya ay bumalik na lang siya sa counter at in-estima ang ibang kostumer. Pero panaka-naka niyang sinusulyapan ang lalaki at tinitingnan ang bawat galaw nito. Nakita niya ng kunan nito ng litrato ang cake at ilang beses 'yong tinikman. Kada tikim naman ay napapatango ito siguro ay satisfied ito sa lasa. Mayamaya ay lumagok ito sa Coffee Americano habang kinakalikot ang telepono nito. Pagkatapos ay itinapat nito 'yon sa tainga. Hindi naiwasang umandar ang pagiging mausisa niya at lumapit siya sa cake chiller na malapit sa pwesto ng lalaki at pasimpleng nakinig sa sinasabi nito sa kausap sa telepono. Nagtama ang paningin nila at bigla itong nag-iwas ng tingin saka siya tinalikuran. "Oui. Ils ont les meilleures pâtisseries ici," wika ng mokong sa kausap nito sa kabilang linya. Abot tainga ang ngiti niya dahil sa narinig. They have the best pastries here. 'Yon lang naman ang sinabi nito. Akala niya ay kung ano ang sasabihin nito sa kausap 'yon pala ay ico-compliment lang sila especially ang gawa niya. Sukat sa narinig ay hindi na niya ipinagpatuloy ang pag-uusisa at iniwan na ito. At least honest naman pala ito kahit may pagkapilosopo. Pero sige na nga, gwapo rin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD