Napurnada ang plano ni Natalie na ipagluto ang asawa. Napangiti na lang si Clyde at bumangon na sa kanyang higaan. Gusto niyang matawa lalo at naririnig niya ang mabining hilik ng kanyang asawa.
Bumaba na siya sa kusina at siya na ang nagluto. Tiningnan niya ang mga naroong sangkap. Halos naroon ang mga gusto niyang ingredients sa mga gusto niyang iluto. Na-miss na niya ang mga pagkain na sa Israel lang niya halos natitikman. Marami namang kainan sa Manila na nag-o-offer ng mga pagkain tulad ng shawarma, lamb kebab, at kung ano pang mga pagkain na pawang sa Middle East mostly hinahanda.
Ilang sandali pa, abala na si Clyde na naghahanda ng mga pagkain. Nag-marinate na siya ng karne at hinanda na rin ang lamb rack na gusto niyang i-bake mamaya. Kahit papaano ay maasahan ang mga tauhan niya sa Manila na ihanap siya ng mga sangkap.
Sanay naman siya sa kusina kahit papaano. Maselan siya sa pagkain lalo at minsan na siyang naospital noong kumain siya sa isang party. Kaya, simula noon ay naging maingat na siya sa mga kinakain sa labas. Siya mismo ang nagluluto ng kanyang mga kinain kahit gaano pa siya kaabala.
Samantala, nagising si Natalie na kumakalam ang kanyang sikmura. Wala si Clyde sa kanyang tabi kaya maingat siyang bumangon. Nang tingnan ang wall clock ay ala una na ng hapon. Kahit mahapdi pa ang kaselanan, bumaba na siya sa kama. Naglakad siya na hubot hubad patungo sa banyo. Nang tingnan niya ang kanyang katawan sa vanity mirror sa loob ng banyo, namumula ang kanyang leeg, mga hita at ang kanyang mga n*****s ay namamaga pa nga. Namula ang kanyang mukha nang maaalala ang mga maiinit nilang sandali ng asawa. Napakagat siya sa kanyang labi at naligo na para matupok ang init na unti-unting ginigising ng mga alaala ng kanilang pagtatalik ni Clyde.
Abala siyang nagsasabon ng katawan nang makapa niya ang namamaga na niyang kaselanan. Napangiwi siya lalo at mahapdi na iyon sa totoo lang. Dalawang araw pa lang siyang kasal pero ang honeymoon nilang mag-asawa ay pang isang buwan na yata.
Nagbanlaw na si Natalie at matapos maligo ay nag-apply na rin ng lotion at nagsipilyo pagkatapos. Nagtapis lang siya ng tuwalya at lumabas na ng banyo. Pumasok siya sa kanilang walk in closet at namangha siya nang masilayan ang mga damit na naroon pagbukas niya ng isang cabinet. Nalula siya sa presyo ang ilang gown doon na nakabalot pa ng plastic.
Kaya, naghanap siya ng pwede niyang isuot. May nakita siyang pajama na yarin sa cotton at may kapares pa na sleeves. Mayroon din iba’t ibang klase ng mga underwear pero ang isang beige na panty ang kinuha niya. Hindi na siya naghagilap ng bra lalo at nasa bahay lang naman silang mag-asawa. Isinuot na niya ang kanyang mga nahagilap na damit at bumaba na sa kusina.
Nasa hagdan pa lang siya pababa nang maamoy niya ang nakakagutom na aroma ng mga nilulutong pagkain. Napangiti si Natalie at nag-abala pa yata ang asawa niya na magpaluto. Plano niya sana itong ipagluto kung hindi lang siya nakatulog sa pagod matapos nilang magsiping.
Pumikit siya habang ninamnam ang amoy ng mga pagkain. May naamoy siyang spices at may ideya na siya sa magiging pananghalian nila. Dahan-dahan ang bawat hakbang ni Natalie at ayaw niyang makalikha ng ingay.
Pero, napaawang ang kanyang labi nang makita kung sino ang nasa kusina at abalang nagluluto. Walang iba kundi ang kanyang asawa na si Clyde! Machong macho ito sa suot nitong apron at oven mittens habang buhat nito ang isang baking dish na umuusok pa.
Nang lumapat ang amoy ng niluto ni Clyde ay alam na kaagad ni Natalie. Baked lamb chops na amoy rosemary at mint.
Sinupil ni Clyde ang kanyang sarili na lingunin ang bagong paligo na asawa. Napakaganda ni Natalie sa suot nitong simpleng pajama at sleeveless top. Kahit yata basahan ang damit nito ay lilitaw ang kagandahan nito. She is beyond divine. She is like an angel especially without makeup. Though, she is equally gorgeous with her makeup on. He prefers her with her bare face and naked in his bed.
“Food will be ready in any minute, darling. Just sit back and I will serve you,” ani Clyde.
“Okay, ikaw ang masusunod, chef.”
Parang may pakpak ang paa na pinaghain ni Clyde ang asawa na naghihintay na sa kanilang dining table. Malawak ang kanilang dining area at ang pinaka highlight doon ay ang magandang chandelier na animo galing sa medieval times. Namangha si Natalie sa kakaibang taste ng asawa sa mga muebles. Noon lang din niya napansin ang magandang bar counter na gawa sa matigas na uri kahoy na barnisado. May ilang mamahaling vintage wine din na naroon at iba’t ibang uri ng kopita.
Hindi na niya namalayan na naroon na pala lahat ng niluto ni Clyde sa kanyang harapan. Beef kebabs, baked lamb chops, mashed potato at caesar salad na nakahain. Halos malula si Natalie sa dami ng hinanda ni Clyde lalo at dalawa lang naman silang kakain.
“Marunong ka pala magluto. Para sa isang ubod ng yaman na katulad mo ay nakapagtataka,” komento ni Natalie.
“Sa states ako nag-aral darling at walang katulong doon. Well, pwede naman sana kaso tamad akong magbitbit ng katulong,” kaswal na sagot ni Clyde. Umupo na siya matapos ilapag ang hawak na mga kopita at isang bote ng red wine.
“Saan ka ba nag-aral at ano ang kurso mo?” ani Natalie. Pinaghihiwa na siya ni Clyde ng lambchops habang siya naman ay kumuha ng beef kebabs.
“MIT and I have a degree in Mechanical Engineering,” nakangiting saad ni Clyde. He is pleased that his wife is interested in his whereabouts without trying to impress him. Kakaiba nga si Natalie sa mga babae na nakasalamuha na niya. Hindi ito ang klase na nagpapa-impress at ang reaksyon nito ay napaka makatotohanan.
Napaawang naman ang labi ni Natalie sa nalaman. MIT ang pangarap ng kanilang bunsong si Nixon at Mechanical Engineering naman ang pangarap nitong kurso.
“Magkakasundo kayo ni Nixon pihado ako. Sa MIT niya gusto mag-aral at Mechanical Engineering ang gusto niyang kurso,” ani Natalie. Kinagat na niya ang beef kebab at napapikit siya sa sarap ng luto ng mister niya. Nang magmulat ang kanyang mata ay ang nakangiting mukha ni Clyde ang bumungad sa kanya kaya napasimangot siya.
“Masarap ba akong magluto, darling?”
“Oo, pwede ka ng maging chef,” sagot niya ng nagkibit balikat.
“Ilang taon na ba si Nixon at may plano na siyang kurso? tanong ni Clyde.
“Six pa lang siya pero grade two na. Accelerated siyang bata at isang certified bookworm. Nababanas nga kami minsan lalo at puro Robotics at AI ang mga librong binabasa,” nakaismid na sagot ni Natalie. Kung bakit naman kasi lahat ng hilig ng kapatid ay kinukunsinti ng Lolo Arthur at ng pinsan niyang si Trevin. Tuloy, minsan ay na-bully ang kanilang kapatid sa pagiging nerd nito.
“Well, that’s good at bata pa siya ay alam na niya ang gusto niya sa buhay,” amused na sagot ni Clyde. Naaaliw siya sa iritasyon na bumalatay sa magandang mukha ng asawa. Naalala tuloy niya kung paano sitahin ng kanyang biyenan ang batang may dalang libro sa party. Naalala niya ang kanyang kabataan sa bunso ng mga Angeles.
“What? Anong good? Hindi mo lang alam kung paano siya kutyain ng mga kaedad niya dahil sa tingin nila ay weird siya!” Tumirik talaga ang mata ni Natalie sa inis habang naalala ang mga pasaway na kaklase ng kapatid na umaaway kay Nixon. Nagmamaktol na si Natalie pero abala pa rin siyang kumakain. Sa sarap ng luto ni Clyde at sa gigil niya ay hindi na niya namalayan na marami na pala ang kanyang nakain.
“I’ve been through that phase of my life. Mukhang hindi naman weakling ang bunso ninyo,” kaswal na sagot ni Clyde. Pinigil niyang matawa nang nakita niya na pinangigilan ng asawa ang beef kebab na niluto niya. At least hindi nasayang ang effort niya sa ilang oras ng paghahanda.
Napakunot ang noo ni Natalie sa sinabi ni Clyde. Hindi siya makapaniwala na nerd dati ang asawa. Wala sa itsura nito ang pagiging nerd. Playboy pwede pa.
Clyde chuckled. Alam niya ang naglalarong ideya sa isip ng asawa. Well, marami naman ang ayaw maniwala sa kanya dahil mayaman sila at may lahi pa siyang Israeli. Pero, hindi pa rin siya nakaligtas sa pambubully lalo na sa mismong mga pinsan niya na hinahayaan lamang ng kanyang ama.