HMW9: Son-in-law

1764 Words
And just like that their one week honeymoon ended. Natalie was amazed by her husband’s property. Mayaman nga ito at kaya pala madali para rito na mag-invest sa kanilang negosyo. Binili ni Clyde ang isang lupain na akala niya noon ay hindi binebenta. Malamang ay maimpluwensya ito pero ni hindi man lang niya nalaman iyon dahil hindi naman niya nakikita si Clyde sa mga pahayagan. Hindi katulad ng ibang mayayaman na komportableng ibalandra ang mga yaman ng mga ito sa madla. Sakay sila ng sports car ni Clyde pabalik ng San Bartolome. Alas dyes na ng umaga pero hindi naman masakit sa balat ang init ng araw kahit pa nakabukas ang roof ng sasakyan. Ang magandang tanawin pababa ng burol ang natatanaw ni Natalie. She is amazed by how the roads were engineered without ruining its beauty. Sementado ang daan na binabaybay nila pero tago iyon sa paningin kung titingnan sa malayo as it is covered by trees. Paikot ang daan pababa ng burol at nang marating nila ang highway pabalik ng San Bartolome ay tama ang hinala ni Natalie. Hindi niya makita ang daan paakyat ng burol mula sa highway. “Clyde, ilang milyon ang itinapon mo para sa ganyang proyekto?” kaswal na tanong ni Natalie. “Sweetheart, do I look like I'm on the brink of bankruptcy? Huwag mo ng alamin at baka malula ka pa. That was my fortress and I need it to be fortified and I don’t mind spending a lot,” sagot ni Clyde. Hindi na kinulit ni Natalie ang asawa at tinapunan na lang ang burol kung saan nakatago ang mansion ni Clyde. Ayaw naman niya isipin na darating ang panahon na magkakaroon siya ng karapatan sa ari-arian ng asawa. Hindi niya alam kung hanggang kailan ito magsasawa sa kanya. Kaya, as much as possible, ayaw niyang masyadong ma-attach kay Clyde at baka masaktan lang siya kapag tuluyan na siya nitong hiwalayan. Umaasa siya na tutuparin ni Trevin ang pangako nito sa kanya. Trenta minutos lang narating na nila ang bayan ng San Bartolome. Kinse minutos pa ang papunta sa Hacienda Angeles kaya hindi na siya nagtaka nang diretso sila pauwi sa. Nang makarating na sila ang mansion ng kanyang pamilya, napangiti si Natalie. Naroon kasi sa labas ang kanyang ina at abala na nag-a-arrange ng mga potted plants. Ang kanyang magandang ina na sa tuwina ay konsumido sa mga kapatid niya na mga pasaway. “Nanay!” sigaw ni Natalie na siyang kinalingon ng ina. Napahinto naman ang ina na kanina lang ay abala sa paglilipat ng mga paso. Napangiti ito at lumapit sa mag-asawang kararating lang mula sa kanilang honeymoon. Lumapit ang mga bagong dating at nagmano na sa ina. Kahit si Clyde ay hindi napigilan na humanga sa angking ganda ng kanyang biyenan. Para lang din kasing nakakatandang kapatid ng kanyang asawa ang kanyang biyenan. Sakto naman na dumating si Trixxie kay masa lalong napaawang ang labi ni Clyde. “Oh, narito na pala kayo,” bungad ni Trixxie. “Sandali, tatawagan ko si Kuya Harvey para umuwi na muna siya. Malamang nasa palayan na naman iyon.” Nagmano na rin si Natalie at Clyde sa kararating na tiyahin. Napangiti si Clyde at hindi napigilan na tingnan ang tiyahin ng asawa. Parang si Trixxie talaga ang ina ni Natalie sa paningin ni Clyde. “Mama, sure po kayo na anak n’yo si Natalie?” biro ni Clyde sa biyenan. “Oo naman, Hijo anak ko nga ang asawa mo. Natural naman na kamukha siya ng tita niya dahil magkamag-anak sila,” natatawang saad ni Erica sa manugang. Siniko ni Natalie ang asawa. Kahit siya ay laging tinutukso ng ibang mga bata noon na anak siya ng kanyang Tita Trixxie dahil na rin para silang pinagbiyak na bunga. Alam na niya ang naging kasalanan ng tiyahin sa kanilang pamilya at hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob dito. Sabi nga ng kanyang Yaya Pacing na mabait at maunawain ang kanyang Nanay Erica. Naging mapagmahal naman ang kanyang mga lolo at lola. Pinunan ng mga ito ang pagkukulang ng kanyang ama na nagduda sa kanyang katauhan dahil sa kagagawan ng kanyang Tita Trixxie at ang asawa nito ngayon na si Engr. Gavin Mendez. Kaya kahit na halos apat na taon na siya nang unang makita ang ama ay hindi rin siya nagtampo rito. Alanganing ngitin ang sinukli ni Clyde sa kanyang biyenan. Pumasok na sila sa mansion ng mga Angeles at sinalubong kaagad sila ni Yaya Pacing. “Naku, kumusta na ang apo kong may asawa na?” anito. Nagmano si Natalie sa kanyang Yaya Pacing. Ganoon din sng ginawa ng asawa. Napaismid si Yaya Pacing nang masilayan si Clyde. “Kapag talaga sinaktan mo itong alaga ko, makakatikim ka sa akin, ikaw na kapre ka!” anang matanda. “Yaya Pacing! Huwag mo naman takutin ang manugang namin,” saway ni Trixxie. “Parating na ang Tatay Harvey mo, Natalie. Mauna na ako sa inyo at marami pa akong aasikasuhin sa resort.” Umalis na si Trixxie at naiwan ang mag-asawa sa sala. May gusto sanang kunin si Natalie sa kanyang kwarto pero baka magsayang lang siya ng effort at babalik din naman siya sa kanilang mansion pagkalipas ng ilang buwan. May narinig silang ugong ng sasakyan. Napalingon sila sa pinto nang pumasok kaagad doon ang hapo na si Harvey. “Anak!” Kaagad na lumapit ang bagong dating sa anak at niyakap ito ng mahigpit. Naramdaman na lang ni Harvey na tinapik siya ng anak at saka na lang niya binitiwan ang panganay. “Na-miss ko ang anak kong may asawa na,” mahina nitong saad. “Tatay naman eh. Isang linggo lang naman akong nawala at saka mag-aaral pa rin naman ako at palagi ko kayong bibisitahin dito,” ani Natalie. Napalingon naman si Harvey sa manugang na nakatayo sa tapat ng sofa. At saka na ito lumapit sa kanilang mag-ama at nagmano sa kanya si Clyde. “Saan ba kayo titira, Clyde?” tanong kaagad nito sa manugang. Nagmano na muna si Clyde kay Harvey at saka siya tumikhim bago sumagot. “Sa Mall Tower po,” sagot niya. Ang Mall Tower na tinutukoy ni Clyde ay ang pinakaunang condominium tower na itinayo sa San Bartolome. Mid-rise condominium ito na pagmamay-ari rin ni Clyde na nasa tapat lang ang mall na kasalukuyang dine-develop ni Clyde. Kaya maraming mga kababaihan ang napapabalitang umaaligid kay Clyde sa kanilang bayan lalo na nang malaman ng mga ito na ito ang may-ari ng dalawang negosyo. “Ang penthouse po ang magiging tahanan namin mag-asawa,” kaswal na sagot ni Clyde. Napatango naman si Harvey sa manugang. “Natalie, baka may gusto kang kunin na gamit sa kwarto mo,” kapagkuwan nasambit ng ama. Hudyat iyon kay Natalie para umakyat na muna sa kanyang silid. Tinanguan niya lang si Clyde na ngayon ay nakatayo na harap ng biyenan. “I want to discuss something with you, Clyde,” ani Harvey. Humakbang na ito at binaybay ang daan patungo sa library na nasa ikalawang palapag ng mansion ng mga Angeles. Nakasunod lang si Clyde bagaman wala siyang ideya sa sadya sa kanya ng biyenang lalaki. Nang buksan ni Harvey ang pinto ng library, magkasunod silang pumasok at sinara ni Clyde iyon pagkatapos. May kinuha si Harvey ang folder kung saan nakapaloob ang investment deal nila ni Clyde. Sandali niyang binuklat iyon at saka pinakita kay Clyde. “Ito ang patunay ng kahinaan ko bilang ama. Para sa negosyo nagawa kong halos ibenta ang anak mo sa iyo.” Sandaling tumigil si Harvey para tumayo at napabuntong hininga bago nagpatuloy. “Sana hindi ko pagsisihan ang nagawa ko sa hinaharap,” malungkot na saad nito. Napakuyom ang kamao ni Clyde sa sinabi ng biyenan. Alam niyang nag-aalala lamang ito dahil bata pa nga naman si Natalie. Hindi pa nakatulong ang palaging pagbuntot ni Trevin sa biyenan na alam niyang siyang laging ayaw sa kanya. Ayon pa nga sa pinsan niyang si Ariston, may sigalot ang mga Angeles at ang ilan sa kanyang mga tiyuhin dahil sa pagkamatay ng kanyang nag-iisang pinsan na babae na si Dianne. “I will not give you any reasons to doubt me as your son-in-law. May tiwala naman ako magiging malago ang negosyo ninyo, ‘Tay.” Nakita ni Clyde kung paano naningkit ang mata ng biyenan nang sambitin niya ang katagang pantawag ng asawa rito. Saglit itong pumikit at hinarap siya. “You will not be married for too long. Matagal na ang isang taon at pwede ka na mag-file ng annulment. Alam ko ang ugali ng anak ko. Baka hindi mo kayanin ang katigasan ng ulo niya in the long run--” “Please, don’t judge me just because I came from the family that ruined your sister’s life. Wala akong pakialam sa mga iyon lalo at hindi naman ako lumaki sa poder ng mga Guevarra. Mr. Angeles, I intended Natalie to be my one and only wife as divorce in my maternal kins is not allowed.” Hindi na hinintay ni Clyde na sumagot ang biyenan sa kanyang sinabi. Gusto . niyang magalit. Gusto niyang manakit sa mga masasakit na salitang narinig niya. He hated it when someone judged him just because he is a Guevarra. Hinamig niya ang sarili lalo at nakita na niya ang kanyang magandang asawa na papalapit sa kanya. “Saan ka ba galing?” tanong kaagad ni Natalie sa asawa na seryoso ang mukha. May bitbit itong stuffed animal sa kamay at isang paperbag habang tinitingnan siya nito. Napangiti si Clyde at kaagad na niyakap si Natalie. “May pinag-usapan lang kami ng Tatay Harvey mo,” mahina niyang sagot. Pagsapit ng tanghali, naroon lahat ang mga Angeles at sa lanai sila nananghali sa dami nila. Tanging si Clyde lang ang nahalo sa mga ito. Napakasaya nga ng pamilya ng asawa hindi katulad niyang nag-iisang anak na nga malayo pa ang loob sa ama. Gabi na nang nagpaalam silang mag-asawa. Doon na rin sila naghapunan ayon na rin sa kahilingan ng abuela ng asawa na si Senyora Anatalia. Nagmamaneho si Clyde nang napansin na malungkot ang asawa. Napangiti siya lalo at maganda talaga ito kahit nakabusangot pa. Hinding-hindi niya pagsasawaan tingnan ang mukha ng kanyang asawa na madalas niyang gawin kapag tulog na ito pagkatapos nilang pagsaluhan ang mainit na sandali. “Eyes on the road, Mr. Guevarra! Mamaya mo na pagpantasyahan ang katawan ko,” asik ni Natalie. Humagalpak na lang ng tawa si Clyde. Guilty as charged kasi lalo at nakita rin ng asawa kung paano niyang tingnan ang naka-expose nitong cleavage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD