HMW10
Alas nuebe na nang marating nila ang Mall Tower. Pagkababa ng sasakyan may dalawang lalaking magkamukha ang lumapit sa kanila na siya pinagtataka ni Natalie.
“Darling, meet Grant and Brent. Sila ang magiging bodyguard mo, kung nasaan ka, asahan mo ng naroon din sila,” saad ni Clyde.
Nakasuot ang dalawa ng all black na damit at tila mga guwardiya sa bangko sa tangkad at tikas ng mga ito.
“Good evening, Mrs. Guevarra,” sabay na bati ng dalawa.
Yumukod ang dalawa kay Natalie. Hindi naman nakaimik ang huli sa sinabi ng asawa. Bilang paggalang, yumukod din siya sa dalawa. Alam niyang mayaman ang angkan ni Clyde pero hindi niya akalain na magkakaroon siya ng bodyguard at dalawa pa.
Nakasimangot si Natalie na sumunod na kay Clyde na kanina pa nauna papunta sa condo building. Pagpasok ni Natalie, may lobby man na nakaantabay doon at pinagbuksan pa siya.
“Halika na darling, inaantok na ako,” sambit ni Clyde sa asawang nakasimangot.
Naglakad na palapit si Natalie pero napatili siya nang buhatin siya ni Clyde na tila bagong kasal at hinalikan pa ang kanyang nakaawang na labi.
“Mauna na kami, boys. Bantayan ninyo ang paligid at maglilmlim muna ang amo n’yo. “ Kinindatan pa ni Clyde ang mga tauhan na nakangiti na lang sa mga sinabi nito.
Gustong hampasin ni Natalie ang asawa. Pati ba naman ang gagawin nilang mag-asawa ay ipagmamayabang pa nito sa mga tauhan. Nang bumukas at sumara na ang elevator nagpupumiglas siya sa bisig ni Clyde.
“Ibaba mo nga akong manyak ka! Hindi ka na nahiya sa mga tauhan mo!” Hindi na napigilan ni Natalie na lapirutin ang pisngi ni Clyde sa gigil niya.
“Aray! Darling, gusto mo yata ang karinyo brutal?!”
“Ibaba mo sabi akong manyakis na gurang ka!” nanggagalaiting saad ni Natalie. Totoo nga na mag-asawa sila at tauhan naman iyon ng asawa niya pero nakakahiya pa rin ang mga sinabi ni Clyde!
“Don’t move, darling. Kailangan nating binyagan mamaya ang magiging pugad ng pagmamahalan natin.” Hinalikan pa ulit ni Clyde ang asawa na nanlilisik ang mata sa inis.
Tumunog na ang prompt ng elevator at karga pa rin ni Clyde ang asawa na nakabusangot. Nang bumukas ang elevator sinalubong naman sila ng isang lalaki na may edad.
“Matias, paki buksan ang pinto para sa amin,” nakangiting utos ni Clyde sa tauhan.
Sumunod naman ang tauhan nito na nagmamadaling hinugot mula sa bulsa nito ang access card sa penthouse. Nang tumunog iyon, pinagbuksan pa silang mag-asawa ng pinto ni Matias at saka magalang na itong nagpaalam.
Ibinaba na ni Clyde si Natalie sa malambot na grey leather couch. Noon lang napansin ng huli ang kabuuan ng penthouse. Minimalist ang style ng interior at pawang puti at grey ang dominanteng kulay ng pintura pati na rin ng mga muebles. Tanaw ni Natalie ang eleganteng kusina kung saan may malaking island na yari naman sa puting granite. May mga long stool na nakapalibot sa island na iyon.
Tumayo si Natalie at naglakad palapit sa kusina. Halos magningning ang kanyang mga mata nang makita ang mga iba’t ibang gamit sa pagluluto. Mahilig siya magluto dahil lumaki naman siyang palaging nakatambay sa kusina at kahit noong bata pa siya palagi siyang nakaabang sa Nanay Erica niya at Lolo Enrico tuwing nagluluto ang mga ito noong nasa poder pa sila ng huli.
Napasinghap si Natalie nang maramdaman ang mahigpit na yakap ni Clyde mula sa likod. Sinamyo pa nito ang kanyang punong tainga at marahan na kinagat ang kanyang balikat.
“Do you like our kitchen, darling?” maharot na tanong ni Clyde.
Gustong kumawala si Natalie sa yakap ng asawa dahil naramdaman niya ang matigas na bagay na tumutusok sa likuran niya.
“Bitiwan mo nga ako! Ayan na naman ang payakap-yakap at halik na iyan eh,” asik ni Natalie. Hinawakan niya ang mga braso ng asawa at pilit niyang tinatanggal ang ang yakap nito ngunit mas lalong humigpit ang yakap ni Clyde sa kanya. “Ano ba Clyde?” sigaw niya.
“Please, darling isa lang talaga para lang mabinyagan na ang love nest natin.”
Hindi nakaimik si Natalie nang basta na lang siya buhatin ni Clyde at dalhin papasok sa isang bukas na pinto na sa tingin niya ang magiging kwarto nila. Katulad ng sala at kusina, grey din ang kulay na prominente sa kwarto. May king size bed na naroon sa bandang kaliwa ng silid at may lampshade pa na nasa gilid nito.
Diretso sila sa banyo, lalo pa galing si sa labas at nanlalagkit na rin sa pawis. Hinayaan ni Natalie ang asawa sa gusto nitong gawin sa kanya. Si Clyde na ang naghubad ng kanyang dress. Napasinghap siya nang ganap nang kumawala sa kanyang kasuotan at tanging underwear na lang ang kanyang suot. Ang mainit na labi ni Clyde ay naramdaman kaagad niya sa kanyang dibdib nang simsimin nito ang kanyang n*****s. Napahawak siya sa malago nitong buhok lalo at parang sanggol na uhaw sa gatas ng ina ang asawa niya kaya tinapik niya ito.
“Dahan-dahan naman, Guevarra at baka matanggal ang n*****s ko!” asik niya.
Napahinto naman si Clyde sa sinabi ng asawa at napangiti siya nang makita ang nakasimangot na mukha ng asawa. Kung ang mga babaeng dumaan sa buhay niya iyon, baka mas ipagdiin pa siya sa mga dibdib ng mga iyon. Pero, kakaiba nga naman ang asawa niyang aayaw ayaw sa kanyang ginagawa pero bibigay naman sa kalaunan. Imbes na ma-turn off sa ginawa ng asawa, binaba na lang niya ang underwear nito at lumuhod na sa harapan nito.
“Hoy! Dugyot ka talaga, hindi pa ako naghugas oy Guevarra!” tili ni Natalie sa asawa. Alam naman niyang wala siyang hindi kanais-nais na amoy sa kanyang pagkababae pero pawis siya at hindi pa siya nakakapaghugas.
“Mabango at masarap pa rin ito darling!” nakangising saad ni Clyde. Hinawakan pa niya ang isang hita ni Natalie at isinampa sa kanyang balikat iyon. Isang malakas na pagsinghap ang kanyang narinig nang tuluyan na niyang hinalikan ang nakahantad na kaselanan ng asawa. “This taste so good, darling,” tukso ni Clyde sa asawa.
Napangiti si Clyde nang makita niya na tinakpan na pala ni Natalie ang kanyang mukha gamit ang mga palad nito. Kaya, pinagbutihan niya ang pagpapaligaya dito hanggang sa napakapit na ito sa kanyang buhok. Ginalugad ng kanyang matigas na dila ang lagusan ng asawa na ngayon ay may katas ng dumadaloy. Ang kaninang tahimik na si Natalie ay napapaungol na rin sa bawat paghagod niya sa lagusan nito. Ang mga kamay ni Clyde ay abala naman na nakataas at mahinang minamasahe ang malulusog na dibdib ng asawa.
Binilisan niya ang bawat paggalaw ng kanyang dila sa kaselanan nito at ilang sandali pa napatingkayad si Natalie at sumikip ang lagusan nito, tanda na naabot na nito ang unang rurok ng kaligayahan. Lupaypay na napahawak si Natalie sa kanya at binuhat niya ito papasok sa bathtub. Tinimpla niya ng saktong temperatura ng tubig habang nagmamadali naman siyang maghubad. Hubot hubad na si Clyde nang pumasok siya sa bathtub at inumpisahan na niyang paliguan ang asawang napagod sa ginawa niya.
Naligo na rin siya at bago pa man sila natapos, hinalikan ulit ni Clyde ang asawa. This time, buong pusong gumaganti na si Natalie sa bawat halik niya. Nalunod ang kanyang pag-ungol sa mga labi nilang nagpapaligsahan pa rin sa paghalik.
Kinarga na ni Clyde ang asawa lalo at gusto na niya itong makaulayaw. Halos takbuhin na niya papunta sa kanilang kama ang asawa. Maingat niyang nilapag si Natalie sa gilid ng kama at sinampay niya ang mga binti nito sa kanyang balikat at ginawa ang kanyang paboritong gawin sa asawa.
Napapakapit na lang si Natalie sa bedsheet habang si Clyde ay walang kasawa-sawa na nilalasap ang kanyang kaselanan, Pakiramdam niya matutuyuan na siya ng katas sa gabi-gabi nitong pagsisid nito sa kanya. Mukhang kumuha pa yata ng masteral degree ang asawa sa pagsisid ng mga perlas. Minsan napapangiwi na lang siya lalo at humahapdi ang kanyang kaselanan. Isang linggo pa lang silang kasal pero pakiramdam niya isang buwan na siyang gabi-gabi na palaging pagod.
“Dahan-dahan naman!” reklamo ni Natalie.
Napahinto si Clyde sa reklamo ng asawa. Sandali siyang tumayo at mayabang na hinarap ang asawa. “Darling, matigas na matigas na oh. Anytime ipapasok ko na ito,” mayabang na saad ni Clyde.
Tumirik ang mata ni Natalie sa inis sa asawa. Napangiwi siya matapos makita ang pagkalalaki ng asawa na tila nagyayabang sa kakisigan nito. Minsan naisip na lang niya kung paano ba nagkasya iyon sa kanya. May lahing Israeli ang asawa at talaga namang pinagpala din ito kung kargada lang din ang pag-uusapan.
At ang sinabing isa lang ni Clyde sa asawa ay hindi natupad. Madaling araw na niyang tinigilan ang asawa na halos mapaos na sa pagsigaw. Halos lahat na yata na sulok ng kanilang penthouse ay inikot nila at lahat ng posisyon na alam ni Clyde ay pinaranas niya sa asawa.