Naalimpungatan si Natalie bandang madaling araw. Naiihi siya at gusto niyang bumangon pero may nakadagan sa kanyang mga hita. Gusto niyang kumawala sa higpit ng yapos nito sa kanya pero kahit kumislot siya ay mas lalong humigpit ang yakap nito. Nang imulat niya ang kanyang mata, ang tulog na si Clyde ang kanyang nasilayan. Payapa itong nakapikit at nakayakap pa ang mga braso nito sa kanya.
Dahan-dahan ang pagtanggal niya sa braso ni Clyde sa katawan niya. Nang tuluyan na siyang nakawala, iinot-inot siyang bumangon at napangiwi na lang sa hapdi nang magkiskisan ang kanyang kaselanan. Naalala niya tuloy kung ilang beses siyang dinala ng asawa sa dako paroon ng nakaraang gabi.
Walang saplot si Natalie na tinungo ang banyo at nang umihi na siya napapikit siya sa hapdi ng kanyang kaselanan. Nang matapos siya saglit nagbabad sa bathtub na may maligamgam na tubig. Hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya. Napapitlag siya nang may narinig siyang tumikhim. S Clyde pala iyon na kanina pa yata nakamasid sa kanya. Namilog ang kanyang mata nang mabistahan niyang hubot hubad ito at galit na naman ang sandata nito.
“Utang na loob, tigilan mo muna ako!” reklamo ni Natalie. Naiiisip pa lang niya na baka isahan na naman siya ng asawa ay napapangiwi na lang siya.
“Relax darling, magpahinga ka muna para pwede na ulit sa susunod na araw,” nakangiting saad ni Clyde. Pumasok na rin siya sa bathtub nila na kasya ang dalawang katao. Pinatayo niya si Natalie at pinaandar na ang shower. Nang pumalag ang asawa atsaka siya nagsalita. “Relax, paliliguan ko lang ang mahal kong asawa.”
Kaya, hinayaan na ni Natalie ang asawa sa gusto nito. Kahit napapansin niya na kakaiba ang bawat pisil at paghagod sa kanyang katawan, hindi na siya nagreklamo. Nang matapos na siyang banlawan ni Clyde, naligo na rin ito ng mabilisan. Naroon na siya sa vanity mirror at nag-a-apply ng moisturizer sa mukha at katawan nang lapitan siya ni Clyde at ito na ang nagtuyo ng kanyang buhok gamit ang hair dryer. Pareho na silang balot ng roba at nang matapos matuyo ang kanyang buhok, pinangko pa siya nito.
Nilapag siya ni Clyde sa kanilang kama at sandali siyang iniwan. Pumasok ito sa isang pinto at pagbalik nito may dala na itong pantulog at underwear.
“Kaninong damit naman ang mga iyan? Sa mga naging babae mo noon?” asik ni Natalie.
“Of course not, darling. Ako ang personal na namili ng mga iyan noong nagpunta ako ng Maynila. Para sa iyo iyan at meron ka ng mga damit na isang ward robe pa. Isuot mo na muna iyan at pwede ka matulog na ulit. May tatapusin lang akong trabaho sa study room at may meeting pa ako mamayang alas diyes ng umaga.”
Iniwan na ni Clyde ang asawa na nakatingin lang sa damit na inabot niya. Kinuha ni Natalie iyon at sinuot na at muling nahiga. Ramdam pa rin niya ang pagod kaya ipinikit niya ang kanyang mata at muling natulog.
Samantala, hinarap ni Clyde ang tambak na trabaho sa kanyang study room matapos niyang magbihis. Isang linggo rin siyang nawala para sa honeymoon nilang mag-asawa. Binuksan niya ang kanyang cellphone na sinadya niyang hindi pinaandar ng isang linggo. Sunod-sunod na text messages ang kanyang natanggap nang pinaandar na niya ang kanyang cell phone. Nangunguna ang kanyang ama na pinakamaraming text na pinadala sa kanya. Saglit siyang natigilan nang may nabasa siyang congratulatory text mula sa kanyang Baba Noam, ang ama ng kanyang yumaong ina na si Esther.
Napangiti si Clyde nang maalala kung paano siya sorpresahin noon ng abuelo sa kanyang pag-aaral sa MIT. Isa ito sa pinakamasigasig na sumusuporta sa kanyang pangarap na maging isang ganap na Mechanical Engineer. Kahit tutol na tutol ang kanyang amang si Claudio na gusto naman ang Business Management ang kunin niyang kurso. Sa huli, walang nagawa ang kanyang ama lalo at ang abuelo naman ang sumuporta sa kanya.
Kaya, una niyang tinawagan ang kanyang abuelo na bagaman bihira siyang makontak ay alam ang kanyang bawat galaw.
“Mazel tov, habibi!” iyon kaagad ang narinig ni Clyde.
“Baba, I am sorry that I have to be married suddenly without your presence. You see, my Dad doesn’t like my bride,” ani Clyde.
Marami pa silang napag-usapan na mag-abuelo. At nabanggit pa ng abuelo ang kagustuhan na makilala ang asawa ng apo. Kaya, nagbitaw ng pangako si Clyde na sa Israel sila magpapasko mag-asawa. Matapos ang kanilang pag-uusap, ang kanyang ama na si Claudio naman ang kanyang tinawagan. Nakatatlong ring din sa kabilang linya bago sinagot ng ama ang kanyang tawag.
“Papa, ano po sadya?” matamlay niyang saad.
“Nagpakasal ka talaga sa isang Angeles, Clyde?” bungad nito sa kanya.
“First of all Papa, hindi ko po hinihingi ang permiso ninyo. Ipinaalam ko lang sa inyo para hindi na ninyo ipagpilitan sa akin ang babaeng hindi ko naman gusto,” asik ni Clyde. Napapikit siya nang marinig na tinapos na kaagad ng ama ang tawag niya.
Alam naman ni Clyde ang galit ng angkan sa pamilya ng kanyang asawa dahil sa pagkamatay ng nag-iisang pinsan na babae na si Dianne. Pero, para sa kanya labas sila sa usapin ng mga kamag-anak sa galit ng mga ito sa pamilya ng asawa. Hindi rin naman siya malapit sa mga pinsan na pawang may koneksyon sa mga illegal na gawain. Kaya nga lumayo na rin si Ariston sa Maynila para hindi madamay ang negosyo na itinatag ng ama nito na siya na namamahala sa ngayon.
Inasikaso na ni Clyde ang mga pipirmahan na papeles. Pero, kahit na-review na ito ng kanyang executive secretary, inisa-isa pa rin niya ang lahat ng mga iyon. Hindi niya namalayan ang oras sa sobrang pagtutok niya sa mga papeles. Nang makita niyang alas siete na pala ng umaga, tumayo na siya at lumabas ng stusy room.
Sinilip niya sa kanilang silid ang asawa na mahimbing pa rin ang tulog. Napangiti siya lalo at nagreklamo ito kaninang madaling araw na mahapdi pa ang kaselanan. Mukhang sumobra yata siya sa pagiging malambing dito at ilang araw na rin itong panay reklamo sa kanya.
Pumunta siya sa kusina at binuksan na ang ref at naghanap ng pwedeng iluto. May nakita siyang tocino sa chiller at inilabas niya iyon. Kumuha na rin siya ng dalawang pirasong hinog na mangga at apat na itlog.
Sinuot na niya ang apron bago nag-umpisang magluto. Nagsaing na muna siya sa rice cooker ng kanin at saka hiniwa na ang mangga. Ilang sandali pa, nangamoy ulam na ang kabuuan ng kusina nila. Nang matapos niyang iluto ang mga ulam, gumawa na rin si Clyde ng kape gamit ang coffeemaker na nasa bar counter. Latte ang para sa asawa at espresso naman sa kanya. Nilagay niya ang mga pagkain sa mesa at nang matapos niyang igayak iyon gigisingin na sana ang asawa pero nakatayo na ito sa bungad ng kusina.
“Good morning, darling. Maupo ka na at kakain na. Gigisingin na sana kita para kumain eh,” ani Clyde.
Lumapit naman si Natalie at naupo na sa silya. Napangiti siya lalo at kahit papaano ay pinagsisilbihan siya ng asawa. Noong honeymoon naman sila ay salitan silang nagluluto depende na rin sa mga gusto nilang kainin.
“Natapos mo ba ang mga kailangan mong pirmahan?” tanong ni Natalie.
“Oo, naman. Siya nga pala, hindi mo na kailangan pumunta ng school para magpa-enroll. May uutusan akong tauhan na gawin iyon para hindi ka na mapagod. Stay here and rest. Kailangan mo magpahinga ng ilang araw dahil sa susunod na araw luluwas tayo ng Maynila. May business meeting ako at isasama kita,” ani Clyde.
Napaawang naman ang labi ni Natalie sa sinabi ng asawa. Gusto niya sanang lumabas at makipagkita sa kaibigang si Gabriel pero baka magalit naman ang asawa sa gusto niyang gawin.
“Bakit alam mo ba ang mga subjects na kukunin ko for this semester?” nakasimangot niyang tanong sa asawa.
“Of course, darling. Kaharap mo lang naman ang bagong may-ari ng iyong eskwelahan,” kaswal na sagot ni Clyde.
Napatigil naman sa pagsubo ng kanin at napatingin sa asawa. “Seriously? Ikaw ang bagong may-ari ng school namin?” Hindi makapaniwala si Natalie sa nalaman. Kung ang asawa ang may-ari ng school nila, may investment pa ito sa resort nila tapos ito pa yata ang may-ari ng The Mall at ng Mall Tower. Gaano ba kayaman ang pamilya ni Clyde?
“Are you shocked that you are married to a filthy rich man?” nakangiting tanong ni Clyde.
“Mayabang!” asik ni Natalie.
“Mayabang pero may ibubuga. Kaya darling, huwag mong iisipin na makakawala ka pa sa akin. Kaya kong bilhin ang buong resort ninyo, kung gugustuhin ko. Pero, syempre ikaw lang naman ang gusto ko kaya nag-invest lang ako doon.”
“Oo na, huwag mo na ipamukha sa akin na may investment ka sa resort namin. Mababawi mo rin naman ang investment mo doon. Malayo na ang isang taon, bawi ka na kahit papaano,” nakaismid na saad ni Natalie.
“Huwag ka na kasi magalit, darling. Kasalanan mo naman talaga kung bakit ako nag-offer sa Tatay mo ng ganoon. Masyado kang maganda para hindi ka mapasaakin. Hindi mo alam kung gaano ko hinintay ang pagkakataon para maging akin ka.”
Napakunot ang noo ni Natalie sa narinig. Unang beses lang naman niyang nakita ang asawa sa party na dinaluhan, halos tatlong linggo pa lang ang nakaraan. Paanong paghihintay ba ang sinasabi nito?