“Gising na Natnat!”
Sigaw iyon ni Yaya Pacing kay Natalie na ngayon ay tulog pa. Kanina pa tumunog ang kanyang alarm pero napasarap ang kanyang pag-idlip. Bumangon na ang dalaga at nagmamadaling naligo sa kanyang banyo. Wala pang limang minuto tapos na siyang maligo at magbihis. Ni hindi na muna niya tinuyo ang kanyang mahabang buhok at basta na lang niyang binalot iyon ng tuwalya na microfiber.
Binubutones na niya ang kanyang school uniform nang dumulog sa hapagkainan. Kumpleto ang buong pamilya. Ang kanyang Nanay Erica at Tatay Harvey ay magkatapat na nakaupo malapit sa kanyang mga Daddylo at Mamita Anatalia. Napangiwi siya nang pagmasdan ang anim na kapatid. Sa sipag ng kanyang ama gumawa ng bata ay umabot sila ng pito. Dalawang pares ng kambal ang sumunod sa kanya: sina Ericson at Harrison, at Hendric at Hunter, na parang mga aso’t pusa. Ang kasunod na sina Naomi at Nigel ay kabaliktaran naman sa mga sinundan ng mga ito.
“Good luck sa presentation ninyo mamaya Ate Natnat,” anang abuela.
Tumirik ang mata ng dalaga nang marinig ang palayaw niya. “Mamita, it’s Natalie, not Natnat,” dismayado niyang saad habang pinaglalaruan ang pagkain sa kanyang pinggan.
“Ang arte!” bulong ni Hunter. Tiningnan ito ng masama ng ina at napayuko ang dose anyos na binatilyo.
“Hunter?!” ani Erica sa pasaway na anak. Kaagad na tumiklop si Hunter sa pagsita ng ina.
“What did I tell you Hunter? sabat ni Harvey.
Nagpatuloy ang masaganang almusal ng mga Angeles. Sakay ng dalawang van, isa-isang hinatid ang mga estudyante sa kanilang eskwelahan.
Si Natalie ay sakay ng kanyang scooter. Regalo iyon ng kanyang abuelo na si Enrico noong nakaraang buwan sa kanyang debut.
Tamang-tama lang ang dating niya sa dressing room at nakahanda na ang kanyang costume. Magsasayaw sila ng samba bilang intermission number. Anniversary ng kanilang eskwelahan ang Green Valley Academy. At bilang member ng dance sports ay isa si Natalie sa sasayaw kasama ng kanyang dance partner na si Gabriel.
“Bruha! Muntikan ka na ma-late!” Kinurot ni Gabriel ang baywang ni Natalie kaya napangiwi ang dalaga.
“Ano ba bakla?! Napasarap lang ang tulog lalo at may tinapos akong assignment natin.”
Ang akala ng lahat ay macho si Gabriel. Paano ba naman at gwapo ito, matangkad at tsinito na animo isang Kpop idol pero ang totoo ay gwapo rin ang gusto. Siya ang bestfriend ni Natalie lalo na at marami ang asar sa dalaga sa kanilang eskwelahan.
“Magbibihis muna ako para maumpisahan na akong ayusan ng makeup artist,” ani Natalie.
Ilang sandali pa ay abala ng inaayusan si Natalie ng makeup artist na si Bonna. Sinuot na ng dalaga ang kanyang damit at ang kanyang sapatos.
Opening salvo kaagad sina Gabriel at Natalie. Hiyawan ang mga estudyante lalo pa at maraming admirer si Gabriel. Kahit napapangiwi ito sa hiyawan ng mga estudyante, tuloy lang ang sayaw hanggang matapos. Magkasabay silang yumukod sa mga audience at naglakad patungong backstage na hindi alam na may isang pares ng mata na kanina pa siya pinagmamasdan.
*******
Kinagabihan, nagtaka si Natalie kung bakit abala ang tatlong kasambahay. Ang mga kapatid naman ay nakapostura na tila may bisitang darating. Pumasok siya sa kanyang silid at umupo sa silya na nasa katapat ng kanyang vanity mirror. Nakarinig siya ng katok at bumukas ang pinto.
Humugot ng malalim na hininga si Harvey. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa anak ang pakay na hindi magagalit o magtatampo ang panganay. Pinagmasdan niya ang anak na kawangis ng kapatid na si Trixxie.
“May sadya ka Tatay?” tanong ng dalaga sa ama.
Lumapit si Harvey sa panganay at giniya papunta sa sofa na nasa bandang pinto papuntang veranda.
“Anak, makinig ka at sa sasabihin ko ay sana huwag kang magagalit.” Bumuntong-hininga muna si Harvey at hinawakan ang kamay ng anak at saka pinisil iyon. “Pupunta ngayon ang investor ng resort. Siya rin ang bagong may-ari ng eskwelahan na pinapasukan mo at ang developer ng mall na pinapatayo sa sentro.”
Napakunot ang noo ni Natalie sa sinabi ng ama at hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng ama. “So, ano ang kinalaman ko Tatay?”
“Gusto kang mapangasawa ng investor anak.” Mahina ang pagkakasabi ni Harvey pero parang bombang sumabog iyon sa pandinig ni Natalie.
“Tatay naman eh! Kung investor iyan ay malamang parang Lolo ko na s’ya!” maktol nito sa ama.
“Hindi anak thirty one years old pa lang siya ,Filipino-Israeli siya na dito na sa Pinas nakabase. Pinsan ng Tito Ariston mo sa mother side. Nakita mo na siya noong nakaraang linggo,” paliwanag ni Harvey sa anak.
Biglang may naalala si Natalie. Ang lalaking muntik na siyang halikan sa party bago dumating ang kanilang Mayor na si Tristan Alcaraz. Napangiti ang dalaga dahil akala niya ay isang amoy lupa ang ipapakasal sa kanya ng ama.
“Hindi pa naman final anak. Pero, sinabi na niya noong nakaraan. Sana huwag kang magagalit sa akin.” Niyakap ni Harvey ang anak. Masyado pang bata ang panganay para mag-asawa. Ayaw niyang isipin na binebenta niya ito na parang biik para may pang-kapital sa negosyo.
“Kung iyan ang pwede kong gawin Tatay, gagawin ko. Pakikisamahan ko ng maayos ang lalaking iyon.” Hindi alam ni Natalie kung saan niya nahugot ang mga salitang iyon. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay pero mas gusto niyang palugdan ang mga magulang.
Nakita naman niya kung paano magsikapa ang ama at ina na mapalago ang kabuhayan nila. Kaya, bilang panganay ay obligasyon niyang umagapay sa kanilang pamilya.
Tumayo na si Harvey at hinawakan ang kamay ng kanyang anak. Parang kailan lang ay palagi pa niyang karga ang panganay. Parang kailan lang ay halos ayaw pa nito tumigil sa pagdede sa ina. Pero ngayon ay binabagabag siyang kailangan niyang isakripisyo ang pangarap ng anak para sa kanilang negosyo. “Magbihis ka na anak. Kailangan maganda ka para hindi ka tanggihan ni Clyde.”
Lumabas na ng silid si Harvey at doon lang tumulo ang kanyang luha. Pag angat niya ng paningin ay nakita ang kanyang asawa na nakaabang sa kanya. Dali-dali niyang pinahiran ang kanyang luha. Lumapit si Erica sa asawa at pinahid ang luhang tumakas sa mata ni Harvey.
“Pumayag ba ang anak mo?” ani Erica sa asawa.
Hindi nagsalita si Harvey pero tumango lang. Ayaw niyang magsalita at baka hindi niya mapigilan ang emosyon.
“Sus, huwag ka na kasi umiyak. Sinabi ko na sa iyo. Maiintindihan ka ng panganay natin. Kahit may pagka-maldita iyang anak natin ay masunurin naman siya.” Hinagod ni Erica ang likod ni Harvey at iginiya na ito pababa. “Halika na at mamaya darating na ang manugang natin.”
*******
Suot ni Natalie ang isang simpleng sabrina style puff sleeved coral blouse at ang kanyang pencil cut skirt. Lip gloss at loose powder lang ang tanging make up nya. Nagwisik siya ng kaunting vanilla-strawberry cologne na paborito niya at sinuot ang kanyang simpleng footwear. Naka-high ponytail ang kanyang mahabang buhok.
Lumabas na siya ng kanyang silid at bumaba na ng hagdananan. Dinig niya ang tawa ng isang lalaki at nang tiningnan kung saan iyon nanggaling ay sa dining area pala.
“Ayan na pala ang aking anak!” Animo tuwang-tuwa na saad ni Harvey sa kausap.
Paglingon ni Clyde, nagtama ang mga mata nila ni Natalie. Parang tumigil ang ikot ng mundo at ang tingin niya ay naka slow motion ang bawat paghakbang ng papalapit na si Natalie. Simple lang ang gayak nito pero hindi maitatago ang kaakit-akit nitong alindog.
Nasa isang long table sila sa dining room. Sa dami nilang magpipinsan ay napuno ang mahabang lamesa. Pito silang magkakapatid at lima naman ang anak ng kanyang Tita Trixxie, kaya isang dosena silang apo ng kanyang mga abuelo at abuela. Naroon din ang kanyang abuelo na si Enrico. Nilapitan muna niya ito bago pa man pumunta sa nakalaan na upuan para sa kanya. Tiningnan niya ang mg kapatid. Naninibago siya sa pagiging pormal ng mga ito lalo pa at sadyang magulo ang bawat kainan sa kanilang pamamahay
Naroon ang buong angkan ng mga Angeles. Ang kanyang buong pamilya pati na ang pamilya ng kanyang Tita Trixxie. Tumayo ang kanyang pinsan na si Trevin at sinalubong siya. “Ate Natalie, kumusta?” Tiim na tanong ni Trevin sa dalaga. Ang alam ni Natlie ay sa Italy nag-aaral ang pinsan at umuuwi lang kapag may mga espesyal na okasyon ang kanilang pamilya. Halata ang disgusto nito sa sitwasyon ng dalaga. Lumapit ito sa kanya at may binulong. “Mag-usap tayo mamaya sa hardin pagkatapos ng hapunan.”
Tumango ang dalaga at nginitian ang pinsan at saka binalingan ang buong angkan. Umupo siya sa tabi ng ama at ina. Ang kanyang mga kapatid ay nasa gawing kanan ng ina na naayon sa edad at pagkakasunod-sunod ng mga ito.
Napangiti si Clyde sa dami ng kapatid ni Natalie. Ngayon pa lang ay may paninibugho siyang nadarama. Lumaki siya na palaging kasambahay ang kasama at nag-iisa siyang anak. Although may bagong asawa na ang kanyang biyudong ama ay hindi naman ito nabiyayaan ng anak at ang asawa nito.
Nginitian ni Natalie ang kanyang abuela na si Anatalia at abuelong si Arthur.
Nag-umpisa na ang kanilang hapunan. Manaka-nakang nasusulyapan si Natalie ng pinsan na si Trevin na halata ang kawalang-gana nitong kumain. Pawang ang kanyang mga magulang, mga abuelo at ang kanyang Tita Trixxie ang nag-uusap-usap at pawang negosyo ang naging paksa. Natapos ang kanilang hapunan na behave silang mga apo.
Nang i-serve na ang panghimagas na fresh fruit salad ay doon na nagkagulo. Tinawag ni Senyora Anatalia si Aling Mabel para papuntahin na ang mga apo sa sala at doon na ipagpatuloy ang panghimagas ng mga ito.
May dinukot na kahita si Clyde sa kanyang bulsa at nilabas ang isang singsing doon. Napaawang ang labi ni Natalie sa singsing na may diamante. Tumayo si Clyde at lumapit sa kinauupuan ni Natalie.
“I want to marry you, Natalie. Sa unang beses na nakita kita, I am sure na ikaw na ang matagal kong hinahanap. I will not court you anymore. But, I will prove my worth from the day I marry you, a week after tonight.” Kinuha nito ang kamay ni Natalie at nilagay sa palasingsingan ang kanilang engagement ring.
Hindi nakaimik si Natalie. Napakabilis ng pangyayari at hndi akalain na sa isang iglap ay malapit na siyang ikasal. Pero ang mga abuelo at abuela ay napasinghap sa sinabi ni Clyde. Masyadong mabilis ang isang linggo. Pero, para sa mga arranged marriage ay hindi na sila nagtataka sa ganoon. Maging ang mga na sina Erica at Harvey ay isang linggo lang naman mula sa pamamanhikan at kinasal na kaagad.
Tiningnan ni Natalie ang mga magulang. Halatang masaya ang ina pero tila naiiyak ang kanyang Tatay Harvey. Napangiti si Natalie sa ama kaya nilapitan niya ito at niyakap.
Nakatunghay lang si Clyde sa mag-anak at napangiti siya sa uri ng relasyon meron ang mapapangasawa at ang pamilya nito. Masaya sila panigurado iyon.
Pagkatapos ng tagpong iyon, diretsong pinag-usapan nila ang detalye ng kasal. Tahimik lang si Harvey habang hawak ng asawa ang kamay nito. Pawang sina Clyde at ang abuelang si Anatalia ang naging aktibo sa usapin.Panaka-nakang may suggestion ang kanyang Tita Trixxie na pinagmamasdan ng asawa nitong si Gavin. May tiwala si Natalie sa kanyang Mamita kaya hinayaan niya itong magdesisyon.
********
Tapos na ang naging usapan sa nalalapit na kasal ni Natalie. Nasa garden siya ngayon at nilapitan siya ng kanyang Lolo Enrico.
“Ano apo, kakayanin mo kaya ang buhay may asawa?” anito sa dalaga.
“Alam mo naman siguro ang dahilan Lolo. Katulad din ng dahilan kung bakit nagpakasal si Nanay at Tatay noon. Sana lang ay maging mabait ang magiging asawa ko sa akin katulad ni Tatay.” Tumayo si Natalie at nilapitan ang abuelo para yakapin. “Syempre palagi ko pa rin kayong dadalawin sa bahay ninyo Lolo. Mamimingwit pa rin ako sa palaisdaan at kakain sa dahon ng saging.”
********
Pinagmamasdan ni Clyde ang paglalambing ng mapapangasawa sa abuelo nito. Masasabi niyang malambing nga si Natalie base sa kung paano nito itrato ang pamilya. Noong unang makita niya ito last week ay akala niya ay katulad ito ng mga anak mayaman na spoiled at matigas ang ulo. Tama nga ang sinabi ng kaibigan na si Tristan at ng pinsan na si Ariston. Mababait ang mga Angeles at tiyak na sulit ang magiging investment niya sa resort ng mga ito.
Lalapitan na sana niya si Natalie nang lumapit ang pinsan nitong si Trevin. May pinag-uusapan ang mga ito na hindi niya marinig pero nang umiling na lumakas ang boses ni Natalie ay lumapit na si Clyde.
“Baka nakakalimutan mo Trevin, mas matanda ako sa’yo. Don’t overstep your boundaries. Napag-usapan na nina Mamita at Tatay ang tungkol dyan. Kung sila nga pumayag, sino ka para tumutol?” asik nito.
“Pero Ate Nat, Guevarra pa rin siya?” pilit na turan ni Trevin sa pinsan.
“What’s wrong with me being a Guevarra? singit ni Clyde. Lumapit siya sa magpinsan at salubong ang kilay na hinarap si Trevin. “If you have issues with my kin, I am gladly announcing that just like my cousin Ariston ay hindi ako close sa kanila.”