HMW2: Cry

1590 Words
Napabuntong-hininga si Trevin at iniwan sina Natalie at Clyde. Gusto pa sana niyang ipaliwanag sa pinsan ang kanyang panig ngunit nakapagdesisyon na itong sundin ang kagustuhan ng kanyang Tito Harvey. Wala na siyang magagawa kundi ang hayaan ito sa kung saan tingin nito ay nakakabuti sa kanya. Ngayon, mas higit na nabistahan ng binata ang pigura ng mapapangasawa. Kaninang umaga ay halos magwala siya nang makita ito kung paano magsayaw kasama ang partner nitong tsinito. Gusto niyang sigawan ang mga estudyannteng naroroon lalo na ang mga sumisipol sa tuwing nakikita ang underwear ni Natalie. Huminga ng malalim si Natalie bago harapin si Clyde. Dikta ng kabutihang asal, nginitian niya ito ngunit tiim siyang tinitigan nito. Bigla siyang naasiwa lalo pa at parang hinuhubaran siya nito kung tingnan siya. Itinaas niya ang kanyang baba, kahit sa totoo lang ay pinagpapawisan siya at parang nabibingi siya sa bumibilis ang t***k ng puso. Mali yata ang ideya na nagpaiwan silang dalawa. Dapat pala ay hinikayat niya si Trevin na samahan siya. Para tuloy siyang daga na nakorner ng pusa na anumang oras ay pwede ng lapain nito. Pinasadahan niya tingin ang gwapong mukha ni Clyde. Hindi makapaniwala si Natalie na isang linggo mula ngayon, magiging Mrs. Clyde Guevarra na siya. Hindi man lang niya naisip na maaga siyang mag-aasawa. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay at sana ay payagan pa rin siyang mag-aral ng asawa pagkatapos nilang ikasal. Nilapitan ni Clyde si Natalie nang hindi man lang hiniwalayan ng tingin ang magandang mukha ng dalaga at masasabi niyang kamukhang-kamukha ito ng tiyahin. Kung hindi niya alam, mapagkakamalan na ang mga ito ang mag-ina. Well, maganda naman ang ina ni Natalie pero halatang mahinhin ito. Samantalang ang babaeng kaharap niya ngayon ay palaban. Halata iyon sa kung paano siya tingnan nito ng walang pag-aalinlangan. Women get intimidated by his penetrating gaze. It was always them that turned their sight somewhere if he caught them staring at him. As he is nearing her, he is thinking of how he is gonna approach her so that she will be in his command. “So, are you excited about our upcoming wedding?” ani Clyde. “Excited? At sinong magiging excited na ikasal sa estranghero, an old man at that!” Nakataas ang kilay ni Natalie habang sinasabi ang katagang iyon. Nakita niya kung paano nanlaki ang butas ng ilong ng kausap at halos magbuhol ang kilay nito. Nilapitan ni Clyde si Natalie at hinapit ang bayawang nito. Imbes na ilayo nito ang mukha sa kanya, ang dalaga pa mismo ang naglapit ng kanilang mga mukha. Halos gahibla lang ang pagitan ng kanilang mga mukha at nararamdaman niya ang mabining buga ng hininga nito sa kanyang mukha. He is appalled by her behavior. The woman is so confident in her skin that she dared to meet his gaze. “I will see to it that I will use your body to satisfy my needs. I don’t think your worth is almost a hundred million.” Pinaraanan ni Clyde nang kanyang mukha ang leeg nito pero ni hindi man lang kumislot si Natalie. Bagkus, nilapit nito ang labi sa kanyang tainga. “Well, if you think that I’m not worth that much, then just enjoy the ride. Kapag nagsawa ka na, pwede mo ako idispatsa at hahanap ako ng mas mayaman kaysa sa iyo. I am young and beautiful, for sure even after you, marami pa rin naman sigurong maghahabol sa akin.” She said those words without batting an eyelash. At nakita ni Natalie kung paano nag-iba ang kulay ng mukha nito. Even from the faint light, nakita rin ng dalaga kung paano gumalaw ang mga muscles nito sa mukha sa kanyang mga sinabi dito. Tinapik niya ang balikat nito at naglakad na papalayo. Nang makita niyang nakasunod lang ang titig ni Clyde sa kanya, she blow a kiss to him, bago tuluyang pumasok sa kabahayan. ********* Gustong murahin ni Clyde ang sarili. Kung bakit pa kasi niya nabanggit ang tungkol sa pera. He wants a submissive wife but he thinks that Natalie is not that kind of woman. Napabuntong-hininga na lang siya sa kanyang katangahan. Umangat ang kanyang tingin at nakita si Trevin na lumapit sa kanya. Seryoso ang mukha nito at tinitigan siya na parang inaarok ang kanyang kaisipan. He averted his gaze and asked him. “Is there anything that you wish to know?” tanong niya sa bagong dating. “I am looking at you, Guevara. Tandaan mo ito, maraming mata ang magmamasid sa iyo. At huwag kang mag-alala, ibabalik ko ang halaga ng investment mo. Just give me six months and Natalie will be free.” Tumalikod na kaagad si Trevin pagkatapos sabihin iyon kay Clyde. Naiwang nagpupuyos si Clyde. Ngayong gabi, dalawang beses na siyang ininsulto ng magpinsan. No one insults Clyde Guevarra and gets away with it. It was just his threat to her, but it seems that it boomerang to him. Wala naman siyang intensyon ipamukha sa mapapangasawa ang laki ng investment niya sa negosyo ng mga ito. But, his jealousy towards the incident in the school celebration is like a poison clouding his judgment. Hindi naman siya ganoon tao na nanunumbat pero ang possessiveness niya ay kusang lumalabas kapag si Natalie na ang sangkot. Naalala pa niya nang unang beses niyang makita ito sa party a week ago. Hindi naman masyadong revealing ang suot nito, bagkus ay akma lang sa kanyang edad. Kaagad niyang tinanong ang kaibigan na si Tristan kung sino ang dalagang maganda, and to his amazement anak pala ito ng may-ari ng plantation resort kung saan niya planong mag-invest. Right that night, nasabi niya sa sarili na he need to own her. Natawa si Tristan sa kanya and that moment alam na kaagad niya ang pabor na hihingin kay . Harvey Angeles, walang iba kundi ang kamay ng panganay nitong anak. ********* Umakyat na si Natalie sa kanyang silid. Naligo siya at hinanda ang sarili para matulog pagkatapos tuyuin ang buhok gamit ang blow dryer. Nakarinig siya ng banayad na katok at sumungaw kaagad ang mukha ng kanyang Tatay Harvey, kasunod ang kanyang Nanay Erica. Napangiti si Natalie, may ideya na siya sa magiging takbo ng usapan ng mga magulang. Umupo siya sa katapat na upuan ng sofa pero pinatayo siya ng ama at kinandong siya nito at mahigpit na niyakap. Ilang sandali pa, narinig niya ang pagsigok nito. Hinayaan niya ang ama na ilabas nito ang nararamdaman. Napatingin siya sa kanyang ina na panay naman ang hagod sa likod ng kanyang ama. “Ay, ano ba ‘yan, Harvey? Paano naman mapapanatag ang panganay mo kung ikaw ay iiyak?” anang kabiyak. Mas lumakas ang hagulhol ni Harvey sa sinabing iyon ni Erica at mas humigpit lalo ang yakap sa anak. Kapwa napailing si Erica at Natalie sa ginawa ng ama. Kaya, kumawala siya sa yakap ng ama at hinarap ito. “Tatay naman e, pumayag naman ako sa hiling mo. Bakit ngayon parang malungkot ka? Ayaw mo magiging lolo ka na sa malaon at madali?” biro ni Natalie na pigil ang tawa. Sa narinig ay napatigil si Harvey sa pagsigok at naisip na tama nga naman ang anak. ******** Walang klase sina Natalie dahil sembreak. Kaya, alas otso na ng umaga pero tamad pa rin siyang bumangon. Hatinggabi na kasi sila natapos mag-usap ng ina. Ang tatay niya ay nauna ng bumalik sa silid nito at nagpaiwan ang kanyang Nanay Erica. Naalala niya tuloy ang mga sinabi ng ina sa nakalipas na oras. “Anak, malapit ka ng mag-asawa. Ilang araw na lang ay isa ka ng ganap na asawa. Ang maipapayo ko lang ay igalang mo ang inyong kasal. Sagrado iyon at sa mata ng Diyos at mga tao ay kailangan na pangalagaan ninyo ang isa’t-isa. Hindi man sa normal na sirkumstansya kayo ikakasal ni Clyde, sana kahit papaano ay magpasakop ka sa kanya,” ani Erica sa anak. Hinaplos niya ang nakatabing na buhok ni Natalie sa kanyang noo. Matamang pinagmasdan ang anak na parang kailan lang ay tumatakbong pauwi galing sa paglalaro para dumede sa kanya. Hindi niya makapa sa damdamin ang pag-aalinlangan na mag-aasawa ng maaga ng anak. Katulad niya, alam niyang malakas ang loob ng anak ay palaban. Kakayanin nito ang mga pagsubok sa pag-aasawa, katulad nang kung paano niya naitawid ang pagsasama nila ni Harvey. “Mama, basta kapag talaga aapihin ako ng Clyde na iyon, lalaban ako. Isa akong Angeles ang walang sinuman ang may karapatang umapi sa akin,” ani Natalie sa ina. Napaigtad si Natalie sa tatlong magkasunod na katok sa kanyang pinto. Bumukas ang kanyang pinto at pumasok si Aling Mabel at binati siya. “Natnat, mag-ayos ka ng sarili at nandyan ang iyong nobyo na Sir Clyde. Bumaba ka na pagkatapos dahil hihintayin ka nila Mamita mo sa hardin.” Tumalikod kaagad ang kasambahay matapos nitong sabihin ang pakay. Nag-unat na si Natalie at pumasok ng banyo para maligo. Limang minuto lang ginugol niya sa paliligo at kaagad siyang nagbihis. Teal cotton dress ang suot niya at hindi man lang siya nag abala na maglagay ng kung ano sa kanyang mukha. Bumaba na si Natalie at binaybay ang daan patungo sa hardin kung saan sila mag-aalmusal. Napalingon ang lahat sa kanya pagdating niya. May tatlong kasama si Clyde na pagkakita sa kanya ay kaagad siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Binati niya ang lahat at nagmano sa kanyang abuela. “Team, meet my future bride, Natalie Angeline Angeles.” Minuwestra ni Clyde ang kanyang kamay at lumapit naman ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD