STELLA'S POV NAGISING ako na nag-iisa na lamang sa aming silid ni Jared. Pangalawang araw na ito na maaga siyang aalis dahil may inaayos pa ito na problema sa kanilang kompanya. Ngunit napapangiti na rin ako nang makita ko ang nakapatong na food tray sa two seater table ng aming silid. Napakaswerte ko kay Jared. Lagi niyang sinisiguro na nakahanda na ang lahat ng aking kakailanganin bago pa man siya umalis papunta sa kanyang trabaho. Marahan akong bumangon, medyo mabigat na ang aking tiyan dahil ngayon buwan na ang due date ng aking pagbubuntis at sabi ng aking doktor anytime nagle-labor na ako. Ngayon pa lamang nakita ko ang excitement sa mukha ni Jared, lolo Emilio, Mommy Olivia at lalo na ang panganay namin na si baby Ej. Siyempre ako rin mismo, excited na akong makarga sa aking mg

