STELLA POV “JARED, hindi ka pa ba babalik sa opisina?" tanong ko kay Jared. Nandito kami ngayon sa silid ni Baby Ej. Pagkatapos niya akong paliguan at pakainin. Dumiritso na ako sa silid ng aming anak dahil akala ko aalis na siya pero nagulat na lamang ako nang sumunod ito sa akin dito sa kabilang silid. Tuwing alas-diyes ng umaga ang kanyang klase kaya ako na ang maghahanda ng kanyang mga gamit at magpapaligo sa anak namin ganoon din ang magbibihis. “Daddy, you are here! Huwag ka na aalis. Samahan mo kami Mommy Stella. Nood kami ng movie.” Napatigil ako sa paglalagay ng mga gamit ni Baby Ej sa kanyang school bag dahil sa aking narinig. “Wait, anak. Hindi ba may klase ka ngayon? Bakit manonood kayo ng movie? Hindi ba ang sabi ko sa ’yo bawal lumiban sa klase?” napameywang kong anas k

