(JARED’S POV) Kumunot ang aking noo dahil hindi nagsalita ang tao mula sa kabila linya. Mas lalo akong nagtaka nang bigla itong nawala mula sa kabilang. Agad ko na lamang ibinaba ang cellphone ni Manang Prima sa pinaglalagyan nito. Hindi ko sana sasagutin ang caller, ngunit kanina pa nag-iingay at baka mahalaga ang sasabihin nito. Ngunit wala namang nagsalita sa kabilang linya. Umalis kasi si Manang Prima at maagang pumunta sa palengke baka naiwan nito ang cellphone niya. Nagmamadali na lamang akong umalis sa bahay nina Mommy Olivia para pumasok sa aking company. Agad naman akong nakarating sa aking opisina at sinimulan na magtrabaho. Mabilis lang ang oras at hindi ko man lang ito namalayan. Pagtingin ko sa aking relong pambisig ay alas-sais na ng hapon. Napasandal naman ako sa aking

