Nang matapos kaming kumain ng biko nina Manang Bebang at Daisy ay agad akong nagpunta sa aking kwarto. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko. Para tawagan si Manang Prima. Lalo at sabik na sabik na akong malaman ang lagay ng aking anak. Habang patuloy na nag-riring ang cellphone ni Manang Prima ay abot-abot naman ang aking kaba. Diyos ko po! Sana'y nasa maayos lang na kalagayan ang aking anak. Mayamaya pa’y narinig kong may sumagot sa kabilang linya at ito'y boses ka agad ni Manang Prima. “Manang Prima, nandito na po ako sa Cebu rito sa bahay ni Manang Bebang, maayos naman po akong nakarating dito. Teka, kamusta na po ang anak mo?” nag-aalala na tanong ko sa matanda. “Naku! Huwag mong alalahanin ang iyong, anak, Senyorita Stella. Dahil nasa maayos siyang kalagayan. Ikaw ang dapat mag-i

