DALAWANG araw ang lumipas mula ng buhusan si Edd ng putik ng taong baliw na ‘yun at “di namin kilala. Ngunit sa dalawang araw na nagdaan ay hindi pa nagpaparamdam si Edd. Mukhang dinamdam nito ang nangyari sa kanya. Kawawa naman si Edd. Sino ba kasi ‘yun? Tama kaya ang bulungan ng mga tao na may kaaway ito? Ngunit mukha namang mabait si Edd. Kaya malabong magkaroon ito ng kaaway. Ngunit bigla akong napatingin sa aking cellphone dahil may nagtext dito. Kumunot ang noo ko nang makita number lang ito. “Hi,” tangging text lamang. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa nabasa konh text sa akin. Sino kaya ito? Samantalang iilang tao lang ang nakakaalam ng aking number. Hindi ko na lang ito pinansin at nahiga kama. Baka wrong send lamang. Mataman akong napatingin sa bintana. Dali-dali tulo

