TUMINGIN ako kay Edd na seryoso ang tabas ng mukha nito. Ngunit kuyom din ang kamao nito at talagang nagtitimpi na hindi kumawala ang galit. Medyo naawa naman ako ngunit hindi naman namin kilala kung sino nga ba ang tao na nagpapadala nang kung ano-ano rito. Kahit naman sinong nilalang ay magagalit oras na makatanggap ng kulay pulang kabaong. Hinayaan ko na lang si Edd na makipag-usap sa tatlong lalaki na may dala-dala kabaong. Nang matapos makipag-usap ni Edd sa tatlong lalaki ay agad akong binalikan nito. Panay naman ang hingi nito ng pasensya sa akin. “Ayos lang Edd. Sana’y malaman mo na ka agad ang taong baliw na ‘yun,” anas ko sa lalaki. “Yeah, dahil titiyakin kong ako mismo ang papatay sa hayop na ‘yun. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niya sa akin. Hindi niya ako kilala!” galit

